HTSB C-3

2004 Words
Kabado akong kumatok sa pinto ng opisina ni Boss. kahit kinakabahan ay may parte ng sarili ko ang nasisiyahan. Makikita at makakausap ko kasi si Boss kaya parang blessing indisguise na din. "Come in" sagot nito mula sa kabilang pinto. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto. Kita niya ang salubong na kilay ni Adam halatang may sasabihin itong di maganda. Ganun paman, gwapo pa rin ito sa paningin niya kahit kunot ang noo nito. Tahimik siyang humakbang papunta sa harap nito. "Have a seat", seryosong sabi nito. Parang natigil ang oras nang makita niya ng malapitan ang mukha ng boss. Nahuhumaling siyang tingnan ang mapungay nitong mata, matangos na ilong at manipis na mga labing kulay pinkish. Hayyy ang gwapo mo sir. Bulong niya " what?!!," narinig nito ang sinabi niya. Agad niyang binalik ang sarili. E-este sir bakit niyo po ako pinatawag? Natatarantang tanung niya. "Well your report is not accurate", Natutulala na naman siya. Di siya agad nakasagot. " Ms. Annie are you listening to me?," dugtong ulit nito. Ye-yes sir. Natatarantang sabi niya ulit. "Give me an accurate report as soon as possible" seryosong sabi ulit nito. "Ok sir I will do it for you", malambing niyang sagot. "what?! Ms. Annie?? Are you sick", kunot noong tanung nito. "Yes sir I'm sick because of you" Hindi na niya alam kung anung pinagsasabi niya. Nahi-hypnotize na siya sa presensya ni Adam. Halatang galit na rin ito dahil sa mga sagot niyang nakakaloko. Natigilan siya nung bigla itong sumigaw. "Ayusin mo itong report mo!! You give me headaches! Get out!!!!" Sigaw nito. Halos masira ang ear drum niya sa sinabi ng boss. Halos isampal din nito ang papel sa pagmumuka niya. Agad niyang kinuha ang papel na tinapon nito sa harap niya. "Ok sir, aayusin ko po ito" sabi niya at nag-madaling lumabas. Halos malagutan siya nang hininga nang makalabas sa opisina ng boss. Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang nerbyos.Natawa siya ng bahagya. Kahit papanu ay nakita niya ng malapitan ang boss kahit napakasungit nito. "Mars, anung nangyare?, tanung ni jenny "Ayusin ko daw yung report ko mars di daw accurate", sagot niya habang tinitignan ang papel. "Mabait ba si boss? Tanung ulit nito. Napangiti siya bago nagsalita. " sinigawan niya ko mars" "What?!" Napa kunot ang noo ng kaibigan sa sinabi niya. " tapos parang masaya kapa". "Ok lang yun mars, nakita ko naman na malapitan yung mukha niya na parang anghel. Umiling iling muna si jenny bago nagsalita. " muka ngang anghel pero ang ugali..... Hayyst mars tigilan mo na nga yan mukang masama ugali niyang love of my life mo" asar nito. "Hayy....mars kung alam mo lang para akong dinuduyan sa hangin kanina habang kinakausap niya" nakangiting sabi niya. "Juice colored patawarin niyo po si annie nag mahal lang siya nang taong bato" asar ulit nito at binalik ang tingin sa screen ng monitor. Alam ni Annie na hindi maganda ang pinakita sa kanya ni Adam naiintindihan niya iyon dahil hindi rin naman siya makasagot ng maayos. Ngunit kahit ganun ang nangyare masaya siya na kausap niya ito. Bulag na nga talaga siya pagdating kay Adam. Kahit pa sabihin nagmamahal siya ng isang taong bato na hindi kayang tumbasan ang pagmamahal na binibigay niya. Late na siyang natapos sa pag aayos ng report. Ilang saglit lang ay inayos na din niya ang bag at pinatay ang computer. Nauna nang umuwi si Jenny. Kaya iilan na lang silang natira sa opis. "Ms. Annie uuwi na po kayo" tanung ng utility nila na si Benjie. "Oo, Hindi na mahirap sumakay ngayon wala ng trapik", nakangiting sabi niya. Tumango ito bago nagsalita ulit. " Ingat po Ms.Annie" Kumaway muna siya kay Benjie bago lumabas ng opisina at humakbang na papunta ng elevator. Natigilan siya nung napansin niya si Adam na nasa gilid. Pauwi palang ito. Ayaw niyang magsalita baka kung anu na naman lumabas sa bibig niya. Napakurap siya nung makitang nakapasok na pala si Adam ng elevator. Pinigil nito ang pagsara ng elevator. "Sasabay ka ba", sabi nito. Para siyang natutunaw na yelo sa narinig. Parang ang sarap sa tenga nung sinabi nito. Napangiti siya at agad pumasok sa elevator. Sila lang dalawa ang nasa loob. Nakatayo siya sa gilid ni Adam kahit isang hakbang ang pagitan nila ramdam niya ang kuryente. Yung nakakamatay sa kilig isip niya. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay nagawa na niya. "What's wrong?" Biglang tanung nito. Natigilan siya mukang nabasa nito ang ekspresyon niya. "Wa-wala po sir", sabi niya at ngumiti ng alanganin. Sana bumukas kana elevator. Isip. Para siyang nasosofocate sa presensya ni Adam. Nakahinga siya ng maluwag ng bumukas na ang elevator. " hayy salamat", sabi niya Takang pinagmasdan siya si adam. Binawi niya ulit ang reaksyon. "Ingat Sir bye", sabi niya at nag madaling humakbang. " baka kung anu pang masabi ko Sir kaya mauna na ko"bulong niya habang nagmamadaling humakbang. Alam niyang may sasabihin pa ito ngunit wala na siyang balak malaman iyon dahil sa kabang nararamdaman Hanggang sa paguwi ng bahay ay hindi maalis sa mukha niya ang sayang nararamdaman baliw na talaga siya kay Adam. "Ate paning baliw kana ba?," tanung ng bunsong kapatid at nagpameywang sa harap niya. Napatingin siya sa kapatid napa kunot siya nang noo nang makita ang suot nitong mini skirt. "Hoy Roberto hubarin mo nga yang suot mo nakakasuka ka tignan." Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. "Gosh ate, not Roberto I'm rhian", mataray na sagot nito. "mama bakit hinayaan niyong magsuot ng ganyan si bunso?", sabi niya sa mama niya na nasa kusina. "Nak, kahit anung pigil ang gawin naten dyan babae talaga yan", natatawang sabi nito. Napahilot siya sa sintido, mukang magkakasakit yata siya dahil sa kapatid. Palihim siyang ngumiti nang maalala ang itsura ni Adam "Ma, look ate tumatawa ng walang dahilan" asar ulit ng kapatid. Bahagya niya itong tinapik sa braso. At umakyat na papunta sa kwarto. ___________________ "Nak gising na, sabado ngayon di mo ba pupuntahan sa talyer ang papa mo?, tanung ng mama niya habang ginigising siya. Kinusot niya ang mata, " anung oras na ma?" "Alas otso na nak", sagot nito. Nagmadali siyang bumangon at nagpunta ng banyo. Bumaba na din ang mama niya at tinuloy ang paglalaba. Pag wala siyang pasok ay tumutulong siya sa kanyang papa sa maliit nitong talyer. Kahit pa sabihing may trabaho na siya ay hindi pa rin sapat iyon lalo na mag co-college na ang kanyang bunsong kapatid. Dalawa lang silang anak. Menopausal baby si Robert a.k.a Rhian. Kaya siguro pusong babae ito. Tanggap na ito ng mga magulang niya na ganun ang kapatid. Bata pa lang kasi ito ay nakitaan na nila ito ng gestured ng pagiging babae. Kahit anung paliwanag ng papa niya kay Robert na lalaki ito ay hindi talaga mag sink talaga. Mabait ang mga magulang niya. Kahit kapos sila sa buhay ay hindi hinayaan ng mga ito na magutom sila. Masipag ang papa niya pagdating sa trabaho kaya nakapag pundar ito ng maliit na talyer. Wala din siyang masabi sa mama niya dahil napaka maasikaso nito. Maswerte siya na nagkaroon siya ng pamilyang mapagmahal. Mabilis na naligo at nagbihis si Annie. Simple lang siya manamit. Ok na siya sa denim short at T-shirt. Aaminin niya na pagka boyish siya. Siya kasi ang tumutulong sa tatay niya Hindi kasi maasahan ang bunso niyang kapatid dahil sa sobrang hinhin nito gumalaw. Agad siyang bumaba at nagtungo sa kusina nandun na din ang mama niya at si Robert. Nabibingi siya sa kwento ng kapatid na may kasamang tili. Puro kasi crush nito ang bukam bibig. Napailing siya nung nakita ang pink na headband nito sa ulo. Tinuro niya iyon at pinanlakihan ng mata ang bunso. "Ma look ate she scare me" sumbong nito. "Tanggalin mo nga yan nakakasuyang tignan", asar niya. "No,.. aminin mo na kasi mas maganda ako sayo", pagtataray nito. Sinimangutan niya ang kapatid halatang ayaw nitong magpatalo. "Kumain na muna kayong dalawa mamaya na yang bangayan niyo", biglang sabi ng mama niya. Pagkatapos kumain ay mabilis na naglakad si Annie sa talyer ang kapatid naman niyang bunso ay tumulong sa mama nila na maglinis ng bahay. Kahit ganun ang kapatid ay masipag ito gumawa ng gawaing bahay. Siya naman ay mas gugustuhing tumulong sa papa niya. Naging eksperto siya sa pag aayos ng sasakyan. Ito ang hidden talent niya. Nageenjoy siya sa pagkalikot ng mga pyesa. Pati pag aayos ng motor ay inaral din niya. Minsan hindi niya maiwasang isipin na baka nagkapalit lang sila ng katawan ng kapatid. Matagal na din ang talyer ng papa niya. Huminto na din ito sa pamamasada ng jeep dahil dumadami na din ang customers nila.Dahil sa maganda at seksi siya ay di maiwasang may magkagusto sa kanya. Minsan pa nga ay may nagaabot pa sa kanya ng bulaklak. Kaso hindi siya interesado. Simula kasi nung nagka bf siya nung college at nagbreak sila dahil sa pambabae nito ay hindi na siya nagpaligaw ulit. Pero nagiba iyon nung magtagpo ang landas nila Adam. Pakiramdam niya muling na buhay ang puso niya nang makita ito. "Pa nandito na po ako, nag dala ako ng kanin at ulam kumain kana muna pa", sabi niya kasalukuyang nag aayos na ito ng sasakyan. " salamat nak," matipid nitong sagot. Nilapitan niya ang papa niya. Namangha siya sa sasakyang inaayos nito mukang mamahalin. "Wow pa ang ganda nito, bago bang customer ito" "Oo nak si balong ang nag dala nung isang araw, sabi niya sa kaibigan daw ito ng boss niya, dinala na daw ito sa mga bigating talyer pero di naman naayos", pagpapaliwanag. Nakita niya ang seryosong mukha ng papa niya mukang nahihirapan din itong ayusin ang sasakyan. Naki-usyoso din siya. Tinignan niya ang ibang parte ng makina nito. "nak kaya mo bang ayusin ito",tanung nito habang nagpupunas ng pawis. "Susubukan ko pa, kumain na muna po kayo", sabi niya. Humakbang na ito papasok sa maliit na opisina. Nagpameywang muna siya at tinignan niya ang sasakyan. Napangiti siya bago nagsalita. "Ikaw ang bago kong baby, anung gusto mong itawag ko sayo," nagisip siya bago nagsalita. "Alam ko na, dahil sa gwapo ka at mukang makisig tatawagin kitang Adam", Nakagawian na niyang bigyan ng pangalan ang bawat sasakyan na inaayos niya. Natutuwa siya pag may bago siyang aayusin pakiramdam niya kasi mga manliligaw niya ito. Naisip niya ang pangalan ni Adam at tingin niya bagay iyon sa sasakyan. Pumasok siya sa loob upang suriin ang manibela. Automatic ito kaya mahihirapan talaga siya. Sunod naman niyang tinignan ang makina at ang ibabang bahagi ng sasakyan. Halos hapon na siya natapos sa pag-aayos. "Sana mag start kana adam" malambing niyang sabi habang nagpupunas ng pawis. Pina-start niya ang makina. Tuwang tuwa siya nung marinig na umandar na ito. Pati ang papa niya ay lumabas ng opisina narinig din nito na nagstart na ang sasakyan. "Bilib talaga ako sayo nak", sabi nito at sumenyas ng ok sa kanya. "nagmana kasi ako sayo pa", Biro niya sa ama. Hinilot niya ang braso mukang nangalay yata. May mga dumi din siya sa mukha at hita dahil sa grasa. Normal na sa kanya iyon at wala siyang pakialam. Napalingon siya nung makita si balong na nakamotor huminto ito at kumindat sa kanya. "Nakupo heto na naman ang mokong" bulong niya. Matagal na itong nanliligaw sa kanya. Siya yata ang first love nito wala kasi siyang nababalitaan na nagkaroon ito ng kasintahan. Mabait naman ito at gwapo, matangkad at matikas ang pangangatawan. Pero kahit anung pilit niyang gustuhin ito ay wala talaga siyang maramdaman o spark pag nakikita niya ito. Napailing pa siya nang nakitang nagshade ito sa harap niya na tila nagpapacute sa kanya. Umubo ito bago nagsalita. Ehem... Hi bebelabs, Natatawa siya nang marinig ang sinabi nito. "Bebelabs your face", asar niya. " bebelabs na miss mo ba ako?", nakangising tanung nito. "Sira, bat ka pala nandito? Pagiiba niya ng usapan. "tumawag kasi yung kaibigan ni boss itatanung niya kung ok na ang sasakyan" sabi nito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD