Kabana 3

2178 Words
Dahil sa ngawit sa pagtulog ay nagising na si Maria. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nagtaka pa siya na nasa library pala siya nakatulog. 'Kainis ka talagang lalaki ka. Hindi mo man lang ako ginising ano kaya kung ikalat ko lalo itong mga papers mo para magalit ka?' inis na turan ni Maria. Sa sobrang inis niya mag-alas tres na pala ng umaga. Dali-dali namang inayos ni Maria ang mga documents ni Matthew na kailangan nito dalhin sa opisina. Dahil gamay na ni Maria ang mga ganun bagay, madali na lang niya itong naiayos. May mga numero ang bawat dokumentong nandoon at iyon siguro ang nilagay ng amo para palatandaan ng pagkasunod-sunod at ng hindi siya malito. Tiningnan niya ito at wala sa tamang ayos kaya inayos niya ito kahit hindi na magkatugma ang mga numero. Wala pang 20 minutes ay natapos na niya ang pagaayos kaya lumabas na siya ng library at nagtungo sa Maids Quarter para ituloy ang kanyang pagtulog. 'Yun lang naman pala ang ipapaayos magbibigay pa ng direction, mali-mali naman.' wika ni Maria sa sarili. Natulog na din ito kaagad dahil maaga pa ang gising niya pagsikat ng araw. Linggo ng umaga, 7am na gumising si Maria at napuyat ito kagabi, kaya bahala na kung magalit ang amo nito at late siya nagising. "Good morning Maria! Anong oras ka na ba natulog kagabi? Hindi na kita inantay pa kasi pagod din ako." tanong ni Aling Dida sa kanya. "Hay naku Manang, pasado alas tres na po na umaga ako natulog. Pero nakatulog naman ako sa counch habang naghihitay kay Sir Matthew matapos sa mga paper works niya." sagot ni Maria sa matandang babae na si Aling Dida. Habang humihigop ng mainit na kape. "Buti at nagising ka na bago pa magising si Sir Matthew dahil tiyak na tatawagin ka nun. Baka magsisimba yun mamaya dapat ayusin mo na ang damit niya pang-alis." sabi ni aling Dida kay Maria. Alam naman ni Maria ang kanyang gagawin dahil tinuro na sa kanya ng matandang babae ang lahat. 'Nagsisimba din pala ang kumag na iyon, dapat isama niya ang impakta niyang fiancee para masunog naman ang sungay.' ika ni Maria sa mahinang tinig. "Anong sabi mo Maria?" tanong ni Aling Dida sa kanya. "Ah eh, sabi ko po, alam ko na ang aayusin kong damit mamaya kung magsisimba si Sir Matthew." sagot ni Maria sa matanda. Sa mansyon naman ng mga Dela Vega ay sobrang nag-aalala na ang ina ni Maria Crizza dahil di nila alam kung nasaan na ang kanilang anak. "Alfredo, hindi ka ba naaawa sa anak mo sa pinagagawa mo sa kanya? Dahil doon kaya siya lumayas dito sa bahay natin." Hanapin natin siya, baka kung ano na nangyari sa anak natin." ika ng Mommy ni Maria Crizza sa asawa nito. "Hayaan mo siya Lina, ipinahiya niya ako sa kumpare ko. Kusa siyang umalis ng bahay kaya kusa din siyang babalik sa atin kung nahihirapan na siya. Wala akong balak na hanapin siya. Matalino ang anak mo kaya alam niya na ginagawa niya." matigas na sambit ng Daddy ni Crizza. Nag-uusap sina Maria at Aling Dida habang kumakain ng agahan ay biglang nag-ring ang telepono sa kusina. "Good morning Sir Matthew! Yes sir!" mga sagot lang ni Aling Dida ang naririnig ni Maria sa usapan. "Maria pinapaakyat ka ni Sir Matthew." sabi ni Aling Dida kay Maria. "Bakit daw po?" tanong ni Maria. "Baka may ipapaayos lang sayo. Sige na umakyat ka na at naghihintay na iyon sayo." ika ng matandang babae. At umakyat na nga si Maria sa itaas na silid. Mahinang katok lang ang ginawa ni Maria. "Come in!" sagot ng nasa loob. "Good morning Sir! Pinapatawag niyo daw po ako?" Napatitig naman si Maria kay Matthew dahil bagong gising lang ito kaya naka boxer pa ito. Naka white t-shirt naman kaya di halatang bakat ang hinaharap. "Pakiayos ang damit at mga gamit ko magsisimba ako matapos ko maligo.Pagkatapos mo pwede ka ng lumabas." utos ni Matthew kay Maria at pumasok na ito sa banyo. Hindi man lang siya inantay na sumagot pa. 'Peste! Yan ba ang magsisimba? Masunog ka na sana akala mo kung sinong magaling.' tugon sa isip ni Maria. Dali-daling inayos ni Maria ang damit at iba pa gamit mula ulo hangang paa ng amo niya. Huli na niya kinuha ang brief ni Matthew. 'Ano kaya kung lagyan ko ng sili ito para magtanda ka. Para brief lang ipapahanda pa sa akin.' naisip na tugon ni Maria.Matapos na niyang maiayos ang lahat ay lumabas na siya ng silid nang may biglang tumawag sa telepono. Inangat naman niya ito at sinagot dahil yun din ang bilin sa kanila pag telepono ng bahay ay sasagot sila basta sagutin ng maayos ang nasa linya. "Hello good morning, Zamora's residence. May I know who's on the line?" Magalang na tanong ni Maria sa kabilang linya. "Hoy bobita sino ka at bakit ikaw ang sumagot ng telepono. Nasaan si Matthew, bakit andiyan ka sa kwarto niya? Anong ginawa mo diyan? Nandiyan ba siya? I want to talk to him." sunod-sunod na tanong ni Veronica kay Maria sa kabilang linya. Alam na ni Maria na ang nobya ng binatang amo ang nasa linya. "Oh sorry to say that we're not in a beauty pageant for the question and answer portion, kaya wala akong oras na sagutin lahat ng tanong mo. Nasa bathroom si Sir Matthew ngayon." matipid na sagot ni Maria. Inartehan pa niya ang pagsasabi dahil alam niyang manggagalaiti lalo sa galit si Veronica. Maingay naman ang lagaslas ng tubig sa shower kaya di siya maririnig ng among binata. "Malandi ka!" sigaw ni Veronica sa kanya sa telepono at nagpanting naman ang tenga ni Maria sa sinabi ng kausap. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya napagsabihan ng ganun at ni minsan wala pa siyang nilandi. Hindi pa nga siya nagka-boyfriend. "Be careful with your words. You didn't know who I am. Who knows, maybe one of these days iwanan ka na niya at maghabol sa ibang babae." mariin tugon na may halong pangi-inis na sagot ni Maria kay Veronica. "Wait, subukan mong magsumbong ulit at ipapahiya na kita!" pananakot pa ni Maria at pinatay na ang tawag ng nasa kabilang linya saka lumabas ng silid. Di man nakaisa si Maria sa amo niya kanina, kay Veronica niya naman binunton ang lahat ng inis niya. Matapos maligo ni Matthew ay agad nitong kinuha ang damit na inihanda ni Maria para sa kanya. Napangiti na lang siya dahil kahit paano may taste din pala ang atchay sa pagterno ng mga damit at bagay na bagay sa kanya ang pinili nitong damit para sa kanya. Isang black jeans at light blue shirt at black shoes pangsimba. Pati relo na susuotin nito ay isang branded na white gold ang inihanda ni Maria para sa kanya. 'May taste ka din pala Maria!' sa isip-isip ni Matthew. Nasa kusina si Maria at tinutulungan niya si Aling Dida para sa almusal ng binatang amo ng magsalita ito. "Good morning Aling Dida tinig ni Matthew na papasok sa kusina para mag-breakfast. Di man lang siya binati nito. Kung sabagay kanina nga pumasok siya sa kwarto nito ay hindi rin siya binati. Matapos kumain ng binata ay nagpaalam na ito kay Aling Dida para magsimba. "Manang, aalis na po ako. Nga pala Manang pagdating ko mamaya aalis tayo papunta tayo sa Antipolo para tingnan ang mga naani nilang mga prutas at gulay!" ika ni Matthew. "Tayo lang ba iho?" tanong ni Aling Dida. "Isama na natin si Maria." baling ng tingin ni Matthew kay Maria at umalis na ito. "Manang, maganda ba doon?" tanong agad ni Maria kay Aling Dida. "Oo Maria. Pagmamay-ari iyon ng pamilya nila Sir Matthew. Malawak din ang hacienda nila Sir at may mga gulayan, prutasan, palaisdaan at may poultry din!" sabi ni Aling Dida kay Maria. Masaya naman si Maria dahil iyon ang isa sa mga gusto niyang adventure. Dumating nga si Matthew at nakahanda naman na sina Aling Dida at Maria. Si Maria nakajogging pants, rubber shoes at plain tshirt dahil alam naman niyang farm ang pupuntahan niya hindi mall. Buong akala nila Aling Dida at Maria ay tatlo lang sila na pupunta yun pala nasa loob na ng kotse si Veronica at sasama din pala ito. Napapangiti naman si Maria sa suot ni Veronica na maiksing skirt at mataas na sandals. Napansin naman iyon ni Veronica."Anong tinitingin-tingin mo diyan atchay ha? Naiingit ka sa suot ko?" tanong ni Veronica sa kanya. Wala si Matthew dahil nagpalit ito ng damit sa taas ng kwarto at hinintay na lang nila ito makababa sa garahe. "Excuse me! Ako maiingit sayo, never! We are going on a farm not in the mall." nakangiting sagot naman ni Maria at saktong dumating na si Matthew kaya hindi na nakasagot pa si Veronica kaya abot tenga naman ang ngiti ni Maria. Tahimik lang si Maria at Aling Dida sa kanilang biyahe. Si Matthew ang driver nila at si Veronica naman ang nasa kanyang tabi. Habang sina Aling Dida at Maria ay sa likuran ng mga ito. Narating din nila ang hacienda nila Matthew kaya bumababa na sila ng sasakyan. "Wow Sweetheart ang ganda pala dito bakit now mo lang ako dinala dito?" maarteng tanong ni Veronica sa nobyo. "Di naman ako lagi nagpupunta dito Sweetheart kaya di kita sinasama." sagot naman ni Matthew. Isa-isa naman silang binati ng mga tao na naroon. Ngiti lang ang ginaganti ni Maria samantalang si Veronica ay wala namang pakialam. "Aray ko!" sigaw ni Veronica dahil natapilok ito dahil sa maliit na butas na naapakan niya. Sa taas ba naman ng sandals na gamit niya talaga ngang matatapilok siya. "Are you ok Sweetheart?" pag-aalalang tanong ni Matthew sa nobya. Napapangiti naman si Maria sa nakita niya. "Yes! Kaya ko pa naman maglakad. Maria, will you hold my bag?" sabi ni Veronica dito. "Can you say please, before I do that?" sagot naman ni Maria kahit pa nasa harapan nila si Matthew. "Huwag na pala at baka mawala pa ang pera at make up ko sa bag. Mahirap na!Aling Dida ikaw na lang humawak ng bag ko." baling ni Veronica sa matandang babae at inabot ang bag niya sa matanda. Naiwan si Veronica sa ilalim ng puno ng mangga dahil may upuan doon at kinakausap naman ni Matthew ang mga tauhan nito. Si Maria naman at si Aling Dida ay tumutulong maghanda ng kanilang makakain at nakikipagkwentuhan sa mga taong inabutan nila doon. Tumulong din sila sa pag-aayos ng mga prutas at gulay na pambenta at supply para sa mansyon. Nakaupo lang si Veronica ng may naramdaman itong gumagapang sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay isang higad kaya nagsisigaw ito. "Ahhhh ahhhh ahhhh, Matthew help!" Sigaw ni Veronica. Dahil malapit lang ang kinaroroonan nila Aling Dida at Maria, napatakbo na lang si Maria para lumapit kay Veronica at alamin ang sanhi ng pagsigaw nito? "Why? What's wrong with you?" tanong ni Maria at kunwaring may pakialam siya sa nobya ang amo. "Please remove this creepy creature at my back!" utos ni Veronica sa kanya na may 'please' at halatang desperada ng matanggal ang gumagapang sa kanyang likuran. Agad naman pinagpag ni Maria ang likod ni Veronica kahit wala na ang gumagapang ay pinaghahampas niya pa rin ito gamit ang kanyang mga kamay. "Aray naman! Parang nananadya ka na. Ang sakit ng hampas mo ah!" galit na turan ni Veronica Kay Maria. "Hindi ah! Ayan nawala na. Sobrang madikit yung higad kaya dapat hampasin ng malakas para mamatay." sabi ni Maria. Gabi na ng makauwi na sila sa mansyon dahil hinatid pa nila si Veronica sa bahay nito.Agad na nagbihis si Matthew para tinagnan ang mga documents na iniwan niya kagabi sa library."Maria!" sigaw ni Matthew sa loob mg library na halatang galit ang tono ito. "Yes sir?" tanong agad ni Maria pagpasok niya. "Nilagyan ko na nga ng guide para madali mong masundan pero bakit iniba mo pa rin ang pagkasunod-sunod nito?" seryosong tanong ni Matthew na may halong pagkadismaya. "Tama naman po lahat yan Sir! Why don't you try to read it again? Walang makakaunawa sa nilalaman kung hindi mo ito babasahin mabuti at ng makita mo ang kabuoan nito." wika ni Maria kay Matthew na nakatingin lang sa kanya. Malalim ang kahulugan ng mga salita na ginamit ni Maria para halimbawa sa pinag-aaralang dokumento na iyon. "Wag mo akong turuan wala kang alam dahil katulong lang kita." saad ni Matthew kay Maria. "Ok Sir. Just try to read it again then tell me if i'm wrong." at umalis na si Maria sa harap ni Matthew. 'Tama nga naman siya bakit ko nga ba inuumpisahan sa gitna kung sa harapan naman dapat basahin at ng makita ko ang nilalaman nito. Bakit kaya kung makipag-debate si Maria daig pa ang isang abogada?' bulong sa isip ni Matthew habang naiwan siya mag-isa sa kanyang library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD