“MEETING you twenty-three years ago, when you are just ten years old, it was my first unforgettable moment. Hindi man kita kilala ng personal noon, nagkahiwalay pa tayo ng hindi nakikilala ang isa’t isa, pero sobrang thankful ako. Kasi, I started appreciating things. At noong sinabi mo na hindi naman masamang maghintay, noong time na umaasa ka na babalikan ka ng tunay mong mga magulang, ‘yon ‘yong sinubukan ko rin noon. Ang maghintay. Na isang araw, makita ka ulit. From twenty-three years ago, here we are right now. Pinakakasalan ko na ‘yong babaeng una kong na-crush-an. Paulit-ulit man tayong nagkahiwalay from five years ago, from different reasons, pero hindi tayo sinukuan maging ng may kapal. Ibinabalik at ibinabalik pa rin tayo sa piling ng isa’t isa. Mommy, you’re the best thing happe

