FINALE

4471 Words

KATATAPOS lang ng gender reveal party para sa panibagong supling nina Nastya at Kirst na ginanap sa UHB Leisure Club. She was on her seventh months of pregnancy. Kumpara noon, hindi sobrang laki ng kaniyang tiyan ngayon. Napangiti si Nastya nang maalala ang naging event kanina. Masaya ang naging gender reveal dahil na rin sa kakulitan ng kanilang mga anak na excited din na malaman ang gender ng bagong kapatid ng mga ito. Maging sa mga ito kasi ay hindi agad nila pinaalam ni Kirst. Nang mga sandaling iyon ay tulog na ang mga bata sa kabilang silid. Sa sobrang pagod din sa pakikipaglaro sa mga kalaro ng mga ito ay bagsak agad pagbalik nila sa Yadoya Hotel. Hinimas niya ang tiyan. Dalawang buwan na lang at masisilayan na rin nila ang panibagong magdaragdag ng kasiyahan sa kanilang pamilya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD