Eurie's Pov: "A-Anong ibig mong sabihin do'n?" tanong ko. "Wala namang ganoong klaseng trabaho!" Natawa siya ng mahina at ewan ko kung bakit tila biglang uminit ang mga pisngi ko. Ano ba kasi 'yon? "What I mean by stress reliever, is you should make sure that everything is fine. Regarding my schedules, checking if I have pending emails, reminding me of things I may have forgotten. In other terms, you are my personal assistant and you must make sure that I am in a good mood every day." Nang ipaliwanag niya iyon ay doon ko lamang naintindihan. B-Bakit kasi stress reliever pa ang ginamit na term, parang ano tuloy... mmn! "O-Okay, yes sir!" tugon ko saka ko naalala na bali-balita noon sa TV na masungit at striktong amo si Nigel. Mali ata ako ng isinagot! Hayst! Iniangat ni Nigel ang tele