HANGGANG sa nakarating ang dalawa sa department store at bumili sila ng isang kahong San Mig Light at mga pulutan na chichirya "May kulang pa ba dito, Divz?" tanong ng binata sa kanya. "Wala na yata, masyadong marami na nga ito." "Naku! Kulang pa yata ito ni Inspector Navarro." Pagbibiro ni Collin, sabay tawa nilang dalawa. Pumunta na sila sa counter para magbayad. "Ay! Sandali lang Collz, may nakalimutan akong bilhin. "Okay, go ahead. Dito na lang kita hintayin." "Okay, saglit lang ako." Pabalik na sana si Divlen nang mapansin niya ang tatlong lalaking kahina-hinala ang kilos kaya inoobserbahan niya ito. Napansin niya na sumenyas ang isang lalaki, gamit ang kanyang mata at nguso. Itinuro nila ang isang lalaki na nagbabayad sa counter at alam niya na si Collin ang tinutukoy ng mga