HTSB C-2

1559 Words
---------- HINDI ako madalaw  ng antok sa kakaisip sa aking boss. Hindi ko kasi maiwasang kiligin, kung pwede lang tumili ay kanina ko pa ginawa. "Hayyyy... ang gwapo mo talaga Sir Adam", ngiting sabi ko na kinikilig pa. Naisip kong buksan ang Cellphone at i-search kung sino nga ba si Adam Fuentes. Napataas ang isa kong kilay sa isang article na nakita ko. Binasa ko ito, engaged na pala siya 1 year ago pero hindi natuloy dahil ang fiancé niya ay namatay dahil sa isang Plane Crash. Hindi ko naikubli ang lungkot ng mga sandaling iyon. Ikakasal na pala dapat siya ibig sabihin may mahal na siyang iba.  "Basta gagawin ko lahat para mapansin niya", wika ko at nag-isip kung ano ang dapat kong gawin. "Gagawa ako ng paraan para maakit siya", dugtong ko pa saka ngumiti. ______________ Maaga akong pumasok, alas sais pa lang ng umaga ay nasa opisina na ako simula nang matanggap ko ang memo ay iniwasan ko nang ma-late, ayaw kong matanggal sa trabaho lalo pa't nandito na ang lalaking minamahal ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mapangiti pag sumasagi sa isip ko ang mukha ni boss. Mag isa pa lang ako sa Department kay  nilakasan ko ang volume ng love song na nagmumula sa aking cellphone "You're still the one I want to. The only one I want to.", Napapasabay ako sa pagkanta at kinaway kaway ko ang aking kamay  na parang nasa Concert. Ako pa lang ang nandito kaya malakas ang loob kong kumanta.  LINGID SA KAALAMAN ni Annie ay mas maaga pa palang pumasok si Adam Fuentes sa kanya 5:00 pa lang ng umaga ay nasa opisina na ito. Dalawang computer ang nasa desk ni Adam, ang isa ay para sa Reports at documents ng kompanya, at ang isa naman ay konektado sa CCTV camera. Sa bawat department ay may 2-3 CCTV camera para ma-monitor ang ginagawa ng mga empleyado. Pinasadya niyang ipakabit iyon para matutukan ang kompanya at para makita niya kung nagta-trabaho ba ang mga empleyado. Matiyaga niyang tinitignan ang bawat Department. Ilang sandali pa ay may empleyadong pumasok din ng maaga. Pinapanuod niya ang bawat kilos nito. Napakunot-noo siya nung tumayo ito at kinaway ang kamay na tila yata nagcoconcert. "Anong ginagawa niya?" Tanong niya at nagkibit balikat. Mukang paulit-ulit pa yata nitong pinapatugtog ang music dahilan para mas tignan pa niya ito ng matagal "Pamilyar saken ang itsura niya", sabi niya ulit at seryosong tumutok sa Screen ng computer. "Ito yung babaeng muntik ko ng mabunggo?" wika niya ulit saka tumayo. Hinubad niya ang suit at tinupi ang sleeve ng kanyang polo. Hindi na niya tinanggal ang reading glass niya at tumuloy nang maglakad palabas ng opisina upang puntahan ang empleyadong kumakanta.   ***************** NADADALA AKO SA SALIW NG AWITIN. Feel na Feel ko kasi ang kilig habang sumasabay sa kantang aking pinatutugtog. Isipin ko pa lang ang mukha ni Boss ay sumasaya na ako. Hayy, ang sarap pag-inlove. ani ko sa aking isip. Nakapikit pa ako habang kumakanta at kasabay din nito ang pagsway ko sa aking balikat at bewang. Ilang saglit pa ay parang may presensya ng sinuman ang aking naramdaman.  Dumilat ako kung may nakatingin pero wala namang tao sa harap ko kaya kumanta ulit ako at pumikit. Mayamaya pa ay bigla akong natigilan, tila yata may nasagi ako. Marahan kong minulat ang aking mata kaya kitang kita ang taong halos isang hakbang ang layo sa akin. Seryoso ang mukha niya habang nakakunot ang kanyang noo. "What are you doing?. Hindi ko nagawang kumilos ng sandaling iyon. Ang buong akala ko ay ako lang ang taong nandito pero mali pala. Nandito pala siya. At ang nakakaloka ay maaga din siyang pumasok.  "Ah Sir ano po kasi, Ano--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad siyang nagsalita. "What?!" singhal niya at halata ko ang kanyang pagkainis. "Este Sir pasensya na po," agad kong sagotat pinatay ang music. Naupo ako sa aking upuan at hindi ko na siya nilingon. Ayaw kong salubungin ang tingin niyang malamig, na kahit hindi niya direktang sabihin na naiinis siya sa akin ay ramdam na ramdam ko pa rin. "If you come here early make sure na magta-trabaho ka. Your look like a club girl sa ginagawa mong yan!" singhal niya. Pagtango na lamang ang aking naisagot at hindi ko na tinangka pang tignan ang aking boss na lumakad pabalik sa kanyang opisina. "Wala na, bad impression na ako sa kanya" wika ko na halos maiyak habang nakatingin sa monitor na nasa harap ko. _______________ Pagbalik ko sa aking opisina ay nakamasid pa rin ako sa CCTV camera nakita ko ang kinilos ng babae. Napailing na lang ako dahil sa dismaya. "Masyado yatang mabait si Dad sa mga empleyado niya. They think that they can do everything here in the office." wika ko at nagpasyang tignan ang mga files na nasa aking desk. "She's crazy",. Sabi ko ulit at sinulayapan ang Monitor kung nasaan ang babae. Bago pa ako tuluyang madismaya ay nagpasya na lang akong busisiin ang mga files na nasa harap ko. I'm not into business, hindi ko rin nakikita ang aking sarili na maging boss nitong kompanya. Napilitan na lang akong tanggapin ang alok niya dahil wala na akong maisip gawin. Nauubos ang oras at lumilipas ang buong araw ko na nasa kwarto lang ako. Nagkukulong at nag-iisip. Kung maibabalik ko lang sana ang mga panahon na kasama ko si Samantha ay gagawin ko talaga. She's my life and we already plan na we will get married as soon as possible. "Sam" wika ko at inilapag ang files sa aking desk. Isinadal aking likod sa swivel chair at sandaling ipinikit ang aking mata. "This is not the life that I want. you know that" wika ko na tila kausap ang namayapa kong kasintahan Noong daddy ko pa lang ang nagpapalakad ng kompanya ay hindi talaga ako interesado. Mas gusto ko pang mag travel dala ang aking  motorsiklo na kasama si Samantha. Lagi din akong sumasali sa drag racing sa tuwing yayayain ako ng aking mga kaibigan. Ngunit nagbago bigla ang buhay ko nung  namatay si Samantha. Nawala na ako ng gana, nawalan ako ng rason para magpatuloy pa. Hindi ko na rin nagagawa ang magbyahe ng malayo siguro dahil bumabalik lang sa alaala ko si Samantha. Mabait na girlfriend si Samantha, suportado niya ako sa desisyon at sa anumang gusto kong gawin. Lagi siyang nariyan para sa akin. "Sam" muli kong sambit sa pangalan ng aking nobya. Nangungulila pa rin ako sa kanya umaasa na isang araw ay may mangyaring himala na mabuhay siya.  Hinilot ko ang aking sintido at muling nagpatuloy sa pagbabasa ng mga reports. Mas mabuti na sigurong magpaka busy kesa ilugmok ko ang aking sarili sa isang bagay na kailanman ay di na mangyayari.  Habang  binabalik ang mga reports sa mga folder nito ay may nahulog na iilang pirasong mga papel. Tinignan ko kung anong report iyon at binasa. "Annie Esmina" wika ko at binasa ang report nito. "Costing summary",. Binusisi ko ang bawat detalye, hindi ako kampante sa mga numbers na nakikita ko. "Mukang may discrepancy, kailangan niyang ulitin ito." _________ "Mars, kanina pa yang nguso mong tumutulis, kapantay na yan ng ilong ni Pinocchio." Birong sabi ni Jenny nang makita ang nakabusangot kong mukha Wala akong naisagot sa aking kaibigan. Nagpatuloy lang ako sa pagta-type sa keyboard. "Uy mars!, may problema ba?",. Pangungulit nito sabay tapik sa aking balikat. Marahan kong nilingon ang aking kaibigan at nagsalita "A-anu kasi mars, si Boss" "Anu nga yun mars?,". tanong naman nito at pasimpleng lumapit sa aking pwesto "Anu ka-kasi, nahuli ako ni boss na kumakanta at sumasayaw kanina", pag-aamin kong may kasamang hiya. "Wehh! nahuli ka niya? Ano ba kasing nang yari" gulat na reaksyon nito. "Mars di ko naman alam na papasok siya ng maaga, malay ko ba. Saka ako lang ang nandito kanina. Siya naman nandoon sa opisina niya." "Mars shunga ka ba, nakita mo yang CCTV", pasimple nitong tinuro ang mga camera na ako naman ay napatingin din. "Makikita ka niya talaga lalo pa na maaga pala siya pumapasok." Huminga pa ito ng malalim bago nagsalita ulit. "Bad shot kana sa kanya, I'm sure na turn-off na yun sayo", sabi nito at sinabayan ng ngiti "Oo nga eh. Nakakainis." wika ko saka bumuntong hinga. "Well good luck Mars, I still support you", sabi nito na tila proud pa sa ginawa ko. Maiyak iyak na lang akong bumalik sa pagta-type at pilit na kinakalimutan ang nangyari kaninang umaga.  "Kaya mo yan Mars, ikaw pa" wika ni Jenny na tila nang-aasar pa.  Ilang saglit pa ay tumunog ang teleponong malapit sa akin. KKinuha ko iyon at sinagot. "Good morning---" biglang nagsalita ang nasa kabilang linya dahilan para ako'y di na makapag salita "Come to my office as soon as possible", sambit nito saka binaba ang telepono. Boses palang niya ay kilalang kilala ko na. Ngayon palang ramdam na ramdam ko na yung kaba. Para yata siyang galit dahil kung ibaba niya yung telepono halos masira yung ear drum ko. "Mars , sino yung tumawag?" tanong ni Jenny habang nakatingin sa akin" "Si Boss, punta daw ako sa opisina niya" wika ko saka tumayo agad. Halos patakbo kong tinungo ang opisina ni Boss. Sa timbre pa lang ng boses niya kanina ay halata kong galit siya. Ano na naman kaya ang kinagagalit niya? ______________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD