HINAWAKAN ni Niña nang mahigpit ang hawak niyang purse nang makita si Third na dere-deretso sa paglabas ng kanilang bahay. Tumingin muna siya sa paligid bago sinundan si Third. Pinauna lang niya iyong makasakay sa sasakyan nito at mag-drive palayo bago niya hinayon ang kinaroroonan ng kaniyang kotse. Kanina pa nito pinauna ang mga kasama nitong bodyguard na umuwi. Kaya solo na lang itong umalis nang gabing iyon. “Ma’am, saan po kayo?” usisa pa sa kaniya ng isang guard. “May nakalimutan si Third, ihahabol ko lang.” “Kailangan niyo pa ho ba ng convoy?” Mabilis siyang umiling. “No need. I’ll be safe,” bigay assurance pa niya rito bago tuluyang binuksan ang kaniyang Porsche. Pinasibad din agad niya iyon. Habang daan ay sinigurado niya na may distansiya sila nang sasakyan ni Third. Katula

