NASA may pool area si Nastya nang mga sandaling iyon. Ninanamnam ang presko at sariwang hangin sa labas ng mansiyon. Prente rin siyang nakaupo sa may lounge na nasa may tabi ng swimming pool. May malambot pang throw pillow sa may likuran niya kaya mas kumportable siya sa pagkakaupo. May slice din ng mansanas na kinakain niya. Ang mga bata nang mga sandaling iyon ay busy sa klase ng mga ito. Si Kirst naman ay busy rin sa trabaho. Kaya heto siya ngayon sa may pool area. Nagpapahangin. Napatingin siya sa karatig ng lounge na kinauupuan niya. Naupo roon si Primo. Tumanaw muna ito sa asul na kalangitan bago nagbaling ng tingin sa kaniya. "Ilang araw na lang, magkikita na uli ang mag-aama mo," panimula pa nito. Sinabi na rin niya kay Primo ang plano. Maging sa mga magulang niya. Mga gustong

