Eurie's Pov: Sa isang araw, simula na ng trabaho ko sa opisina ng Great Montecillo, tama nga lang siguro na ako ang sumundo kay Kyrie ngayon dahil mawawalan na naman ako ng oras sa kaniya. Nag-asikaso na ako at naghanda ng pag-alis. Matapos kong makaligo ay lumabas na ako ng aking silid at marahang binaybay ang pasilyo hanggang sa marating ko ang garahe. "Jenna," tawag ko sa personal maid at therapist ni Kyrie. Pasakay na siya ng van para sunduin ang bata. "Madam, bakit po?" aniya. Nginitian ko siya at saka ako lumapit, "Susunduin niyo ba si Kyrie? Ako na lang ang magsusundo sa kaniya, wala naman akong gagawin." "Samahan ko na po kayo madam," tugon ni Jenna na may ngiti din sa kaniyang mukha. Mabait s Jenna, sa totoo lang ay gustung-gusto siya ni Kyrie at kung minsan ay nakakaramdam