"GO back now, Hija. Kagaya nang sinabi ko sa iyo noon pa man ay hindi pa oras upang magkasama tayong muli." "Yes, Daddy. Bago muling tumubo ang sungay ng mga anak ko. That Maya Camille is a really hot and hard-headed young lady." "Hindi na iyan nakapagtataka, anak. Dahil ganyan na ganyan ang Mommy Princess Ann ninyo. Poncio Pilatong Tutubi pa nga ang tawag noon kay Pareng Phillip. Maaring kalmado ang asawa mo pero masama ring magalit." "Opo, Daddy. Watch over us with our REDEEMER. 'Til we see and meet again in the paradise of our heavenly Father." "That's right, sweetheart. Go now." MAARING hindi napansin ng mahal niyang asawa na gising na siya kaya't nagpatuloy sa pananalita sa kaniyang tabi. Kaya naman imbes na ipaalam niyang nakabalik na siya sa mundo nila o hindi pa siya tinanggap