LORABEL Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang mga bodyguards na binigay ni Uncle Zarex dahil kahit tumanggi ako ay hindi rin siya pumayag sa gusto ko. Hindi muna ako umuwi dahil nahihilo ako, kaya dito na kami sa bahay inabot ng dilim. Mabuti na lang at mahaba ang kaniyang pasensya. Hindi niya ako kinulit na umuwi agad dahil nakita niya akong nagsuka sa lababo. Ngayon pa lang ay nakakaramdam ako ng panghihina dahil palagi akong nagsusuka, kaya lahat ng laman ng tiyan ko ay nailalabas ko. Para bang nagsimula nang maging maselan ang pagbubuntis ko simula nang malaman kong buntis ako. Kaunting galaw ko lang ay nahihilo at nanghihina. Mabilis rin akong mainis at bigla na lang tumitigas ang aking tiyan, tapos nagtutubig na ang aking bibig hanggang sa hindi ko na mapigilan at nagsusuka