"ANO ba, twin brothers! Bakit ba kayo nagkalat ng chocolate everywhere? Masri bang iligpit ninyo ang mga iyan?!" Matinis na sigaw ni Maya Camille sa mga kakambal. Subalit dahil hindi agad-agad nakuha ang ibig niyang sabihin ay gumanti pa ng sigaw si Javier Raven. "Bakit ba ang hilig mong sumigaw, kambal?! Dinaig mo pa ang sirena ng mga police sa labas ng bahay ah! Huwag mo nga kaming gawing sinungaling. Aba'y kahit isang butil ng chocolate ay wala akong makita sa sahig. Kung gusto mong kumain ng matamis ay manghingi ka ng maayos kay Ate sa kusina!" anito. At iyon naman ang nadatnang eksena ng mga oldies. "What's happening here, kids? Bakit kayo nagsisigawang dalawa?" agad na tanong ni Ginang Princess Ann sa mga apo. "Si twin sister po kasi, Grandma. Bukod sa sumigaw ng makabasag eardr