Chapter 7: Sorry

1452 Words
Eurie's Pov: Napatingin silang lahat sa akin nang pumasok ako sa pinto. Noon lamang nila ako narinig na magsalita dahil nga pilit kong dinididtansya ang sarili ko sa kanila at tanging ang guro lamang nila Kyrie na siyang aking matalik na kaibigan din ang kinakausap ko sa tuwing naroroon ako sa kanilang classroom. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na hindi tumaas ang aking boses. Kitang-kita ko kung paano itulak ng balyenang 'yon si Kyrie. Nasaan ba ang utak niya? Ang laki-laki niya, pumapatol siya sa bata? "E-Eurie," tila nangangambang sambit sa aking pangalan ni Lyca. Hindi ko naman iyon pinansin at matalim pa rin ang aking mga matang nakatitig sa ginang. "Magulang ka ba talaga? Paano mo nagagawang manakit ng isang bata?" tanong ko sa kaniya. "Siya ang unang nanakit! Hinampas niya ng libro ang anak ko sa mukha!" pandidilat niya ng mata sa akin. "Your son is crazy!!!" Kumuyom ang aking palad at gusto ko na sana siyang suntukin, pero... hindi! Hindi ko gagawin 'yon dahil lalo ko lang maipapahiya ang aking anak! "Huh! Ganiyan ba dapat umasal ang isang magulang sa harap ng mga bata?" ngisi ko sa labis na iritasyon, "Anak mo ang sinaktan, away-bata 'yan! Nasa paaralan sila, may guro, may guidance councilor! PUWEDE MO SIYANG PAGSABIHAN PERO HINDI MO KAILANGANG SAKTAN ANG ANAK KO!" Naririnig na namin ang pag-iyak ng ilang bata. Ang ibang mga magulang ay nagbubulungan na din dahil sa mga nangyari ngunit wala na akong pakealam! Alam kong may mali ako pero wala siyang karapatan para kantiin si Kyrie! "E-Eurie!!!" muling tawag sa akin ni Lyca na nakatingin sa aking anak. Napalingon ako sa kanila at nakita ko si Kyrie... nakatulala siya paibaba ng sahig habang nakatakip ang kaniyang mga kamay sa magkabila niyang tenga at paulit-ulit siyang nagsasalita na para bang maiiyak. "K-Kyrie not bad. Kyrie not bad! Mama will get mad. Kyrie not bad." Nahabag ang puso ko at mariin kong naitikom ang aking bibig. Nagiging ganiyan siya kapag may mga bagay siyang naririnig na hindi niya gusto o kaya naman ay natatakot siyang pagalitan ko siya. Nakatatak sa isip niyang magagalit ako sa kaniya at mawawala ang pagmamahal ko kapag naging bad siya. "See? Your son is crazy! Bakit niyo ba kasi pinagpipilitang normal 'yan? Wala ba kayong pampagamot d'yan? Oh, poor people! Sabagay, saan ka nga pala nagtatrabaho? Sa isang bar? Maybe that's why abnoy 'yang anak mo!" pangungutya ng balyena habang pinaglalaruan ang kaniyang gintong kwintas at tila ibinabalandra sa akin ang malalaki niyang alahas. "Mrs. Pontana, that's enough, please? Hindi po maaayos ng mga sinasabi niyo ang problemang ito," pakiusap ni Lyca. "Mabait pong bata si Kyrie. Kahit po may autism siya, alam po niya ang mali at tama. Hindi niya po iyon basta-basta gagawin ng walang nagti-trigger sa kaniya. Ang paaralang ito ay naniniwala na ang bawat bata ay espesyal at dapat na magkaroon ng edukasyon. May mga cases po na hindi namin tinatanggap ang isang bata kapag uncontrollable po sila. Sa case po ni Kyrie, dumaan po siya sa mga exam ng paaralan na ito at naipasa naman niya iyon kaya napahintulutan siyang mag-aral dito. Isa pa po, huwag po sana tayong manghusga ng mga tao lalo na sa harap ng mga bata." "Bakit? Masama ba ang magsabi ng totoo, teacher? Hindi ba itinuturo dito na huwag magsinungaling?" ani ng balyena na nakangising parang sa aso. "Kyrie," lumuhod ako sa harap ng aking anak upang pakalmahin ko siya. Tila hindi niya ako naririnig kaya kinailangan ko pang hawakan ang magkabila niyang pisngi para iharap sa akin at matitigan niya ako. "Ka-Kyrie not bad. K-Kyrie behave! K-Kyrie not bad," paulit-ulit na sabi ni Kyrie at ang mga mata niya ay hindi pa rin tumitingin sa akin. "T-Teacher! T-Teacher," hagulgol ng iyak ng isa sa mga kaklase ni Kyrie. Napatingin kami sa bata at umiiyak ito sa tabi ng kaniyang ina. "Come on baby, tell the truth," sabi ng ina ng batang babae na umiiyak. Humihikbi ang bata habang nagpapahid ng kaniyang mga luha. Hinihintay naman naming lahat ang kanyang sasabihin. "T-Teacher Lyca, h-hindi po bad si kuya Kyrie. Huwag niyo po sana siyang pagalitan. S-Si... si Alex po ang bad," sabi ng batang babae sabay turo sa batang katabi ng balyena na hinuha ko ay kaniyang anak. "Naglalaro po kasi kami nila kuya Kyrie kanina tapos po, hinampas po ni Alex si Kyrie ng notebook sa braso. Hindi po gumanti si Kuya Kyrie, tapos hinampas po ulit nila sa ulo tapos tumatawa pa po sila Alex, tapos po... kumuha po ng book si kuya Kyrie, siya naman po ang humampas kay Alex tapos 'yon na po 'yong umiyak si Alex." Nagkatinginan kami ni Lyca at doon namin napagtanto na pinagkakaisahan ng mga bata si Kyrie. Malamang akala ni Kyrie ay nakikipaglaro lamang ang mga batang iyon sa kaniya ngunit ang totoo, sinasaktan na siya ng mga ito. Minalas-malas lamang ang batang iyan, dahil ang mga batang may autism ay mas malalakas kung makapanakit kaysa sa normal na mga bata. "Salamat Nisha sa pagsasabi ng totoo, napakabait mong bata," ngiti ni Lyca sa batang babae at ang batang tinawag na Alex naman ang binalingan ni Lyca. "Alex, is that true?" Pailalim naman siyang tinignan ng batang halatang guilty sa kaniyang nagawa. Nagtago ito sa likod ng nanay niyang balyena at hindi sumagot sa tanong ng kanyang guro. "Teacher, huwag mo ngang tignan ng ganiyan ang anak ko! Natatakot siya!" sabi ng mahaderang nanay na niyakap pa ang bully niyang anak. Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ni Kyrie. Ayoko ng manatili pa dito dahil baka sumabog pa sa init ang ulo ko. Bakit ba may mga ganitong klaseng tao? Kahit mabigat, binuhat ko na si Kyrie at tinapik-tapik ang kanyang likod. Muli kong hinarap ang ginang na nanakit kay Kyrie upang ibalik sa kaniya ang lahat ng kanyang sinalita. "Mahirap kami, oo. Pero wala akong pakealam do'n! Hindi naman madadala sa langit ang karangyaan! Kung ako sa iyo, hindi ako bibili ng malalaking alahas! Kapag namatay ka, hindi mo pwedeng sabihin kay San Pedro na oh, papasukin niyo ako! Mayaman ako! BAKA ISAMPAL LANG SA IYO NG MGA ANGHEL 'YANG MGA ALAHAS MO!" mariin kong sabi at saka ko tinapunan ng tingin ang kaniyang anak na nakasiksik na sa kaniyang taba. "Sa tingin ko ang anak mo ang hindi dapat na naririto! Tutal ayaw mo rin lang naman na pinagsasabihan siya o itama ng guro niya ang kaniyang pagkakamali, bakit hindi na lang siya ang i-drop out mo? Hindi na niya kailangang mag-aral, MAYAMAN KA NAMAN, HINDI BA?!" Matapang ang aking mukha na lumabas ng pinto ng silid na iyon. Buhat-buhat ko si Kyrie sa aking mga bisig at hindi ko na pinansin pa ang mga matang nakatngin sa akin habang paalis kami doon. Pag labas ko ng pinto ay nakasalubong ko pa ang principal ng paaralan at may mga kasama pa siya sa kaniyang likuran. Sa labis na iritasyon ko ay bahagya ko na lamang na iniyuko ang aking ulo bilang pagrespeto sa punong-guro ng paaralan at saka na kami umalis kaagad. Kumukulo talaga ang dugo ko sa mga ganoong klase ng mga tao. Mapang-mata na porket mayaman lang sila ay akala mo binili na nila ang buong mundo. Ako? Kahit mahirap ako, hindi ko hinahangad na yumaman ako! Ang nais ko lang... ay maibigay ang mga pangangailangan ni Kyrie. Ang lumaki siyang maayos at malusog. Sapat na sa akin ang may tinitirahan kaming maayos na bahay at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Sapat na sa akin... ang makita ko lamang siyang may maayos na buhay. Iyon lang... ang pangarap ko. "Kyrie, nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Gusto mo ba ng fries o chick—" "Mama, sorry. I'm so sorry, mama." Napahinto ako ng sandali. Gusto ko lang naman na pagaanin ang loob ni Kyrie pero ng sabihin niya ang mga salitang iyon, parang nadurog ang puso ko. Naisip ko, bakit? Bakit ang anak ko ang kailangang mag-sorry sa akin? Wala siyang ginawang mali pero siya ang humihingi ng sorry? Ang sakit. Ang sakit-sakit isipin na siya na 'yong minaliit pero siya pa 'yong nagpapakumbaba. Ano bang nagawa niya? Wala naman, hindi ba? Hindi ko alam kung bakit ganito. Pakiramdam ko ay ang lupit ng mundo. Hindi ito ang nais ko para sa kaniya! Naiyakap ko ng mahigpit ang aking mga braso sa kaniya at napahikbi na lamang ako. Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata at ang puso ko ay nababalot ng labis na kalungkutan at pagsisisi. "No, Kyrie. Ako ang dapat magsabi niyan dahil hindi kita agad naprotektahan," hikbi ko at mas hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap ko sa kaniya. "Kyrie, baby, I-I'm sorry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD