Eurie's Pov: Pumasok ako sa kwarto ni Nigel na nakayuko ang ulo habang naglalakad. Naiilang talaga ako kasi nga wala siyang suot na damit t-tapos kami lang dalawa ang naririto sa loob ng kwarto niya. B-Bakit nga ba hindi siya nagdamit eh alam naman niyang pupunta ako dito!? N-Nananadya ba siya? Kung anu-ano na nga ang pumapasok sa isip ko tapos maaabutan ko pa siya ng ganito! Naku talaga naman!!! "Maupo ka muna," aniya at kumuha ng damit sa loob ng kaniyang malaking kabinet. Pumasok siya sa isang pinto na sa tingin ko ay kaniyang banyo at pansamantala akong iniwan para siguro magbihis. Habang naroroon siya sa banyo ay hindi ko maiwasang igala ang aking paningin sa loob ng kaniyang silid. Ewan ko ba pero parang... ang gloomy ng aura ng kwartong ito. Nakabukas naman ang mga ilaw ngunit pa