LORABEL Nagising ako sa silid na hindi pamilyar sa akin. Tahimik ang paligid, kulay puti ang pintura ng dingding, at may nakakabit na dextrose sa aking braso, kaya napagtanto ko na nasa loob ako ng ospital ngayon. Pumikit ako at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso, hanggang sa umalon ang aking dibdib nang maalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay kanina. Naisip ko kung ano na kayang nangyari sa dalawang lalaking binaril ni Uncle Zarex. Bumundol ang labis na kaba sa aking dibdib dahil siguradong makukulong siya kapag namatay sila. Kapag nangyari iyon, paano na kami ng mga anak ko? Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si Uncle Zarex. May dala siyang bouquet ng bulaklak at paper bag. Mukhang lumabas siya kanina at i