Gusto sanang sabihin ni Divlen na baka buntis siya, ngunit gusto niya na malaman talaga galing sa kanilang doctor na si Dra. Marie Seribo. Isa ito sa kanilang matalik na kaibigan at kaklase sa kolehiyo, tulad din nila still single. "Inspector Navarro?" tawag ng assistant ni Dra. Seribo. "Yes!" tugon ni Jester. "Ma'am, puwede na po kayo na pumasok sa loob, hinihintay na kayo ni Dra. Seribo." "Okay, thanks!" Inalalayan siya ng kanyang pinsan, habang naglalakad sila papasok sa loob. "Oh! Anong nangyari sa stone woman?" Pagbibiro ni Dra. Seribo. Dahil kilalang-kilala niya ang kaibigan, mula pa college ay pusong bato ito at walang pakialam sa mga lalaki. "Ito, natamaan ng tidal wave kaya hinimatay," pagbibiro na tugon ni Divlen, at nakangisi ito. Sinimulan ni Dra.Seribo ang pag intervi