Chapter 137

1435 Words

MARAHANG hinaplos-haplos ni Nastya ang buhok ng mga anak niya. Dahil sa sobrang pagka-miss ng mga kambal sa kaniya kaya hindi pumayag ang tatlo na hindi matutulog sa kaniyang silid. Kaya naman hayon at siksikan sila ng higa sa kaniyang kama. Nang mga sandaling iyon ay tulog na ang mga ito. At nang masiguro na malalim na ang tulog ng mga bata kaya naman maingat siyang bumangon at bumaba muna sa kama. Dinampot niya ang kaniyang cellphone na nasa may bedside table at hinayon ang isang malambot na upuan na mataas ang sandalan. Doon ay naupo siya habang naka-cross legs ang mga hita. Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang kaniyang cellphone na hindi niya basta mahawakan kanina dahil busy siya sa pag-i-story telling sa mga anak niya. Napalabi siya nang hindi na makitang online si Kir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD