Nang bumaba si Ashley kasama ang ina nakasuot pa rin ito ng damit pangkasal. Ang puting damit ay gusot-gusot na at ang makeup sa mukha nito ay nagkalat na rin. "Shantelle, hayop ka papatayin kita!"
Patakbo itong lumapit kay Shantelle at agad na sinampal.
Napatulala si Conrad, huli na para pigilan si Ashley, "Enough Ashley! Tigilan mo na iyan kung gusto mo pang mabuhay!"
"Shantelle, naglakas-loob ka pang pumunta rito? Isa kang ahas mang-aagaw ka!" sigaw sa galit ni Ashley.
Napayuko na lang ni Shantelle at sinabi, "Ashley, I'm sorry hindi ko ginusto ang nangyari." Hindi masisisi ni Shantelle si Ashley dahil alam niya na isa sa pangarap nito ay ang mapangasawa si Stanley.
Pero sa puntong ito siya ang pumalit sa posisyon na dapat ay kay Ashley.
Si Merry na kasabay bumaba ni Ashley, sinigawan din si Shantelle. "Shantelle, isa kang ingrata! Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa rito? Walang hiya ka isa kang malandi! Alam mong si Stanley ang fiancee ng pinsan mo pero nagawa mo siyang akitin!"
Alam ni Shantelle, noon pa man ay hindi na siya gusto ng ina ni Ashley. At lalo siyang kinamumuhian nito ngayon dahil na nangyari. Hinding-hindi na siya makakabalik pa sa pamilyang See.
"Mr. See, tingnan ninyo ang mukha ng Young Mistress. Paano ko ito ipapaliwanag kay Young Master Hao? Tiyak na tatanungin niya ako bakit nasaktan ang Young Mistress," nag-aalalang wika ng driver.
Dumilim ang mukha ni Conrad at sinabi, "Kung anuman ang nangyari sa kanya, nararapat lang sa kanya iyan! Siya ang may pasimuno ng kaguluhang ito!"
"Kulang pa iyan sa kanya dapat nga pinatay ko babaeng iyan!" Galit na galit na wika ni Ashley.
"Enough, nangyari na ang lahat. Ano man ang nangyari, iisang pamilya pa rin tayo." Medyo kumalma si Conrad naisip niya kahit si Shantelle ang pinakasalan ni Stanley hindi naman nito binawi ang kasunduan nila.
"Lolo, please ayokong bumalik kay Stanley."
"Shantelle, don't be so stubborn. Bumalik ka at pakisamahan mo ng maayos ang asawa mo. Be a Mrs. Hao to him. Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Understand?" Natatakot siyang makipag-matigasan si Shantelle kay Stanley at baka bawiin nito ang kasunduan kaya pinayuhan niya ito.
"Lolo, ayoko, gusto kung makipag devorce sa kanya!"
"Devorce? Huwag ka ng umarte Shantelle, alam ko naman na talagang sinadya mong gawin ito."
"Wala na akong magawa kung iyan ang iniisip mo sa akin. Pero alam ng Diyos kung ano ang totoo."
"Talaga? Hoy! Shantelle, anong akala mo sa akin hindi kita kilala? Alam ko kung bakit ginagawa mo ito sa akin. Dahil gusto mong maghigante sa mga ginawa ko sa iyo," wika ni Ashley habang dinuduro si Shantelle.
"Ashley kung anuman ang mga hindi natin napagkasunduan sa mga nakaraan. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na maghigante sa iyo."
"Hindi ako naniniwala sa iyo! Ano? Masaya ka na ba dahil napahiya mo na ako, ha?"
"Wala akong gusto kay Stanley, kahit minsan hindi ko naisipan na agawin siya sa iyo, Ashley," anang Shantelle na napaluha na.
"Kayong dalawa magsi-tigil na kayo! Kahit anong gawin ninyo wala na kayong magagawa dahil lahat ng ito ay plano ni Stanley," payo ni Conrad sa dalawang apo. Hindi niya maatim na nag-aaway ang mga ito dahil lang sa isang lalaki.
"Lolo, please, huwag mo na akong pabalikin kag Stanley," nakaluhod na nagmamakaawa si Shantelle.
"Wala ng magagawa ang pamilya, Shantelle. At para masuklian mo ang kabutihan ng pamilyang See sa iyo. Kinakailangan mong pakisamahan si Stanley ng maayos para hindi niya putulin ang kontrata sa kumpanya. Kung magagawa mo iyan hindi na kita sisisihin sa pag-agaw mo sa lalaking gusto ng iyong pinsan," anang Conrad.
Ikinabigla ni Shantelle ang naging pasya ng Lolo niya. Kahit papaano ay minahal at tinuring siyang tunay na apo nito, "Pero Lolo–“
"Bumalik ka na sa asawa mo Shantelle, huwag na matigas ang ulo, gawin mo ito para sa pamilya." Hindi pa man natatapos ni Shantelle ang sasabihin ay agad na itong pinutol ni Conrad. Kung hindi lang sa nanganganib na kumpanya ay hindi niya ipagpapalit ito sa pera. Ang alam ng lahat ay ampon lang nila si Shantelle. Pero ang totoo ay anak ito ng bunso niya anak na babae.
Malungkot na tumayo si Shantelle mula sa pagkakaluhod. Para siyang pinagbagsakan ng langit dahil sa nangyari. Lahat ng kanyang mga pangarap ay gumuho sa isang iglap lang. Babalik siya kay Stanley para sa Lolo niya. Para hindi ito tuluyang magalit sa kanya.
"Lolo, ingatan po ninyo ang iyong sarili, babalik na ho ako sa pamilyang Hao," wika ni Shantelle sabay yakap sa Lolo niya.
"Shantelle, isinusumpa kung hindi ka sasaya sa piling ng lalaking mahal ko!" galit na wika ni Ashley. Bakas sa mukha nito ang matinding galit at pagkamuhi sa kanya.
Tumalikod na si Shantelle at nagsimulang humakbang para umalis. Mabibigat ang mga hakbang niya, ang akala niya ang pagkawala ng kanyang p********e ang pinakamasakit na nangyari sa buhay niya pero may sasakit pa pala.
Ang magpakasal sa lalaking bumaboy sa kanya ang pinakamasakit.
Pagkapasok sa sasakyan agad na nagtanong ang driver, "Young Mistress, babalik na ba tayo sa Hao villa?"
"Ayoko muna bumalik, dalhin mo ko sa ibang lugar," anang Shantelle na nakatingin sa malayo.
"Ipapaalam ko ho muna kay Young Master Hao," sagot ng driver sabay labas ng cellphone upang tawagan si Stanley.
Gustong pigilan ito ni Shantelle kaya lang naisip niya ang bilin sa kanya ng Lolo niya.
"Young Mistress, gusto ka raw makausap ni Young Master," wika ng driver sabay abot ng cellphone kay shantelle.
Agad ito kinuha ni Shantelle pero hindi siya nagsalita.
"Kung ayaw mong umuwi rito, saan ka naman pupunta?" agad na tanong ni Stanley sa kabilang linya.
"Kailangan mo pa bang malaman? Hindi ba puwedeng pupunta lang ako sa mga kaibigan ko?" niiinis na sagot ni Shantelle.
"Bakit ganyan ang tono mo? Alalahanin mo asawa mo itong kausap mo," wika ni Stanley. Hindi niya nagustuhan ang inasal ni Shantelle.
"Hindi kita asawa! I don't admit it!" galit na sagot ni Shantelle.
"Kailangan ko pa bang ipakita sayo ang marriage certificate natin?" agad na sagot ni Stanley sa kabilang linya. Kinakalma niya ang sarili kahit na nauubusan na siya ng pasensya.
"Hindi na kailangan," malamig na tugon ni Shantelle.
"In order to make you famous, we'll go and testify tomorrow." Stanley said arrogantly.