Chapter 5

1157 Words
LORABEL “Feel free to do anything you want, babe,” sabi ni Uncle Zarex sa akin. “Thank you,” nahihiya kong sagot. Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos, sumulyap sa dala kong maleta. “Gusto mo bang tawagin ko ang maid natin dito para tulungan ka–” “Huwag na po,” mabilis kong sagot, kaya naputol ang sinasabi ni Uncle Zarex. “It's okay, that's their work, babe,” sabi niya, pero mabilis akong umiling at tinanggihan ko ang alok niya. “Huwag na, ayos lang ako, kaya ko na ito,” sagot ko. “Alright, let me know kung may kailangan ka. Huwag kang mahiya, it's your home now too,” sabi ni Uncle Zarex sa akin. Marahan akong tumango at tipid na ngumiti para itago ang kaba at mabilis na pintig ng aking puso dahil nakita ko na naman siyang nakatingin sa akin, partikular sa mukha ko. “Nabasa ka ba ng ulan kanina?” tanong ng lalaking kaharap ko matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Opo,” mahina kong sagot. “Take a shower now, babe, baka magkasakit ka,” utos niya sa akin, kaya tumango ako. Nagpaalam na sa akin si Uncle na lalabas na raw siya para makaligo na ako. Ngumiti muna siya sa akin at sandaling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko bago humakbang papunta sa pintuan. Matagal nang nakalabas ng silid at nakaalis si Uncle Zarex, pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako at nakatayo sa gitna ng silid na pinahiram niya sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na tatawagan ko siya at makikitira ako sa bahay ng isang estranghero na minsan ko lang nakita. Sandaling iginala ko ang aking paningin sa buong silid at pagkatapos, yumuko ako at binuksan ang dala kong maleta para kumuha ng damit pambahay. Lumapit ako sa nakasaradong pintuan at binuksan ito. Tama nga ang hinala ko, dito ang banyo, kaya pumasok agad ako para maligo. Ang sarap sa pakiramdam ng maligamgam na tubig. Nakatulong ito sa pananakit ng aking ulo dulot ng matagal na pag-iyak at pananatili sa labas dahil wala akong matuluyan, kaya matagal akong nakatayo sa ilalim ng puno kahit basang-basa sa ulan. Naligo agad ako at mabilis na nagbihis. Kanina pa masakit ang ulo ko dahil ilang oras na akong nakababad sa ulan, tapos iyak rin ako nang iyak, kaya hindi na ako magtataka kung magkakasakit ako dahil ngayon lang ito nangyari at hindi naman ako nasanay na exposed sa ulan at sinabayan pa ito malamig na ihip ng hangin. Makapal na jacket at pajama ang sinuot ko dahil nilalamig ako. Tiniis ko ang lamig kanina sa loob ng kotse ni Uncle Zarex nang sunduin niya ako dahil nahihiya akong magsabi sa kaniya na isara muna o hinaan ang air-condition ng kaniyang sasakyan kahit nanginginig ako sa aking upuan. Nakaupo ako sa sofa at balot ng makapal na puting tuwalya nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng pintuan. Kahit mabigat ang aking pakiramdam, tumayo ako at lumapit sa pintuan. Si Uncle Zarex ang bumungad sa akin na nakatayo sa harap ko nang buksan ko ang pinto. Nakabihis na siya at mukhang bagong ligo rin dahil agad nanuot sa ilong ko ang amoy ng mabango at preskong sabon na ginamit niya. “Are you okay?” agad na tanong ni Uncle Zarex nang pagbuksan ko siya. Hindi ko nagawang sumagot dahil bigla akong bumahing sa harap niya. Mabilis akong nagtakip ng bibig dahil nahihiya ako sa kaniya. “You don't look fine, babe,” narinig kong sabi niya. “Ayos lang po a–” Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil biglang umangat ang kaniyang kamay at sinapo niya ang aking noo. “You're burning,” sabi ni Uncle Zarex sa akin, kaya napatingin ako sa mukha niya. Kunot pa ang kaniyang noo kasabay ng pag-isang linya ng kaniyang mga kilay. Mabilis niya akong hinawakan sa braso at hinatak pabalik sa sofa. “Sit down.” Napakurap ako at hindi agad nakaiwas nang lumapat sa leeg ko ang likod ng palad ni Uncle Zarex at dinama niya kung mainit ang balat ko. “Your sick, babe,” napailing na sabi niya sa akin. “Nilalagnat ka.” Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko dahil nahihiya na ako kay Uncle Zarex. Unang gabi ko dito sa bahay niya, pero nagkasakit pa ako at mukhang maabala ko na naman siya. “Pasensya ka na, matagal kasi akong nakababad sa ulan,” nakayuko kong paliwanag. “For how long?” “Limang oras,” mahina kong sagot. “Fvck!” Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang marinig kong napamura si Uncle Zarex. “Bakit hindi mo ako tinawagan agad?” tanong niya sa akin. “Sana nakapunta ako doon ng mas maaga para hindi ka nababad sa ulan ng matagal, nagkasakit ka tuloy ngayon.” Hindi ko nagawang sumagot dahil biglang tumulo ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko ito nagawang pigilan at itago kay Uncle Zarex nang hawakan niya ang baba ko at marahan niyang iangat ang aking mukha. “I'm sorry,” sabi niya bilang paghingi ng paumanhin. “Hindi ako galit sa iyo. Alam kong hindi maganda ang pinagdaanan mo ngayong araw, and I shouldn't have scolded you, but next time, tawagan mo agad ako kapag kailangan mo ng tulong, okay?” Marahan akong tumango. Muli kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang hikbi na nakakulong ngayon sa lalamunan ko. “It's okay, you're here now, ako ang bahala sa iyo.” Natulala ako at napaawang ang aking mga labi nang punasan ni Uncle Zarex ang luhang umagos sa aking pisngi. Dala na rin marahil ng bigat ng emosyon na aking nararamdaman, kaya hindi ako tumutol nang kabigin niya ang aking ulo at sumubsob ang aking mukha sa kaniyang leeg, at niyakap ako ni Uncle Zarex ng mahigpit. Napapikit ako at napahagulhol sa kaniyang balikat. Hinayaan naman ako ni Uncle Zarex, at wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya habang marahang humahagod ang kaniyang kamay sa aking likuran. Kahit ngayon lang, pinalaya ko ang bigat na ilang araw ko nang nararamdaman sa aking dibdib. Ilang ulit kong sinabi sa aking sarili na kaya kong harapin ng mag-isa ang problemang iniwan ni Mama, pero may mga pagkakataon na hindi ko pala kayang gawin iyon dahil wala akong kakayahan financially. Nakita ng mga kaibigan ko na matatag ako, pero deep inside, durog na durog na ako at kahit hindi ko lubos na kilala, tanging kay Uncle Zarex ako kumapit ngayon para mabuhay dahil wala na akong ibang mapuntahan. Maswerte pa rin ako dahil nakilala ko siya. Kahit hindi niya ako lubos na kilala, ay walang pag-aalinlangan na pinatira ako ni Uncle Zarex dito sa kaniyang bahay. Kaya habang-buhay kong tatanawing malaking utang na loob ito sa kaniya, at kahit anong mangyari, hinding-hindi ko sasayangin ang tiwala at pagtulong niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD