Lolo ayoko lumuhod lang siya, gusto kung ibalik niya si Stanley sa akin," wika ni Ashley habang tumutulo ang luha.
"Apo, huwag mo na isipin pa si Stanley dahil asawa na siya ni Shantelle. Kahit anong gawin mo hindi mo na siya mababawi pa."
"Lolo, hindi ko kaya—please gawan po ninyo nang paraan na mabawi ko sa Stanley," anang Ashley.
"Wala na akong magagawa pa, kung hindi ko iyon gagawin sigurado babagsak ang kumpanya. Marami pang lalaki sa mundo Apo hindi mo ikamamatay kung hindi mapapasaiyo si Stanley!" galit na wika ni Conrad.
"Dad, hindi mo dapat pagsalitaan ng ganyan si Ashley, kung tutuusin siya ang mas apiktado sa nangyari," singit ng ama ni Ashley.
"Si Shantelle lang ang tanging paraan para maisalba ang kumpanya, bakit hindi ninyo ako maintindihan?"
"Lolo, please hindi ko kayang harapin ang kahihiyang ito. Kausapin ho ninyo si Stanley Lolo, please?" pagmamakaawa ni Asley sa Lolo niya.
"Enough! Wala na tayong magagawa!" sigaw ni Conrad.
Nagulat si Ashley, hindi pa rin makapaniwala na hindi na siya matutulungan ng Lolo niya. Galit at poot ang nararamdaman niya para kay Shantelle.
Ang makitang nasasaktan ang anak, tila dinudurog din ang puso ni Antonio. Hindi niya alam kung paano niya matutulungan ang anak. Gustong-gusto niyang balatan ng buhay si Shantelle habang nakaluhod na nagmamakaawa sa harapan niya.
"Ang pamilyang See ay humaharap sa matinding kahihiyan, ngunit kailangan nating magpatuloy at asikasuhin ang negosyo. Hindi tayo dapat magpapa-apekto sa nangyari. At kapag bumalik dito sa mansyon si Shantelle sinisugarado kung luluhod siya at hihingi ng tawad!" Pagkatapos sabihin iyon agad ng tumalikod si Conrad.
Napapunas na lang ng luha si Merry nang marinig ang sinabi ng byenan at napatingin sa asawang si Antonio, "Kasalanan mo rin ito Antonio wala kang kwentang ama para kay Ashley! Wala ka man lang nagawa para sa anak natin!"
Wala rin sa wisyo si Antonio at nagpanting ang tainga dahil sa sinabi ng asawa. Ngunit naisip pa rin niya ang anak kaya nakuntento na lang siyang manahimik.
Nakatulalang tumingin si Ashley sa bintana hindi pa rin niya matanggap ang nangyari, "Mom, wala na bang pag-asa na maging kami ni Stanley?"
"Anak, si Stanley ay sakim na tao at sigurado akong hindi niya mamahalin si Shantelle. Sa tingin ko sinadya ito ni Stanley para ipahiya ang pamilya natin. Hindi talaga niya pinakasalan si Shantelle dahil mahal niya ito. Magiging miserable ang buhay ni Shantelle sa poder ni Stanley." Sinabi ito ni Merry sa anak para mapagaan nito ang loob niya.
"Mom, hindi ko kaya harapin ito," wika ni Ashley sabay yakap sa ina.
"Makakaya mo Anak, narito na lang kami para sa iyo. At sinisigurado kung magbabayad ni Shantelle sa ginawa niya," wika ni Merry at niyakap din ang anak.
Habang si Shantelle namaan ay halos tatlumpong minuto na sa loob ng sasakyan. Hinayaan lang siya ng driver, maya-maya pa napatingin siya sa mukha ni Shantelle sa pamamagitan ng salamin at sinabi, "Young Mistress, bababa pa po ba kayo?"
Nagising sa pagmumuni-muni si Shantelle agad niyang tinanggal ang seat belt at sinabi, "salamat sa paghatid puwede na ho kayong bumalik sa Hao villa."
"Young Mistress, kaya ho ako pinasama ni Young Master para bantayan ka. Baka ho kasi may mangyaring masama sa iyo sa pagbalik mo rito," anang driver sa maggalang na tono.
Tiningnan lang ito ni Shantelle at bumaba na ng sasakyan.
"Young Mistress, may ibinilin ho sa akin si Young Master," anang driver na bumaba na rin ng sasakyan.
"Ano iyon?" nagtatakang tanong ni Shantelle.
"Kapag daw ho makaharap ko si Conrad See ay ihingi ko raw siya ng tawad sa nangyari," kakamot-kamot sa ulo na wika ng driver.
Napakunot ng noo si Shantelle sa narinig. Anong gustong mangyari ng baliw na lalaking iyon? Sinadya niyang ipahiya ang pamilyang See tapos hihingi ng tawad? Nasisiraan na ba siya?
Ang isiping iyon ay lalo lang nadadagdagan ang galit ni Shantelle kay Stanley.
Hahakbang na sana siya papasok sa loob ng makasalubong ang Lolo Conrad niya.
Madilim ang mukha nito at agad siyang nilapitan, "Naglakas-loob ka pang pumunta rito? Sinira mo ang lahat tapos may mukha ka pang humarap sa amin!"
"Lolo, patawarin ho ninyo ako. . .Hindi ko po sinasadya. Lolo, please makinig naman ho kayo sa akin," wika ni Shantelle habang nakaluhod sa harapan ng Lolo niya.
Tumaas ang kamay ni Conrad at akmang sasampalin si Shantelle ng magsalita ang driver sa likuran ni Shantelle. "Mr. See, may pinapasabi ho si Young Master Hao sa inyo."
Napabitin sa ere ang kamay at agad nabaling ang tingin sa driver, "Ano iyon?"
"Pinapasabi ho ni Young Master Hao na mahina ho ang katawan ni Young Mistress kaya hindi niya kakayanin na makatanggap ng physical na pananakit. Kung sinumang magtatangkang saktan siya ay mananagot ho kay Young Master Hao," anang driver.
Si Shantelle na mentally prepared sa anumang kahihinatnan sa pagpunta sa See Family ay nagulat nang marinig ang sinabi ng driver. Anong na naman ang gusto niyang mangyari?
Nang marininig ang sinabi ng driver lalong dumilim ang mukha ni Conrad, napatingin kay Shantelle at sinabi, "parang nagkakamabutihan na kayong dalawa dati pa?"
"Lolo, hindi ho sa ganun, hindi ko ho alam ang sinasabi ng driver. A–ang video po. . .I was dragged that time Lolo. Hindi ko ho alam bakit nangyari iyon," anang Shantelle na halos tumulo na ang luha.
"Tumigil ka! Hindi mo na maibabalik sa dati ang dangal ng pamilya, dahil sinira mo na ito. Wala kang utang na loob pinalaki kita at binihisan, tapos ito lang ang igaganti mo sa akin?" galit na galit na wika ni Conrad. Gustong-gusto nitong saktan si Shantelle, ngunit nagpigil lang siya dahil sa sinabi ng driver.
Napatulala si Shantelle, hindi na siya mapapatawad pa ng Lolo niya. Hindi na siya tanggap sa pamilyang See dahil sa nagawang mali. "Lolo, patawad. Humihingi rin ako ng tawad kay Ashley. Hindi ko ho ginusto ang nangyari, please Lolo gawan ho ninyo ng paraan na mapawalang bisa ang kasal namin ni Stanley. Ayaw ko hong maikasal sa kanya Lolo hindi ko ho siya gusto." pagmamakaawa ni Shantelle.
"Anong sinabi mo? Hindi mo gustong maikasal kay Stanley? Nasisiraan ka na rin ba ng bait?" napangising wika ni Conrad.
"Opo Lolo, ayoko po talagang maikasal sa hayop na iyon at–“
"Shut up!" napasigaw sa galit si Conrad, "Huwag na huwag mo nang sabihin ang mga salita na iyan! Hindi mo kilala si Stanley, lahat kaya niyang gawin kaya manahimik ka!"
Nang marinig ang sigaw ni Conrad agad bumaba sina Merry at Ashley.