Chapter 2

1641 Words
Matapos ibilin ni Matthew si Maria kay Aling Dida ay umalis na ito ng hindi na kumain ng agahan. "Halika ka na Maria. Ilagay mo na ang mga gamit mo sa kwarto natin." sabi ni Aling Dida. Sumunod naman si Maria sa matanda. Papasok pa lang sila sa silid ng maids quarters ay napailing na lang si Maria. Malinis at maluwang naman ang kwarto pero kung tutuusin ay kasinglaki lang ng kanyang bathroom ang silid na iyon. Wala siyang magawa kundi magtiis sa ganun ay masasanay din siya at sana makayanan niya ang kanyang magiging trabaho. "Siya nga pala Maria dito ka sa pwesto na ito kasi umuwi na sa probinsya yung dating natutulog dito para mag-aral." wika ni Aling Dida. Nilapag naman ni Maria ang kanyang mga gamit sa sahig at naupo sa kama. "Salamat po Aling Dida!" sambit ni Maria. "Walang anuman yun Neng. Halika na at ng maituro ko sayo ang mga gagawin mo para pagdating ni Sir mamaya ok na ang lahat. Huwag ka mag-alala mabait naman si Sir Matthew basta gawin mo lang yung mga gusto niya at iwasan ang mga ayaw niya." ani Aling Dida. Tahimik lang na nakikinig si Maria sa matanda wala naman siyang pakialam kung mabait o masungit ang amo nito, basta may trabaho siya ok na sa kanya. "Aling Dida, saan po ang silid ni Sir Matthew?" tanong ni Maria. "Halika, ituturo ko sa'yo." sabi ng matandang babae. Pagkabukas ng pinto tumambad naman sa kanya ang malinis at napakasinop na mga gamit ng binata. Malaki ang silid nito at halos kumpleto sa gamit ang loob. Konti lang ang deperensya sa kanyang kwarto na sobra na niyang namimiss pero kailangan muna niyang magtiis sa ngayon at harapin ang hamon na kailangan niyang mapagtagumpayan. "Ito po ba ang kwarto ni Sir Matthew? Wow ang laki naman po pala! wika ni Maria. "Oo Maria! Dito lang lagi si Sir kapag walang pasok sa opisina, pero huwag ka mag-alala, hindi lang ikaw ang maglilinis at mag-aayos dito dahil may mga kasama ka. Minsan ako ang kasama mo pag di ako busy sa ibaba. ani ni Aling Dida kay Maria. Sinimulan na nila ang paglilinis at pag-aayos ng mga gamit ng binata. Itinuro din ni Aling Dida kung anong mga damit ang pang-opisina, pang-gym, panlakad at iba pa. Sinabi na ng matanda ang lahat, pati na ata brief ng amo ay sinabi na niya na madali din naman natandaan ni Maria. "Maria, iiwan muna kita dito. Ayusin mo na lang yan mga papers sa ibabaw ng table ni Sir Matthew, para mamaya hindi tayo masermonan." utos ni Aling Dida. Bababa na kasi ito para magluto at asikasuhin ang ibang bagay sa bahay. "Dida!" Malakas na sigaw ni Veronica sa matanda na walang man lang galang. Patakbo naman lumapit ang matanda sa kinaroroonan ng babae. Basta Sabado ay nagpupunta ito sa bahay ng nobyo."Ma'am, may ipag-uutos po ba kayo?tanong agad ni Aling Dida dito."Saan si Matthew?" tanong nito sa matandang babae. "Nasa opisina po Ma'am. Bakit, hindi niyo ba siya tinawagan?" tanong ni Aling Dida kay Veronica. "Bwisit ka! Magtatanong ba naman ako kung alam ko? Umalis ka na nga sa harapan ko at hintayin ko na lang siya dito sa sala." ani Veronica sa matandang babae sa pasigaw na tono. Nasanay na sila sa talas ng dila ng nobya ng binatang amo nila. Walang sumasagot sa babaeng ito dahil takot sila lalo pag sinumbong sila kay Matthew at magaling din itong magdrama sa harapan ng nobyo at paniwalang-paniwala naman ang lalaki dito. Dahil nauuhaw si Maria, bumaba ito ng sala para uminom ng tubig sa kusina.Dere-deretso lang ito sa paglalakad ng... "Hoy, sino ka?" tanong ni Veronica kay Maria. Nilingon naman ni Maria at siniguro kung siya ba ang kinakausap ng nagsalita. "Yes! Ako ba ang tinawag mong 'Hoy'?" tanong ni Maria sa babae. "Bwisit ka! May ibang tao pa ba dito kundi ikaw lang ang kausap ko? At saka tawagin mo akong Ma'am. Siguro bagong atchay ka dito ano?" mataray na sigaw ni Veronica Kay Maria. "Sa pagkakaalam ko iisa lang ang amo kong pinagsisilbihan at hindi dalawa." mariing tugon ni Maria. Kahit di niya kilala ang babae ay wala siyang pakialam, pero ang tawagin siyang 'Hoy' ay yan ang di niya matanggap. "Aba, baka di mo ako kilala, atchay ka,para malaman mo ako lang naman ang fiancee ng amo mo, kaya amo mo na rin ako naiintindihan mo?" Pasigaw na sabi ni Veronica kay Maria. "So what? I don't care! Tandaan mo hindi ka pa kasal sa amo ko kaya siya pa rin ang nag-iisang amo namin dito. Hindi ka namin amo." mariin at taas noo na sagot ni Maria. Tinalikuran ni Maria ang kausap at iniwan na niya itong galit na galit sa kanya. Lahat ng sagutan ng dalawang babae ay dinig na dinig ni Aling Dida at ilang mga kasambahay kaya masaya sila dahil nakahanap na ng katapat ang bruhang girlfriend ng amo nilang si Matthew. Wala kasi kahit isa sa kanila ang malakas ang loob na sumagot dito dahil sa masama ang tabas ng dila nito. "Hindi ka ba natatakot sa kanya?" tanong ni Aling Dida Kay Maria. "Po? Bakit ako matatakot sa babaeng yun hindi siya ang uurungan ko Manang!" sabay inom ng malamig na tubig. ""Alam mo, ikaw lang ang nakasagot sa kanya ng ganun. Lahat kasi kami dito takot sa kanya kasi nagsusumbong siya kay Sir Matthew." Bigla naman kinabahan si Maria dahil baka nga magsumbong ito, sigurado matatanggal siya sa trabaho kung magkataon. "Naku Manang, eh di magsumbong siya. I have the right para sagutin siya dahil bukod sa hindi ko naman siya amo, siya naman nauna." kampanteng sagot ni Maria kay Aling Dida. Palubog na ang araw ng dumating si Matthew sa mansion. Nandoon pa rin si Veronica na naghihintay sa kanya. "Hi sweetheart I miss you!" sabay halik kay Matthew. "I missed you too!" sagot naman ni Matthew sa kanya at hinalikan ito sa labi. Sakto naman pasok ni Maria sa sala at nakita sila. "Alam mo Sweetheart, yan bago niyo katulong sinigawan ako kanina." mangiyak-ngiyak na sumbong ni Veronica Kay Matthew. "Ano? Bakit?" tanong naman nito sa nobya. "Hindi ko alam sa kanya. Wala naman ako ginagawa masama basta na lang ako sinigawan. Tawagin mo nga siya Sweetheart and tell her to say sorry sa ginawa niya pagsigaw sa akin kanina." at yun nga ang ginawa ni Matthew. "Maria! Maria!" sigaw ni Matthew at taranta naman itong lumapit sa kanila. "Yes Sir?" tanong agad ni Maria sa binata at tinapunan niya ng masamang tingin si Veronica dahil alam niyang nagsumbong na ito kay Matthew. "Tama ba ang sinabi ng fiancee ko na sinigawan mo daw siya? Anong dahilan mo para gawin yun?" seryosong tanong ni Matthew kay Maria. "Hindi Sir." tipid na sagot nito sa kausap. "Sweetheart tingnan mo nagsisinungaling pa siya." sumbong ulit ni Veronica. "Maria say sorry to her." utos ni Matthew kay Maria. "What? Hell no! I won't do that. I have my right na sagutin ang mga sinabi niya sa akin Sir!" sagot ni Maria ng hindi niya napansin na napa-English siya ng wala sa oras. "Pati ba naman ako sinusuway mo na. Tandaan mo bago ka pa lang dito." ani Matthew. "Sorry for that sir, pero hindi po ako magso-sorry sa fiancee niyo dahil hindi ko naman siya sinigawan. I won't say sorry for the thing I didn't do. Now will you please excuse me, I have more important things to do Sir." paalam ni Maria sa amo niyang si Matthew. 'Langya, akala ko tatanga-tanga at walang alam ang atchay na ito.' sa isip ni Matthew dahil di man lang niya nakakitaan ng takot si Maria habang nakikipag-usap sa kanila ng nobya niya.Habol hininga naman si Maria Crizza ng nakapasok na siya sa kanilang silid. Hindi na niya na control ang kanyang pagka-abogada sa harap ng mga taong yun at dapat di siya magpapatalo sa mga ito lalo na sa babaeng mukhang kabayo na iyon. Tahimik na ang buong mansyon at natapos na ang mahabang araw. Hindi pa tapos si Matthew sa kanyang mga documents sa library kaya naghihintay pa rin si Maria hanggang matapos ito. 'Hay naku! Kainis naman itong lalaking 'to. Ano ako ladyguard na nagbabantay lang dito hanggang matapos siya. Linggo naman bukas. Ano kaya kung pasukin ko na at tulungan ko?' Naiinis na talaga si Maria habang nakaupo sa may hagdanan. Inaanktok na talaga siya kakahintay. Ilang segudo pa ay di na siya nakapagtimpi at pinuntahan na nga niya ang silid aklatan kung nasaan si Matthew. Mahinang katok lang ang ginawa ni Maria sa labas ng library kung saan naroon ang binatang amo. "Yes come in!" sagot naman nito na nasa loob. Dahan-dahan naman binuksan ni Maria ang pinto at nakita niyang tutok na tutok ang mga mata ni Matthew sa mga documents na nasa harapan. "Sir pwede na po ba akong matulog kasi 1 am na po, kung tutuusin overtime na po ako nito?" ani Maria sa amo habang pilit niya tinatago sa sarili ang pagkayamot. Tinignan naman siya nito na naka-kunot noo. "So what kung overtime ka, babayaran naman kita!" deretsang sagot ni Matthew sa kanya. "Punyemas na, hindi man lang nakuha ang ibig kong sabihin. Ang hina talaga. Antok na ako, gusto ko na matulog." mahinang tugon ni Maria na inakala niyang siya lang ang nakarinig. "What did you say? I heard you're saying something." tanong ni Matthew sa kanya. "I didn't say anything Sir!" tanging naisagot na lang ni Maria sa kanya. Nakaupo lang si Maria sa couch malapit sa desk ni Matthew. Nakaidlip na ito sa kakahintay na matapos ang amo, hanggang sa nakita na siya ng binata. Dahil sa antok na din si Matthew ay hinayaan na lang niya na doon na matulog sa couch si Maria at saka na siya pumasok sa kanyang kwarto para matulog na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD