HINATID lang ako ni Brain Damage sa cafe kung saan naroon ang kotse ko, suot ko pa ang kaniyang damit at boxer dahil nga pinunit niya ang dress ko. Gusto pa nga sana ako nitong ihatid sa mismong apartment ko, pero syempre tumanggi ako. No way, hindi niya puwedeng malaman kung saan ako nakatira at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Parang masamang damo pa naman siya, hirap magtiwala sa mga ganoong tao. Baka mamaya ay magising na lang ako nang hatinggabi na nasa ibabaw ko na siya at nakahubad na kami pareho. Iisipin ko pa lang ay parang kinikilabutan na agad ako. Posibleng mangyari ’yon kapag pinaalam ko sa kaniya ang adress ko. Para naman akong lamog nang makauwi sa apartment ko. Natulog ako ng 1 PM, at nagising naman ako ng 11:45 PM. Pagbukas ko ng ref ay walang makain. Kaya naman