Eurie's Pov: Unang araw ko sa trabaho dito sa Great Montecillo Corporation, ang kumpaniyang pagmamay-ari ng mga Montecillo; ang kumpaniya na kung saan... si Nigel ang C.E.O.! K-Kinakabahan ako. Palibhasa ay wala naman akong karanasan sa pagtatrabaho sa isang opisina, at pakiramdam ko ay hindi ako nararapat dito. Vocational lang ang natapos ko samantalang ang mga empleyado dito ay tila may mga matataas na pinag-aralan, mga inglisero't inglisera! Ako na pilipit ang dila at nakakapagsalita lang ng ingles kapag si Kyrie ang kaharap ko. Basic sentences nga lang ang alam ko, pero sa kanila, ang lalalim ng ingles nila! P-Parang dumudugo ang utak ko! Haist, magko-collapse ata ako. "So, your name is... Eurica Hernandez?" "Y-Yes po." "Hmn, let's see, so... where's your requirements?" kunot-noon