NAPANGITI si Nastya habang pinagmamasdan ang kaniyang mag-aama. Tulog na ang mga bata habang si Kirst ay agad sumilay ang ngiti sa labi nang makita siya. Maging sa pagtulog ay kapit na kapit ang mga bata sa ama. Pinaggigitnaan ito ng mga kambal. Katulad nang plano ni Kirst, pagurin ang mga bata para mabilis makatulog. At ganoon nga ang nangyari. Walang ginawa ang mga kambal sa party kundi ang makipaglaro sa mga bagong kalaro ng mga ito. Halos lahat din ng booth ay pinuntahan. But all in all, super priceless ang saya na naranasan ng mga anak niya nang araw na iyon. Bukod sa mga bagong kalaro, numero uno rin ng dahilan ng saya nang mga bata ay ang ama ng mga ito. Hindi inaalis ang tingin na nilapitan niya si Kirst. “Katutulog lang ng mga bata,” he even whispered. Kaya siguro hindi pa ri

