"KAYO na naman? Pinatawad ko na kayo noong dinakip n'yo kami ng asawa ko. Ngayon ay kayo na naman ang may kasalan sa kamuntikan niyang pagkamatay? Ako ba talaga ang ginagalit ninyo? Damn you, people!" Kulang ang galit na galit upang ilarawan si Raven Andrew sa oras na iyon. Dahil sa tulong ng USB's na idinikit sa mga anak ay naging madali ang pagdakip sa mga kawatan. Idagdag pa ang pakikipagtulungan ng mga taga-Manila Hotel Management. "Oo! Kami na naman, Sandoval! Ngunit talagang madulas ang lintik mong asawa sa kamatayan! Hah! Sa pag-aakala mo kami lang ang may malalim na galit sa hay*p na iyan? Mali ka, Sandoval! Maraming remnants ang Villareal, iyan ang tandaan mo!" ganting sigaw ng elder sa mga kawatan. And yes! Kung sa military ay hindi nila maubos-ubos ang mga rebelde ay ganoon