HINAPLOS-HAPLOS ni Nastya ang buhok ng kaniyang kapatid na si Niña. Matapos itong turukan ng pampatulog kanina ay wala pa rin itong malay hanggang nang mga oras na iyon. Mula nang umuwi ito kanina ay agad din ang dating ng family doctor nila para i-check ang kundisyon ni Niña. Tulala ito at bahagyang nanginginig. Bukod sa mga bodyguards at pulis na naghatid kay Niña pauwi ay wala na itong ibang kasama. Hindi nito kasama si Primo nang umuwi. At hanggang nang mga sandali nga na iyon ay hindi pa rin ito bumabalik sa bahay nila. Bahagya siyang napakislot nang marinig ang pagbukas ng pinto ng silid ni Niña. Napatayo siya buhat sa pagkakaupo sa gilid ng kama nang makita ang kaniyang ama. Maingat nitong isinara ang pinto bago naglakad palapit sa kama ni Niña. Puno ng pag-aalala ang mukha ng ka

