LORABEL
Hindi na ako pinalabas ng silid ni Uncle Zarex dahil nakita niya na masama talaga ang aking pakiramdam. Gusto sana niyang tumawag ng doktor, pero pinigilan ko siya dahil sa tingin ko naman ay ayos na sa akin ang uminom ng gamót.
“Are you sure na ayaw mong magpatingin sa doktor?” makulit niyang tanong sa akin habang kumakain ako.
“Okay na po ako,” kimi kong sagot.
“Alright, if that is what you want, then it's okay. Pero bukas, kapag hindi pa rin maganda ang pakiramdam mo, you need to see a doctor.”
Marahan akong tumango bilang sagot. Masakit ang aking ulo, kaya hangga't maaari ay ayaw ko munang magsalita at kumilos, pero hindi ko naman puwedeng gawin iyon dahil nakikitira lang ako sa bahay ni Uncle Zarex.
Hinatiran na nga niya ako ng pagkain dito sa silid, kaya nahihiya na ako. Malaking abala ko na sa kaniya simula nang tawagan ko siya, kaya sinabi kong magpapahinga na lang muna ako.
Habang kumakain ako, nakita kong hawak ni Uncle Zarex ang kaniyang cellphone. Hindi nagtagal, may tinawagan siya. Narinig kong tinanong niya ang kausap kung anong gamót ang dapat ibigay niya sa akin matapos sabihin na nilagnat ako dahil matagal akong nababad sa ulan.
“Finish your food, babe,” sabi ni Uncle Zarex sa akin. “Kukuha lang muna ako ng gamót mo.”
“Salamat.”
Tanging ito ang nasabi ko dahil halos hindi ko malunok ang kinakain ko. Para bang bumara ito sa lalamunan ko, kaya inabot ko agad ang tubig at uminom.
Mukhang hindi agad ako gagaling dahil mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa aking katawan.
Tapos na akong kumain nang bumukas ang pintuan at pumasok si Uncle Zarex, dala ang gamót na para sa akin. Agad ko itong kinuha sa kamay niya at inabot ang tubig para uminom.
“Salamat.”
Ngumiti si Uncle Zarex. Wala akong narinig na kahit ano sa kaniya habang nakatingin siya sa akin.
“Take a good rest, babe. Ako na ang bahala dito,” sabi niya sa akin.
Muli akong nagpasalamat sa kaniya, pero pinagsabihan ako ni Uncle Zarex na huwag ko na raw itong ulitin dahil kanina pa ako paulit-ulit na nagpapasalamat sa kaniya.
Tumayo na ako, pero dahil hindi talaga maganda ang aking pakiramdam, nanginig ang mga binti ko. Muntik tuloy akong sumalampak sa sahig kung hindi agad nakalapit sa akin si Uncle Zarex para tulungan ako.
Napasinghap ako nang pumulupot sa bewang ko ang kaniyang braso at para bang niyakap niya ako. Nagkadikit tuloy ang aming mga katawan, pero hinayaan ko siyang yakapin ako dahil baka bumagsak ako sa sahig kapag binitawan niya ako.
Mabuti na lamang at inalalayan akong sumampa sa kama ni Uncle Zarex. Siya na rin ang humatak ng makapal na kumot at ibinalot sa katawan ko.
Ngayon ako nakaramdam ng labis na panlalamig, kaya nakita niya akong nanginginig. Pumikit agad ako kasi pakiramdam ko ay napakagaan ng aking ulo at nagsimulang manlabo at umikot ang aking paningin.
“Okay na ako dito, Uncle,” mahina at halos pabulong na sabi ko kay Uncle Zarex. “Puwede mo na po akong iwan.”
“It's okay, I'll stay here for a while hanggang makatulog ka at masiguro ko na ayos ka na,” narinig kong sagot niya.
Gusto ko sanang magprotesta, pero hindi ko magawa dahil nanghihina talaga ako. Hinayaan ko na lang na manatili dito sa silid si Uncle Zarex hanggang sa tuluyan akong nakatulog.
Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. May kadiliman ang silid at kaunting liwanag lang ang tanglaw mula sa lampshade na nasa gilid ng kama.
Ilang ulit akong kumurap para sanayin ang aking mga mata sa liwanag dito sa silid, pero nang akmang babangon ako, nagulat ako nang napagtanto kong may katabi ako dito sa ibabaw ng kama at nakayakap pa ang braso niya sa aking katawan, tapos nakasiksik pa ang mukha sa balikat ko.
Nanlaki ang aking mga mata matapos kong mapagtanto kung sino ang aking katabi. Hindi ko alam kung paano ako magre-react na nagising akong may katabing lalaki sa kama at yakap pa niya ako na para bang normal lang ito sa kaniya.
Pakiramdam ko'y tuloy ay para bang sasabog ang aking dibdib dahil napakabilis at napakalakas ng pintig ng aking puso.
Mabilis na nagtataas-baba rin ang aking dibdib at ramdam ko ang pangangapos ng aking hininga dahil bigla akong kinabahan nang magising akong katabi si Uncle Zarex.
Ang daming pumasok sa isipan ko, kaya lalo lamang akong kinakabahan. Matapos lumunok at nagkaroon ng kaunting lakas, ay dahan-dahan kong inangat ang kumot para tingnan ang aking katawan.
Napapikit ako at nakahinga ng maluwag nang makita kong suot ko pa rin ang pajama at damit-pantulog ko. Mukhang wala namang ginawang kakaiba sa akin si Uncle Zarex habang natutulog ako, pero hindi pa rin ako komportable na nakahiga sa kama at katabi ko siya, tapos nakapulupot pa sa aking bewang ang kaniyang braso.
Hindi rin nakatulong para humupa ang kabang nararamdaman ko kapag tumatama sa balat ng leeg ko ang mainit niyang hininga at narinig ko ang mahinang pinting ng kaniyang puso.
Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko, kaya pumikit ako at nag-isip kung paano ko siya paalisin dito sa kama at palalabasin ng silid ng hindi siya ma-o-offend sa sasabihin ko dahil bahay naman niya ito at pinatuloy lang niya ako dito.
Hindi ko na tuloy nabilang kung ilang ulit akong humugot ng malalim na buntonghininga bago nagkaroon ng lakas ng loob na hawiin ang makapal na kumot na nakatakip sa aming mga katawan. Pagkatapos, hinawakan ko ang kaniyang braso at dahan-dahan itong inalis sa aking bewang.
Malakas na singhap ang kumawala sa aking mga labi kasabay ng panlalaki ng aking mga mata nang gumalaw ang braso ni Uncle Zarex at kinabig niya ako pasiksik sa kaniyang katawan, at pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit na tila ba ako ay isang unan.
“U-uncle,” nauutal na tawag ko kay Uncle Zarex, pero umungol lang siya at mas lalo pang nagsumiksik ang kaniyang mukha sa leeg ko.
Sa unang pagkakataon, naramdaman kong lumapat ang labi niya sa leeg ko, kaya nahampas ko ang kaniyang braso dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba, kasabay ng panginginig ng katawan ko.
“Gising, Uncle!” malakas kong sabi sa kaniya.
“What's wrong?” paos niyang tanong sa akin.
“Anong what's wrong?” tanong ko rin sa kaniya. “Bakit dito ka natulog sa tabi ko?”
“Hmmm.”
Tanging ito lang ang narinig kong sagot ni Uncle Zarex. Mukhang nakatulog na ulit siya, kaya muli ko siyang hinampas sa kaniyang braso na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin sa bewang ko.
“Babe, I'm sleepy. Let's sleep,” mahina at inaantok na sagot ni Uncle Zarex.
Matulog na daw kami?
My God! Hindi na ito normal!
Napabuntonghininga na lang tuloy ako dahil hindi ako komportable na nakahiga sa kama at katabi ko siya.
“Bumalik ka na sa silid mo,” pagtataboy ko sa kaniya.
“It's already late,” mabilis pero mahina niyang sagot.
“Hindi ka puwedeng matulog katabi ko, Uncle–”
“It already happened, babe,” bulong sa akin ni Uncle Zarex kaya hindi ko na naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko.
“Bakit ba dito ka natulog?” kinakabahan kong tanong kay Uncle Zarex.
“You were not feeling well last night,” sagot niya. “You were shaking badly, kaya hindi kita iniwan.”
“Pero, hindi ko sinabing tumabi ka sa akin, Uncle. Malaki naman ang bahay mo at maraming silid dito. Doon ka–”
Muling lumapat ang labi ni Uncle Zarex sa aking leeg, kaya napasinghap ako at natigil sa pagsasalita.
Natuliro kasi ang utak ko, at sinabayan pa ito ng biglang pagbabago ng temperatura sa aking katawan.
“Just relax, babe. I won't do anything to you. Promise, I won't bite unless you ask for it,” paos ang tinig na bulong niya sa akin, kaya natulala ako.