“AS YOU can see, mommy, kitang-kita kung kanino nagmana ang mga anak natin,” ani Kirst na nag-angat ng tingin kay Nastya nang lapitan niya ito. Nang mga sandaling iyon kasi ay nakaupo sa magkabilang kandungan ni Kirst ang dalawa nilang anak na babae habang nakayakap dito. Habang si Kirstian naman ay nakatayo sa pagitan ng mga hita ni Kirst habang nakayakap sa may tiyan nito. Paalis na sila kaya naman ganoon na lang ang pagyakap ng mga bata sa ama ng mga ito. Bumuntong-hininga si Nastya. Naupo siya sa tabi ni Kirst at hinagod sa likod si Kirstian at Christine na malapit sa kaniya. Naalala niya iyong eksena nila ni Kirst noong nakaraang linggo. Ganoon na ganoon siya. “Babies, we need to go,” ani Nastya sa mga anak. “Bukas, makakasama niyo uli si daddy. For now, mauuna muna kayong umuwi,

