"KUMUSTA ang pakiramdam mo, anak? May gusto ka bang kainin o inumin?" agad na tanong ni Ginang Princess Ann sa anak nang iminulat nito ang mga mata. "How did you ended up here in United Kingdom, Mommy? Kahit si Hero ay nahagip ng mga mata ko. I do really miss you all, Mom." Imbes na sagutin ang ina ay ibinalik nito ang mga tanong. Tuloy! Ang saviour ng Admiral Commander sa navy ay sumabad! "Kung nagkataong nasa maayos kang kundisyon ay sasapakin kita, Sandoval. Ngunit dahil kitang-kita naman natin ang ebidensiya ng kalupitan ng letseng babae ay saka na lang. Instead, get well soon---" Kaso! "Get up, cousin. Alam kong gustong-gusto mo nang umuwi sa bansa. Kaya't hindi get well soon ang sinabi ko. Ikaw yata ang hinihintay ng mga anak mo upang lumabas sa mundong ibabaw." "Mama, pasensi