UNTI-UNTING bumagal ang paghakbang ni Nastya pababa sa hagdanan nang makitang may mga papasok na pulis sa loob ng kanilang mansiyon. “Bakit may mga pulis?” taka pang tanong ni Kirst na nasa tabi niya. Humigpit ang kapit niya sa braso nito. “Wala akong idea,” aniya rito bago nagpatuloy sa pagbaba. Nang makababa sila at may bumati sa kanila na isang pulis na mataas ang ranggo ay walang pag-aalinlangan na nagtanong siya rito. “Ano pong meron, Sir? Bakit kayo narito?” Nang kumain naman sila kanina ng almusal ay wala namang nabanggit ang kaniyang ama bago ito pumasok sa trabaho na may pupuntang mga pulis sa kanilang bahay. Kaya kataka-taka na ganito ang makikita niya. “Nagpahanda ho si Sir Primo ng warrant of arrest.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Warrant of arrest? Para po kanino?” “A

