"Señorita"
Narinig ko na tawag sa akin ni Maria.
"Bakit?"
"Baka po magalit si Don Felife eh"
Pag-aalala na sabi niya sa akin. Dahil pupunta kami sa Hacienda Casivue para dalawin si Stella.
Ngumiti ako sa kanya. Dahil naiintindihan ko siya. dahil simula ng may muntikan ng may mangyari sa akin na masama ay lalo naging mahigpit si Daddy sa akin.
"Kausap ko kanina si daddy sinabi ko na pupunta tayo kay Stella"
Nakangiti ko na sabi ko sa kanya. Lumakad na kami at si Cardo ang naghatid sa amin.
Pagdating sa Hacienda Casivue. Nakita ko agad si stella na tinuturuan mag-lakad ang Isang kambal na anak niya na si Amir. Bigla naman niya ito binuhat pagkakita niya sa akin.
"Wala ka magawa sa inyo?"
Tanong niya agad sa akin. dahil lagi ako nag-pupunta dito Pag naiinip ako sa hacienda namin. Kinuha ko sa kanya si Amir at ako na ang nagbuhat habang sinasabayan ko siya papunta sa bankuan para maupo.
"Oo e' nakakainip. buti kapa may pinag kakaabalahan dito"
Sagot ko sa kanya.
"Nasaan nga pala si Amira?".
Tanong ko sa kanya. ang isang kambal na anak niya.
"Pinatutulog ni lorena"
Sagot niya sa akin. Pero ang totoo may gusto talaga ako itanong kay Stella Kaya lang nahihiya talaga ako.
Gusto ko sana itanong sa kanya. kung kailan Magba-bakasyon si Ashlem Casimiro dito sa hacienda. ang kapatid ni lambert Casimiro na asawa niya.
Mag-mula ng iligtas niya ako mula sa kapahamakan parang may ginising si Ashlem sa puso ko. Humanga ako sa kanya habang Sinasaktan niya ang dalawang lalaki na muntikan na ako gawan ng hindi maganda.
"Ahhm stella may itatanong sana ako"
Nahihiya ko na Tanong sa kanya. kinuha niya sa akin si Amir dahil papainumin niya ito ng tubig.
"Ano ba iyon?"
Bahagya niya lang ako sinulyapan.
"Ahmm kailan Pupunta si Ashlem dito? ang ibig ko Sabihin. Hindi pa kasi ako nag papasalamat ng personal sa kanya mula nang iligtas niya ako"
Nakita ko ang pag-ngiti ni stella. pero kakaiba ang ngiti niya. para tuloy ako bigla na nahiya.
"Ang alam ko narinig ko na nag-uusap sila ni Mommy Ashly' pag-katapos ng kasal namin. dalawang buwan ata siya na titira dito sa hacienda dahil tutulungan ata niya si Lambert dito. para naman daw may oras sa amin si Lambert dahil diba nga 2years din niya kami hindi nakasama ng mga anak namin"
Narinig ko na sagot ni Stella. Natuwa ako sa narinig ko. Dadalasan ko na ang pagpunta dito sabe ko sa isip ko.
"Ganoon ba? Salamat Stella"
Nakangiti ko na sagot sa kanya.Pero iba talaga ang ngiti niya.
"Hmmm.. Sige tatawagan kita Pag dumating na siya dito"
Sagot pa din ni Stella. Bago mag-hapon umuwi na din ako. Halos naiinip ako sa Paglipas ng mga araw dahil hinihintay ko talaga ang tawag ni Stella.
Habang nasa kusina kami ni Maria tinutulungan ko siya magluto ng uulamin namin para mamaya sa hapunan nang mag-ring ang phone ko. Hindi ko ito sinagot dahil nakita ko na name ni Stella ang nasa screen ng phone ko na tumatawag.
Naka Automatic Record kasi ang phone ko para sa mga tumatawag sa akin. Pinasadya talaga ito ni daddy para na din sa akin. Banoon siya ka over protective sa akin. Mag message kana lang Stella. Bulong ko sa isip ko. dahil parang ang lakas nang t***k ng puso ko.
Stella: Kadarating lang ni Ashlem nandito na siya sa Hacienda"
Lalong lumakas ang t***k nang puso ko dahil sa Ashlem na nabasa ko mula sa message ni Stella.
"Eeeeeee!!"
Impit na tili ko hindi ko alam kung kailan ko unang naramdaman ang ganito kay Ashlem. hindi ko rin alam kung kailan ako unang humanga sa kanya, siguro nga nang araw na iligtas niya ako, Lalo na nang araw ng kasal nila stella hindi ako halos makagalaw sa kina-uupuan ko na upuna dahil nakaluhod siya sa akin.
Ako kasi ang nakasalo nang bulaklak na hinagis ni Stella sa araw ng kasal niya. At si Ashlem naman ang nakasalo nang Garter na hinagis naman ni lambert.
Halos pagpawisan ako nang malamig dahil sa pagdampi ng palad niya sa binti ko habang pataas niya na nilalagay ang garter.
"Kinakabahan kaba Binibini?"
Narinig ko na Tanong niya sa akin nuon. Pero hindi ko siya nasagot. Para kasi ako natulala sa mga mata niya at sa magandang ngiti niya.
"Señorita Sophia. Ano po nang-yayari sa'yo?"
Nagulat pa ako sa bigla na pagsalita ni Maria. Nandito nga pala siya sa harapan ko. Pinag-patuloy ko na lang ang ginagawa ko. Bukas pupunta ako ng Hacienda Casivue para makita siya.
"Wala may naalala lang ako"
Nakangiti ko na sagot ko sa kanya. Pero hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko.
Kinabukasan maaga ako gumising. Naabutan ko si Maria na naglilinis sa sala.
"Señorita Sophia ang aga mo yata nagising?"
Pagtataka na tanong niya sa akin.
"Maaga kasi ako nakatulog kagabi"
Sagot ko na lang sa kanya.
"Maria nandiyan ba si Cardo?"
"Opo Señorita"
"Pakisabi pupunta tayo ng Hacienda Casivue"
Sabi ko sa kanya. Agad din naman siya sumunod at pagbalik niya sinabi niya nasa labas na si Cardo. Agad ko na inaya si Maria na umalis na kami.
Pagdating namin sa Hacienda Casivue sinabi ko kay Cardo na balikan na lang niya kami ni Maria bago mag-dilim.
Pagpasok namin sa malaking bahay nakita ko si lorena na yaya ng mga kambal na anak nila stella at lambert.
"Good morning po"
Nakangiti na bati niya sa akin.
"Good morning nasaan si Stella?"
Pagtatanong ko agad sa kanya.
"Nasa kusina po tumutulong po kay Manang sa pagluluto"
Nginitian ko siya at tumuloy na sa kusina. Bago ako tumalikod nakita ko si Maria na lumapit na kay lorena. Alam ko mag kukwentahan na naman sila.
Pagpasok ko sa kusina nadatnan ko si Stella na nasa harapan nga ng niluluto niya.
"Hi Good Morning Stella"
Napatingin agad siya sa akin. Napansin ko na naman ang kakaibang ngiti niya sa akin.
"Good morning din Sophia nasa manggahan si Ashlem. Mamaya uuwe sila dito ni Lambert para kumain ng tanghalian"
Nakangiti niya na Sagot sa akin.
"Hindi naman siya ang pinunta ko dito eh"
Nahihiya ko na sagot ko sa kanya.
"Hmmm.. hinde nga ba?"
Panunukso pa din ni Stella sa akin.
Napaisip ako bigla halata ba ako masyado? Na humahanga ako sa Isang Ashlem Casimiro?