Habang nagku-wentuhan kami ni stella sa kusina. hindi namin namalayan ang Pagpasok ng dalawang lalaki na parehas pa na walang suot na saplot pang itaas.
Hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko. Nakita ko si lambert na tumabi kay Stella sabay halik sa labi nito. para naman ako nailang sa ginawa ni lambert kahit nandito ako sa harapan nila nagawa pa din niya na halikan si stella.
Napansin ko naman si Ashlem na napatingin sa akin na hindi ko alam kung lalapit ba siya sa tabi ko. Kaya biglang bumilis ang pagkabog ng puso ko pakiramdam ko ako ang nabibingi sa lakas ng kabog nito.
"Binibini nagkita tayong muli?"
Nakangiti na sambit niya sa akin. Lumagpas siya sa akin dahil kumuha siya ng tubig sa ref para uminom. Pero hindi nakaligtas sa aking amoy ang pabango na gamit niya kahit na maraming pawis ang tumutulo sa katawan niya.
"Oo nga k-kamusta?"
Pero Tinignan lang niya ako. At ngumiti.
Hindi ko alam kung nautal ba ako sa pag-sasalita ko. Sophia! kalma! bulong ko sa sarili ko.
"Kakain naba kayo darling?"
Narinig ko na tanong ni Stella kay lambert. Tinulungan ko na si stella na mag-ayos ng pagkain sa lamesa dahil lumabas si Manang sa likod ng kusina.
Hindi ko alam kung sinadya ni Ashlem na tumabi sa akin sa upuan. Pero dahil sa ginawa niya lalo lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sophia kalma! bulong ko ulit.
Habang kumakain napapansin ko pa din ang paminsan minsan na sulyap at ngiti ni stella sa akin.
"Ahhm Darling babalik kapa ba sa manggahan?"
Narinig ko na tanong ni Stella kay lambert.
"Oo sana darling para mas magamay ni Ashlem ang trabaho duon bago ko iwanan sa kanya"
Sagot naman ni lambert sa kanya. na hinalikan pa si stella sa labi. Gusto ko na maingit sa paglalambingan ng dalawa na ito na nasa harapan ko. kulang na lang langgamin na kami dito habang kumakain.
Napansin ko din na may ibinulong si stella kay lambert na kinalaki ng ngiti ni lambert.
"Ashlem ikaw na lang ang babalik sa manggahan. Nanduon naman si totoy kung sakali na may ibang katanungan ka tanungin muna lang siya"
Sabi ni Lambert kay Ashlem na tumango lang habang kumakain.
"Ashlem pakisama muna din si Sophia ah' may pag-uusapan kasi kami ni lambert sa kuwarto e. Kaya hindi ko siya maaasikaso"
Napatingin ako kay Stella dahil sa sinabi niya. Pero kinindatan lang ako ng isa niyang mata at ngumiti na naman ng kakaiba na ngiti.
"Ok Sige"
Walang kagatol gatol na narinig ko na sagot ni Ashlem.
Pag-katapos namin kumain. Tinaboy na kaming dalawa ni Ashlem para pumunta na sa manggahan ni Stella. Pero bago kami umalis humahabol sa akin si Maria.
"Señorita Sophia!!"
Narinig ko na sigaw na pagtawag niya sa pangalan ko.
"Maria samahan mo muna dito si lorena"
Narinig ko naman tawag sa kanya ni stella. Nakita ko pa na napapakamot si Maria sa ulo niya. Habang bumabalik sa loob ng malaking bahay nila lambert.
"Sanay kaba mag-lakad binibini?"
Nagulat pa ako sa bigla na pagsalita ni Ashlem sa tabi ko. Gusto ko sana isagot sa kanya na Oo basta siya ang kasabay ko sa pag-lalakad. Sophia kalma! bulong ko ulit sa isip ko.
"Oo naman sanay ako"
Sagot ko sa kanya.
"Hindi kaba talaga nakakaalis sa inyo na wala kang kasama?"
Tanong niya sa akin. habang nag-lalakad na kami.
"Buti naman wala ka ng suot na Sumbrelo"
Narinig ko pa na sinabi niya. Nag-susuot lang naman talaga ako ng sumbrelo Pag alam ko na nasa hacienda lang si daddy.
"Ahhhmm Ashlem S-salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin. P-pasensya na kung ngayon lang ako nakapag pasalamat sa'yo"
Hindi ko alam kung nabigkas ko siya ng tama lahat. Dahil ang lakas talaga ng t***k ng puso ko. lalo na't katabi ko lang siya habang nag-lalakad.
"Wala iyon! Kahit sino naman ang nasa kalagayan ko gagawin iyon para sa'yo"
Sagot niya sa akin. Pero para sa akin buti na lang siya ang gumawa nuon. Dahil sa ginawa niya may bahagi ng puso ko ang binuksan niya.
"Lagi kaba nag-pupunta dito sa Hacienda?"
Tanong naman niya ulit sa akin.
Gusto ko sana isagot sa kanya. Na oo kasi nagbaba-kasakali ako na makita siya dito. Lagi na ako pumupunta dito ng makabalik na si stella dito sa Hacienda. Para na din makita si Ashlem.
"Ahhhmm Paminsan minsan lang Pag naiinip ako sa hacienda"
Sagot ko naman sa kanya. Habang nag-lalakad kami nakikita ko na ang manggahan. Pati na din ang karamihan ng mga tao na abala sa kanilang mga ginagawa.
"Ashlem buti pumayag ka na magtagal dito?"
Bigla ko naitanong sa kanya. Bigla naman siya napatigngin sa akin. Kaya hindi ko alam kung paano sasalubungin ang kakaiba na tingin niya.
"Hindi ko din alam eh. Pag si mommy na kasi ang nag lambing sa akin hindi ko mahindian. May bahagi din ng puso ko ang nagsasabi na nandito daw ang matagal ko ng hinahanap"
Bigla ulit ako nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Pero bigla din may pagtutol sa isip ko ang bigla na kumontra. Huwag ka assuming Sophia! bulong na naman ng isip ko.
"Ano ibig mong Sabihin?"
Hindi ko alam kung bakit bigla ko naitanong iyon sa kanya.
"Huwag mo ng isipin ang sinabi ko. para sa akin na lang muna iyon"
Natatawa niya na sagot sa akin. Pagdating sa manggahan binati naman agad ako ng mga tao dahil kilala nila ako na anak ni Don Felife na may ari ng kabilang Hacienda. May kinausap saglit si Ashlem at inaya na niya ako mag lakad-lakad daw sa kabuuan ng Hacienda.
"Sana dalasan mo ang Pagpunta mo dito Sophia"
Gusto ko tumili dahil narinig ko na binanggit na niya ang pangalan ko. Pero hindi ako nagpahalata.
"Sige ba! wala naman ako ginagawa sa Hacienda eh"
Sagot ko sa kanya. Pero iniisip ko si Maria sigurado na hindi siya papayag. pero bahala na.
Hindi ko alam kung dahil sa sagot ko ay nakita ko ang napakaganda niyang ngiti lalo siya gumwapo sa paningin ko.
Sophia kalma lang huwag ka magpahalata! alalahanin mo Anak ka ni don Felife Mondragon na kilala sa Pagiging mahinhin na babae. Kausap ko sa sarili ko. Pero bakit Pag kasama ko si Ashlem nawawala ang natural na ugali ko na iyon? Kalma Sophia...