"WALA ng ibang mas masaya sa pahayag ninyong dalawa mga anak kung hindi kami ng Daddy ninyo. Sa wakas ay matutupad na rin ang matagal naming inaasam-asam o ang pagsasama ninyo ng tuluyan o ang pagiging mag-asawa," masayang pahayag ni Ginang Princess Ann. "Tama ang Mommy ninyo mga anak lalong-lalo na sa iyo Scarlette Hija. Magkakasama na kami o ang grupo namin nina Pareng Arnold noong bago kami nagsipag-asawa. Ganoon na rin katagal na umaasa kaming may magkagustuhan sa aming mga anak. At heto ngayon, nangyari na nga." "Scarlette Hija, naranasan mo na ang mag-isa. Dahil bukod sa nauna na sa kabilang buhay ang Daddy mo ay binalikat mo ng sampong taon ang pagpapalaki sa triplets. Kaya't sana, anak, pahabain mo pa ang iyong pasensiya." "As you are, Raven Andrew Hijo. Maaring nasa ibang bansa