"DAMN that woman! Sabi ko na nga ba at hindi siya mapagkatiwalaan eh! Siya ang gagawin kong bala ng nga aerial bombs ng anak ko eh!" Ngitngit na ngitngit ang Mary na hindi naman daw Santa! "Kung hindi nga lang sana nahaharap sa crisis ang pinsan mo or should I say ang buong kampo ay siya mismo ang pumarito. Still, as a mother of Raven Andrew, I'm begging you to help us to win him back for the sake of those babies inside of Scarlette's womb." Pakiusap ni Ginang Princess Ann. "Tita, huwag kang mag-alala. Dahil tutulong po kaming mag-asawa. Pero dala-dala n'yo po ba ang mga travel documents niya? How about that Hero of him? Naisama n'yo po ba?" muli ay pahayag ni Claire. "Yes, hipag. Nandiyan sa labas o sa gate. Nandoon sa mga guard. Mukhang nakapunta na rito si Kuya Raven Andrew dahil nam