Eurie's Pov: "At saan ka pupunta! p****k ka!!!" hiyaw ng ginang at bigla na lang niyang hinablot ang buhok ko nang talikuran ko siya. "Ahh!!! B-Bitawan mo ako!!!" angil ko at pinilit kong alisin ang kamay niya sa pagkakasabunot sa akin. "M-Madam!!! Madam!!!" tawag ng may pag-aalala sa akin ni Jenna at tinangka niyang tulungan ako pero hinarang siya ng tatlo pang ginang na kasama ng babaeng nananakit sa akin. "Lumayo ka kung ayaw mong madamay!" pagbabanta ng matabang ginang kay Jenna. Hindi malaman ni Jenna ang kaniyang gagawin para awatin sila na saktan ako. Pati kasi ang mga iyon ay pinaghahampas na rin ako ng kanilang mga palad. "Ahh!!! Bitiwan niyo ko! ahh!!!" pagpipiglas ko ngunit pinagtulungan na nila ako. Kinse minuto na lang ay lalabas na sila Kyrie, a-ayaw kong makita niya a