Chapter 8: Glance

1597 Words
Nigel's Pov: "Mr. Montecillo, good to see you," said Mr. Huson, one of my grandfather's business partner. I entered his office and immediately reached out to shake his hand. "Thank you for responding to our request, Mr. Huson. Masaya akong makita kang muli." "Please, have a seat," he said and we both sat down. "Alam mo nagustuhan ko ang presentation mo last time, that's why I quickly responded to your request. Napakaswerte talaga ng lolo mo sa iyo, napaka-hands on mo sa trabaho," papuri niya sa akin. "Thank you for complementing," I formally said and took out some documents. "Here, these are the documents you need to sign for the contract. Feel free to review it thoroughly and if there is anything you would like to change I will take care of it right away." I handed the documents to him at agad naman niya itong inabot at binasa. Naghintay lamang ako ng ilang sandali at pinirmahan na niya ito. "Everything is fine. I hope this project will be successful," he said as he returned the documents to me. "It will be. Thanks Mr. Huson!" I said it with gratitude. Tumayo na ako at tumayo din siya mula sa kaniyang kinauupuan. Paalis na ako nang sabihin niyang sasabay na siya sa akin paibaba dahil nasa kabilang building ang meeting niya kasama ang mga guro ng paaralang kaniyang pag-aari. Habang naglalakad kami pababa ay panay ang kwento ni Mr. Huson tungkol sa kaniyang mga karanasan nang nag-uumpisa pa lamang siya sa kaniyang kumpanya. He gave me advice and tips on how I should handle certain situations especially if I made a mistake or got stuck in a chaotic situation. Nakasalubong namin ang ilan sa kaniyang mga staff at para bang nagmamadali mga ito. Nang mapansin nila kami ay sandali itong huminto para magbigay galang sa may-ari at siyang prinsipal nitong paaralan. "Mr. Huson, m-magandang araw po!" bati ng lalaking medyo bilugan ang tiyan at malamang na nasa kwarenta isingko na ang edad. "Mr. Jacinto, magandang araw din," pabalik na pagbati ni Mr. Huson sa kaniya at saka ako muling nilingon, "Siya si Mr. Jacinto, ang guidance councilor ng aking paaralan. Mr. Jacinto, this is Nigel Montecillo, ang apo ng business patner ko." Ngumiti sa akin ng pilit ang lalaki at bahagya din akong niyukuan. Tumango lamang ako ng kaunti bilang pagtugon ngunit ang walang ekspresyon kong mukha ang iniharap ko lamang sa kaniya. "Sandali, Mr. Jacinto. Bakit parang nagmamadali ka ata? May problema ba?" puna ni Mr. Huson. "Ahh, k-kasi po may mga istudyante daw na nag-away at pati mga magulang ay nagkasagutan na. Papunta po kami doon ngayon," sagot ni Mr. Jacinto na ikinakunot naman ng noo ni Mr. Huson. "Ganoon ba, sige, puntahan natin," ani Mr. Huson at nagmadali na silang maglakad. Hindi ko naman din alam sa mga paa ko kung bakit sumunod ako sa kanila gayong alam kong hindi naman ako kailangan doon. Marahil dahil sa hindi pa ako nakakapagpaalam ng maayos kay Mr. Huson kaya sumama na lamang ako sa kanila. Palapit pa lamang kami ay naririnig na namin ang ilang boses na nagsasagutan. "... BAKA ISAMPAL LANG SA IYO NG MGA ANGHEL 'YANG MGA ALAHAS MO!" Nang nasa may bintana na kami ay nakita na namin na palabas na ang isang babae at buhat-buhat niya ang isang batang umiiyak. Napahinto ako at medyo nagulat nang makilala ang babae iyon. Hindi ko inaasahan na muli ko siyang makikita dito. I know... it is her! Sandali siyang tumigil sa paglalakad nang makita sa harapan si Mr. Hudson. Tila napako naman ang aking mga mata sa kaniya at sinundan lamang siya ng aking tingin. Ang akala ko ay mapapansin niyang naroroon ako sa kaniyang harapan ngunit yumuko lang siya bilang pagrespeto kay Mr. Huson at agad na naglakad paalis. Pipigilan pa sana siya ni Mr. Jacinto ngunit pinahayaan na lamang ni Mr. Huson. Nailingat ko pa ang aking leeg upang tanawin sila ngunit nang makaliko na sila ay hindi na siya naabot ng aking mga mata. That woman. Hmn. "Mr. Huson, I'm sorry but I have to go," paalam ko kay Mr. Huson. "Oh, sorry about the chaos! Thank you Mr. Montecillo, you may go," he said as he shook my hand again. Tumalikod na ako at naglakad paalis. Binilisan ko pa ang paglalakad at hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit hinahanap pa rin sila ng aking mga mata. Her beautiful face never leaves my mind. What the fvck is going on with me? Narating ko na ang sasakyan ko ay hindi ko pa rin sila nakita. I just sighed at the disappointment. Bakit ko pa nga ba sila hinahanap!? Nagpasya akong bumalik na lamang sa opisina. Nakuha ko na ang kailangan ko dito, marapat lamang na bumalik na nga ako. Sumakay ako ng aking sasakyan at pinaandar na ito paalis. Halos dalawang oras din ang naging byahe ko pabalik ng opisina at nang makarating ako doon, ay agad akong nagtungo sa opisina ni lolo. Tch! Naalala ko na naman ang kondisyon niya. That's a ridiculous request! How can I get a son in an instant? That's bullshit. Pagdating ko doon ay sinabi ng kaniyang sekretarya na wala pa siya. Iniwan ko na lamang ang dokumento sa kaniyang sekretarya at nagbilin ako na tawagan ako agad kapag natanggap na niya. Maaga pa para umuwi kaya naman pumunta muna ako sa aking opisina para tapusin ang ilan pang trabaho. When I arrived there, my staff were still busy with their respective tasks. Why, that's good. I sat in my swivel chair and turned on the computer. I started to check the files I needed one by one just to make sure there were no details missing when suddenly the door opened. "Hey, babe! Still working?" Alona asked in a childish voice. Naiangat ko ang tingin ko sa kaniya at hindi na naman naiwasan ng mga mata kong mapatitig sa malulusog niyang dibdib na halos lumuwa na mula sa puting tube na damit na kaniyang suot. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran. Ang kaniyang dibdib ay parang malambot na unan na sumasagi sa aking batok. Sh*t! "Want me to... work on you?" she seductively asked again. She sat down on my lap as she anchored her arms around my neck, "Hey, babe, come on." "Alona, stop tempting me," sabi ko at iniiwas ko ang aking mukha. "Kailangan ko itong matapos." "You know what? Alam ko ang tungkol sa hinihinging kondisyon ng lolo mo," malambing na bulong sa akin ni Alona at dinampian niya ng halik ang aking leeg. "My father told me that your grandfather wanted to have a great grandson, and that's what he asked to give up his position as the C.E.O. of this company. Eh, bakit hindi na lang natin ibigay sa kaniya ang hiling niya?" Hinaplos ni Alona ang aking katawan at alam kong nais niyang gawin namin muli ang bagay na iyon. Niluwagan na niya ang suot kong kurbata at saka siniil ng halik ang aking mga labi. "Nigel— oh, sh*t!" Napahinto kami nang biglang pumasok ng silid si Maddie. Nanlalaki ang mga mata nito at ang kaniyang kaliwang kamay ay nakatakip sa kaniyang bibig. Tumayo si Alona mula sa aking kandungan at inayos ang kaniyang sarili saka ngumisi sa kapatid ko. "Oh, hi, Maddie! Nice to see you," Alona sarcastically greeted Maddie. Mariin namang itinikom ni Maddie ang kaniyang bibig at saka ako binalingan ng tingin. Like usual, I don't have any expression to show so I just remained silent and focused on my computer. "Y-Yeah, hi," iyon na lang ang nasabi ni Maddie at kumunot ang noo niya sa akin. "I guessed I have to go for now," ani Alona at hinagkan ako sa aking pisngi. "See you later, babe." Umalis si Alona ng aking opisina at si Maddie naman ay sinundan lamang siya ng tingin habang nakataas ang isang kilay. I've always known that Maddie doesn't like Alona but only now, I've just witnessed how irritable she is towards her. "Girlfriend mo 'yon? 'Yong totoo ,Nigel? Niligawan mo 'yon?" agad na tanong sa akin ni Maddie nang tuluyan ng makalabas ng opisina ko si Alona. "You're so intelligent that's why I thought you had good taste when it comes to women, I guess I was wrong!?" "I never said she was my woman nor my girlfriend," I answered coldly without looking at her. "Then what?" she asked again. "I'm warning you, Nigel! May lahing baliw ang babaeng 'yon! Stay away from that b*tch! Hindi porket sinabi ni lolo na gusto niya ng apo ay aanakan mo na lang agad ang babaeng 'yon! I'm telling you, Alona is insane! Baka imbis na makamit mo ang gusto mo eh gumuho pa ang lahat ng mga plano mo dahil sa babaeng 'yon!" Doon ko lamang naiangat ang tingin ko kay Maddie. I don't know why she is so concerned about that but I realize she has a point. Alona is stubborn and the type of woman who must always obtained what she wants. It is likely that if I would have a child with her, my life might be in hell. "Anyway, I'm here to inform you that I'm leaving and my flight is tonight. I just wanted to wish you good luck because for sure, Mau and Marga are starting to make miracles to get the position you are aiming for!" Tumalikod na si Maddie at akmang aalis na sana nang muli siyang huminto at lumingon sa akin. "And please my dear brother, kung may aanakan ka lang din 'yong matino naman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD