Nasa importanteng meeting ako nang makatangap ako ng tawag galing sa Hacienda,
Si Manang ang nasa kabilang linya na Yaya ng kapatid kong Kambal at Personal na katiwala sa hacienda,
"Hello po Manang nasa meeting po ako tawagan na lang po kita mamaya"
Pipindutin ko na sana ang end call nang makarinig ko na tila umiiyak si Manang,
Naririnig ko rin sa kabilang linya na parang may nagwawala at mga gamit na parang nababasag,
"Manang anong nangyayari diyan?"
Pero halos hindi makasagot si Manang dahil iyak lang siya nang iyak,
Kaagad ako nagpaalam sa mga kasama ko sa loob ng Conference Room at nagmamadali na bumalik sa office ko.
Pagtingin ko sa Phone ko naputol na ang tawag ni Manang, kaagad ko itong tinawagan pero hindi ko na ito makontak, Kaya agad-agad akong bumiyahe papuntang Hacienda,
Iniwanan ko ang meeting kahit na importante pa, Dahil nagkaroon nang kakaibang kaba ako sa mga naririnig ko habang kausap ko si Manang.
.
Sinubukan ko naman na tawagan si Kuya Lambert pero hindi niya ito sinasagot,
Hindi na ako nagpaalam kila Abuela pero tatawagan ko na lang sila mamaya.
Pati sila Mommy na nasa Canada Kasama ang kambal ay hindi ko muna tinawagan.Dahil gusto ko muna alamin kung ano ang nangyayari sa Hacienda,
Habang nasa biyahe patuloy ang pagkontak ko kay Manang at Kuya Lambert, Pero parehas sila na ayaw sagutin ang tawag ko.
Pagpasok nang sasakyan na inupahan ko lang para makarating dito sa Hacienda ay pinarada ko ito sa tapat ng bahay. At nagmadaling pumasok sa loob. Pero sa pagpasok ko pa lang pintuan nagulat ako sa nakita ko. Dahil halos lahat nang gamit sa buong sala ay sira.
Nagmadi ako na umakyat sa itaas nang kwarto ni kuya. Nakita ko naman si Anna at Manang na nakaupo sa higaan ni kuya. Habang walang malay si kuya na nakahiga.
Napako ang mata ko sa itsura niya bakit ang dami niyang sugat, Maga ang kanyang mata pati na rin ang kanyang labi.
Napatingin sila Manang at Anna na anak ni Manang sa akin. Halatang kanina pa sila umiiyak.
"Señorito Ashlem"
Naiiyak na tawag sa akin ni Manang,
"Manang ano po ang nangyari?"
Pagtataka na tanong ko at naupo na rin ako sa tabi ni kuya Lambert habang wala siyang malay o kaya tulog lang.
"Pagkatapos niya makipaglaban kay Rafael dahil hindi niya nabawi si Stella ibinuhos niya ang lahat nang kanyang galit dito sa bahay"
Umiiyak na paliwanag ni Manang,
"Hindi namin siya maawat iho' parang wala siyang kilala kanina, Dahil sa matinding galit niya"
Kilala ko ang Rafael na sinasabi ni Manang isa itong trabahador ng hacienda pero ang Stella na binangit niya ay hindi ko kilala.
"Hindi siya tumitigil sa kakasira nang mga gamit iho' hangat hindi siya napapagod"
Umiiyak pa din na kwento ni Manang,
"Awang awa ako sa kanya iho' umiiyak siya habang binabangit ang kanyang Mag-ina.
Nagulat ako sa huling sinabi ni Manang.
"Sinong mag-ina Manang?"
"Si Stella iho' at ang alam namin ni Lambert buntis siya.
"Sino po ba si Stella Manang?"
Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"Iho'si Stella ang kapatid ni Rafael at alam ko na din na si Rafael ang nakabuntis kay Savannah"
Unti-unti ko nang nauunawaan ang mga sinasabi ni Manang, Ang ibig sabihin itinuloy din pala ni Kuya Lambert ang sinabi niya na gaganti siya sa nakabuntis kay Savannah, Muling nabaling ulit ang tingin ko kay kuya pero bakit ganito ang nangyari sa kanya. Nabaling naman ang tingin ko kay Manang.
"May tinawagan na po ba kayong doctor?"
"Oo iho' Papunta na siya dito"
"Anna abangan mo si doctor sa labas nandito na naman si Ashlem"
Saglit lang naman din dumating ang doctor at ginamot ang lahat ng sugat ni kuya, Pinagpahinga ko na sila Manang dahil mukhang mga pagod na sila, Dahil Ayon na din sa kwento nila kung ano ang nangyari kanina,
Nabaling na naman ang tingin ko kay kuya Lambert na natutulog dahil sa labis na kapaguran, Tinurukan din siya ng gamot ng doctor para lubusan siyang makapag pahinga muna.
Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay kuya Lambert.
Si Kuya na matapang, laging seryoso strikto sa lahat ng bagay at walang problema na hindi niya nalalampasan.
Siya din ang tao na ayaw nakikita na nasasaktan ang mga kapatid kong babae lalo na si mommy. Naalala ko bigla si Mommy hindi niya dapat malaman ito.
Hindi pa nga siya gaano nakaka recover kay Savannah tapos kay kuya naman.
Lalo lang mag-aalala iyon pag si kuya na ang pinag uusapan,
Nagpasya na ako magtungo sa kwarto ko para makapag pahinga na din. Bukas siguro naman gising na si kuya.
Nakatulog ako nang iniisip pa din kung bakit nagkaganoon si kuya, Nagising naman ako sa mahabang pagkakatulog ko dahil sa ingay na naririnig ko sa labas mula sa kwarto ko.
Lumabas ako para tignan ito, Nakita ko si kuya na may sinisigawan na dalawang lalaki na pagkakaalam ko ay nagtatrabaho din dito sa Hacienda,
Bumaba ako para lapitan sila pero kaagad din nagpaalam ang dalawang lalaki na tila natakot sa naging asal ni kuya,
Napailing ako alam ko strikto na siya pero mas lalo yata lumala, Nang makita niya ako tila nagulat pa siya.
"Anong ginagawa mo dito Ashlem?"
"Nabalitaan ko kasi ang nangyari dito kuya kaya kaagad akong umuwe dito, Ano ba talaga ang nangyari sa'yo?"
" Siguro naman naikwento na sa'yo ni Manang? Kaya Umuwe kana at huwag mong sasabihin kay Mommy kung ano ang nakita mo sa akin ngayon!"
Sagot niya lang sa akin sa matigas na boses, Sabay talikod na siya nakita ko pa na nagmamadali na siyang sumakay nang kanyang sasakyan.
Tumalikod na rin ako para muling bumalik sa itaas, Pero nasa hagadanan pa lang ako ng makita ko si Manang na nagmamadali na lumapit sa akin.
"Ashlem iho'sundan mo ang kuya mo Narinig ko sa mga kausap niya kanina na inutusan niya kahapon na alamin kung saan nagpunta sila Rafael, At narinig ko din kanina na sinabi nila kay lambert na nasa Hacienda Mondragon ang magkapatid"
Dahil sa sinabi ni Manang agad-agad akong tumakbo palabas nang bahay.
Kaagad ko din nakita ang isang trabahador ni kuya. Pinakiusapan ko siya na ihatid ako sa hacienda Mondragon dahil hinde ko alam kung saan banda ito sa lugar namin Gamit ang pick-up na sasakyan sa manggahan kaagad din kami tumungo sa Hacienda Mondragon.
Pagdating sa Hacienda agad naman kami pinapasok dahil kinausap ito nang Kasama ko.Patakbo ako pumasok sa loob nang malaking lupain ng Hacienda. Nakita ko si kuya na nakatayo sa labas nang malaking bahay habang maraming tao na nakapaligid sa kanya.
Hindi rin nakaligtas sa akin ang babae na kasama nilang nakatayo, At minsan ko na din nakita at hindi maalis-alis sa isip ko nang makauwe ako ng maynila.
Nakita ko na halos mag wala sa galit si Rafael dahil sa gustong mangyari ni kuya Lambert. Gusto ni kuya na mabawi si Stella.
Nang makita ko na sinugod ni Rafael si kuya at hindi man lang siya lumalaban ako na ang lumaban para kay Kuya Lambert.
Halos mapatay ko na sa galit si Rafael dahil sa nakikita kong pagpaparaya ni kuya na masaktan siya nang dahil lang sa babae,
Pero nagulat ako sa biglang paglapit nang Kapatid ni Rafael para yakapin ito. At labis din na kinagulat ko paglapit din ni kuya para naman suntukin ako.
"I told you stop that Ashlem!!"
Sigaw niya sa akin, Habang nanlilisik ang kanyang mata sa galit.
"Ako pa ang sinuntok mo e' halos mapatay kana niya!"
Sigaw ko din sa kanya.
"Your f*****g s**t!!!"
Sigaw ulit niya sa akin.
"Your f*****g s**t too kuya!!!!"
Ganting sigaw ko din naman sa kanya, Nagagawa lang namin ang ganitong bangayan pag wala sa harapan namin si mommy.
"Pakiusap umalis na kayooo!!!"
Sigaw ng babae na nakayakap sa Lugmok na katawan ni Rafael,
Nakita ko din ang biglang pag-amo nang mukha ni kuya, At narinig ko din ang pakiusap niya dito na sumama na siya kay Kuya Lambert.
Pero ayaw pa din pumayag ni Rafael maliban sa isang kondisyon.
Si Savannah na Kapatid ko kapalit ng Kapatid ni Rafael,
Halos mag panting ang tenga ko sa sinabi ni Rafael pero mas lalo naman ako nabuwang sa narinig ko na tila pagsang-ayon naman ni Kuya.
Kapatid handa niyang ipagpapalit para lang sa babaeng mahal niya!
" Oh!!! Shiitt!! Kuya Lambert! nang dahil lang sa babae nagkakaganyan kayo!!!