Samantala, aligaga naman si Sabinah at Marian habang nasa loob ng taxi na sinakyan papunta sa simbahan. Suot na ni Sabinah ang bride maids gown nito. Natatanaw na ang mga nagdadagsaang bisita sa simbahang kanina pa ay minamanmanan. "Ma'am bababa po ba kayo?" Untag ng driver na tila naiinim na. "Manong, saglit lang naman. Atat ka masyado, chill." Sagot ni Marian. "Kasi po ma'am, baka wala akong mapasadahan niyan," sabay kamot sa batok ng mama. "Ano beshy, bababa na ba tayo. Nababangot na si mamang driver," untag nito sa kaniya. Pababa na sana sila nang mamataan ang pagdating ng sasakyan ni Harvey. "Saglit! Balik-balik!" Aniya kay Marian na noon ay pababa sa taxi. "'Di ba si Harvey iyon?"