NILAPITAN ni Kirst ang anak na si Kirslynn na abala nang mga sandaling iyon sa mga kalaro nito. Inilahad pa niya ang kamay sa harapan nito. Naagaw naman ng nakalahad niyang kamay ang atensiyon ni Kirslynn. Umabot sa mga mata ang naging ngiti nito nang umangat ang tingin nito at makita siya. “Daddy,” bigkas pa nito sa katagang iyon na lalong nagpatunaw sa puso ni Kirst. Kay sarap sa pandinig na sa wakas ay natatawag na siya ng ganoon ng kaniyang mga anak. Hindi dahil, daddy’s for a day lang siya. Pero, dahil, panghabambuhay na iyon. “Care to dance with daddy?” pag-aaya pa niya rito. Sunod-sunod ang naging pagtango nito na agad inabot ang kamay niya. Dahil hindi pa bumabalik si Christine na kasama ni Nastya sa CR kaya naman si Kirslynn muna ang kaniyang isasayaw sa may ibaba ng stage. N

