Eurie' Pov: "Maganda po sa kaniya, hindi po ba sir?" tanong ng sales lady nang makalapit kami kay Nigel. "A-Ahmn, h-hindi ba parang hapit masyado? Sorry, hinid ako kumportable," ani ko na panay hatak sa pulang damit na pinasuot sa akin ng sales lady. "Get her a dress that she can wear comfortably but we will buy that too," sabi ni Nigel na kinakunot ng noo ko. "Ha? Sayang lang ang pera! Ang mahal nito tapos baka hindi ko lang maisuot!" angal ko lalo na nang makita kong halos limang libo ang presyo nito. Grabe talaga! Isang buwan na naming allowance sa pagkain iyon ni Kyrie eh. "Don't listen to her. Ikuha mo pa siya ng mga damit," ani Nigel sa sales lady at umalis naman agad ang babae para mamili pa ng iba. "Pero Nige—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang mabilis niya akong