SA TAPAT nang sofa na kinauupuan ng mga kambal ay mayroong mesita kung saan nakapatong ang laptop ni Nastya. Laptop ang gagamitin ng mga ito sa pakikipag-FaceTime para naman kitang-kita si Kirst at hindi mag-agawan ang mga ito sa screen ng cellphone kung iyon ang gagamitin niya. "Are you ready?" tanong pa niya sa mga anak niya. Tatawagan na kasi nila si Kirst. Tumango ang mga ito. "Yes po, mommy." Napangiti siya nang makita ang excitement sa mga mata nang mga ito. Hindi pa niya direct na sinasabi na si Kirst ang kakausapin ng mga ito. Basta sabi lang niya kanina ay may gustong makipag-usap sa mga ito. "Okay," aniya na bumaling na sa laptop. Para suspense ay tumayo muna siya at itinalikod sa mga ito ang laptop bago tinawagan si Kirst. Nang mag-appear agad sa screen ang guwapong-gwapong

