Chapter 166

1003 Words

HUMIGPIT ang kapit ni Nastya sa hawak niyang wedding bouquet nang unti-unting bumukas ang nakasarang pinto ng simbahan. Kasabay niyon ay ang pagtugtog ng choice of music niya kapag maglalakad na siya… ang Beautiful In White na kinanta ng Westlife. Ni hindi siya kumukurap nang unti-unti rin niyang makita ang loob ng simbahan. Sobrang ganda maging ang loob niyon. Puno rin ng mamahaling mga bulaklak. Even the aisle, namumuti ang gilid niyon dahil sa mga bulaklak at dekorasyon. Ang motif ng kasal nila ni Kirst ay kulay red. Kakulay ng paborito niyang rosas na palaging ibinibigay ni Kirst sa kaniya. Ang wedding gown naman niya ay ang original design na ipinagawa pa niya noon kay Paige. She still keep the design. Off-shoulder fairy bridal ball gown ang design ng kaniyang wedding dress na pahab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD