DAHIL sa nangyaring kaguluhan sa mismong event ay halos hindi na makahinga ang mga tao. Ngunit wala ng mas nagulat kundi ang pamilya Sandoval at ibang kamag-anak. Kahit ang abogadang si Rennie Grace ay pansamantalang nawala sa sarili. Subalit agad ding nakahuma lalo at kitang-kita kung paano natumba ang hipag. "F*ck! Hindi ko akalaing hahantong sa p*****n! Mayroon na itong foul play pero sa palagay ko ay may mas malalim na dahilan," saad ni Rennie Grace. "Pinsan, alam kong marami kang connection sa anumang sangay ng gobyerno lalo na sa batas. Kaya't ikaw na muna ang bahala rito. Itatawag ko kung saang hospital kami pupunta." Baling at bilin pa ng pinsang halatang nagpipigil lang din sa emosyon. "Go ahead, Mr Sandoval. Kami na ang bahala rito. Kahit hindi kayo kikilos ay ang pamunuan ng