"MILLIE, hindi pa ba ako pʼwedeng umalis? Two minutes na lang naman before mag—ten ng umaga," tanong ko muli sa kanya.
Nakasilip ako sa aking wristwatch habang hinihintay ang sagot niya sa akin. "Two minutes pa before ten in the morning, Poppy."
"But, you said it ten in the morning ang tapos ng shift natin dito, right? Baka nakakalimutan mo?" sabi ko sa kanya.
"I never forgot what Iʼm saying, Poppy. Gusto ko lang sabihing exact ten tayo aalis."
Laglag panga akong napatingin sa kanya. "Seriously?" Tinignan ko pa siya at tinanguan niya.
"Of course, Poppy. Two minutes na lang naman kaya manahimik ka na dʼyan," madiin niyang sabi sa akin.
Oo nga naman, two minutes na lang naman. Nakayanan ko nga ang two hours na magbantay rito kahit kating—kati na ang puwetan kong umalis, para i—cheer si Kiran.
Actually, wala na pala akong i—che—cheer, mamaya pa muli ang game nila, 11:30AM. Nanalo naman sila sa first game, but nakita ko sa picture na pinost ay nandoon ang mahaderang Esmeray na iyon!
Tsk!
"Poppy? Hey, Poppy? Bakit hindi ka pa tumatayo dʼyan?"
Napatingin ako kay Millie. "What?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Anong what? Tapos na ang shift natin! O, baka gusto mong mag—extend—"
"No way, Millie! Kanina ko pa gustong umalis!" malakas na sagot ko sa kanya.
Two minutes na pala ang nakalipas?
Ang bilis naman pala!
"Akala ko ay gusto mong mag—extend, eh? Kanina pa kita tinatawag, pero iyong isip mo nasa malayo muli... Iniisip mo naman si Kiran?"
"Um..."
"Kahit huwag mo na pa lang sagutin!"
"Hey, Millie, you are so mean! Of course, iniisip ko si Kiran and pinapatay ko naman sa isipan ko ang Esmeray na iyon! Nakita ko sa picture na ito, umeepal talaga siya! Wala ba siyang ginagawa? Hello, President siya ng campus? Ano lumalandi lang? Walang galaw—galaw?" inis na sabi ko at pinakita ko iyon kay Millie.
"President, eh." Kibit balikat niya sa akin. "Nagseselos ka lamang dahil nandoon si Tan sa game kanina, at ikaw ay wala."
Napatingin ako sa kanya. "Ay, wow, Millie! Nandoon din dapat ako kung hindi mo lang ako pinagbantay rito! Eh, ʼdi dapat nailabas ko ang aking cheering power! Pasalamat siya at wala ako! And, anong pake ko, at least, ako kinasal kanina kay Kiran. Siya, hindi! Ay, never! Akala naman niya welcome siya sa wedding booth natin. No way!" madiin na sabi ko.
Kinuha ko na ang aking backpack at lumakad na kaming dalawa ni Millie, pumalit na sa amin sina Kleo and Patricia. "Letʼs eat first muna, Millie. Iʼm hungry na, punta na tayo sa mga food booth!" sabi ko sa kanya.
Nagutom na talaga ako. Nakatanga lang naman kasi ako roon habang kami ang nagtataas ng curtain sa mga papasok ng bride namin. Kinasal na kanina sina Given and Tyler. Dama ko nga ang kilig ni Given kanina. Hinalikan ni Tyler ang palad niya, mabait naman si Tyler and gentleman pa siya. Iyon nga lang walang girlfriend siya dahil focus siya sa studies and sports niyang volleyball, alam ko siya ang captain ngayon.
"Wait, hintayin muna natin si Selena. Nagchat siya sa group chat natin."
Huminto kami rito at tinignan siya. "Doon na lamang natin siya hintayin sa food booth, Millie. Kumakalam na ang sikmura ko." Napahawak ako sa aking tiyan.
"Tiisin mo. Malapit naman na siya. Nagbantay rin siya sa booth nila."
"Ano pala games booth nila? Tinanong ko kasi siya noong Monday, hindi niya alam..." sabi ko sa kanya.
"Basketball... May price rin sila kapag naka—shoot ka ng five balls—"
"Try mo kaya—" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang may marinig kaming boses.
"Hey, kanina pa kayo? Pasensya na! Tinakasan ko na sila! Kanina pa ako nagbabantay roon, bahala sila!"
"Hala! Lagot ka— sabi ko nga, Selena, buti umalis ka na! Nagugutom na kami ni Millie! Tara sa mga food booth!" Hinawakan ko na ang kanyang braso at naglakad na kaming tatlo. "Selena, may nanalo na sa booth niyo? Anong price rin?" tanong ko sa kanya habang papunta kami sa mga food booth, nagugutom na talaga ako.
"Mayroʼn na... Mostly, mga lalaki... Ball ang price namin, then kapag naka—three balls lamang ay ensaymada. Iyong classmate namin ay marunong mag—bake kaya sinama na namin... Gusto naman niya... Para raw makilala ang business ng family niya." Nagkibit—balikat siya sa amin.
Tumango—tango ako sa kanya. "Really? Um, so, hindi ka rin nakanood ng laban ng basketball?"
"Sinasabi ko na nga tungkol doon ang itatanong mo... Hindi. Buong umaga rin akong nasa booth namin, kaya tumakas na ako. Bwisit sila! Tsk! Mukhang panalo naman ang basketball team... Nakita ko iyong pinsan mong si Nikko, ang laki ng ngisi habang hawak ng dalawang tao. Hindi ko alam kung saan dadalhin ang isang iyon."
Nagkatinginan kami ni Millie. "Iyong dalawang lalaki na nakita mo Selena ay may bandana sa buhok nila?"
"Oh, oo! Teka, bibili ako ng rice meal, nagutom talaga ako! Bakit kilala niyo ba sila?"
"Um, gusto ko rin niyan. Fish fillet ang akin... Oo, classmates namin sila... Mukhang ang ni—request ng bride na nandoon sa booth namin ay si Nikko. Kawawa naman ang pinsan ko, pero deserve naman niya iyon. Iyon nga lang for sure may kasunod pa iyon at... Si Marco, nakatago na siya! Kawawa ang mga bride na may gusto kay Marco!" sabi ko at napapailing na lamang.
"Ah, kaya pala may ngisi sa labi niya. Sumbong mo ngayon iyon kay tita Mary!"
Tumango ako kay Selena. Mahirap na maging kalaban siya. Siya lang naman ang nag—iisang pinsan kong babae.
Nang matapos kaming bumili ng food namin, dumiretso kami rito sa garden at dito na rin kami kumain. Ang dami naming nabili halos lahat ng tinda sa food booth ay bumili kami para matikman ang lahat.
Una kong tinikman ay itong rice meal ko na fish filler ang aking ulam. "Oh, itʼs nice! Masarap ang fish na ginamit nila!" saad ko at muling sumubo.
Nagustuhan ko ang lasa.
"Iyong food booth na ito, nalaman kong Chef ang dad ng karamihan sa culinary arts, kaya matic na masarap ang food nila."
Napatango ako sa sinabi ni Millie. "Really? Eh ʼdi mananalo na sila sa main course?" Alam ko kasi ay magkabi ang category sa food booth, may mananalo sa main course appetizer, dessert at sa iba pa.
"For sure!"
Naubos namin ang aming rice meals na sunod na kinain ay itong takoyaki na nabili namin, mainit pa kaya nagkadapaso—paso ang aking dila at bibig. "Ah! Ang init" Binuka ko ang aking bibig at uminom ako ng lemon juice ko. "So refreshing!" saad ko nang mainom iyon, nawala rin ang pagkapaso sa bibig ko.
"Lahat naman sa iyo ay masarap, Poppy."
"Eh, gutom ako, Selena— oh my gosh! Sobrang lucky ko nga today! Tadhana na ang naglalapit sa amin ni Kiran!" Nagningning ang mga mata ko nang makita ko si Kiran na palapit sa amin, habang naka—jersey jacket siya. "Para siyang model na naglalakad palapit sa akin. My future husband," nakangiting sabi ko sa kanila, habang minamasdan ang bawat lakad niya.
"Ang creepy mo, Poppy! Buti na lamang ay pinsan kita."
"Yes! If I were Kiran, Iʼd be worried about what youʼre doing. Youʼre like a stalker in your actions now!"
"True, Millie! Hindi nakaka—girly, Poppy."
Napanguso ako sa sinabi nila. "Really? Buy, I like him—"
"We all know, Poppy. Simula bata pa tayo bukam bibig mo na siya. Pero, umawat ka rin minsan, okay? Nagmumukha ka ng obsess kay Kiran. Ayaw niya sa mga ganoʼng tao."
"Hindi naman ako obsess... Iʼm just happy na makita ko si Kiran. Ilang oras ko siyang hindi nakita, tapos hindi ko man lang siya na—cheer kanina, pero iyong Esmeray na iyon ay nandoon at napasama pa siya roon sa picture na pinost sa fan page ng campus natin! Hindi ako papayag!" angil ko sa kanila. Tumayo ako at kinuha ang ceasar salad. Hindi pʼwedeng hindi ko siya batiin.
"Hey, Poppy, saan ka pupunta?"
Nilingon ko sina Millie and Selena. "Ibibigay ko ito sa kanya. At, iko—congrats siya," sagot ko sa kanila at muling lumakad, hindi ko na sila pinakinggan kahit naririnig ko ang boses ni Selena.
"Hello, Kiran! Congratulations sa first game niyo kanina... Sorry kung hindi ako nakapag—cheer, nagbantay kasi ako ng booth namin. Kaya ngayon na lamang kita babatiin! Napanood ko iyong mga highlights, ang galing mo talaga! Kaye heto, oh, ceasar salad. Sana kainin mo, ha?" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Um, thanks, Poppy. Donʼt worry kakainin ko ito."
Kumabog nang mabilis ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi. "Really? No worries! Kainin mo ito, ha? Manonood ako ng second game niyo! Good luck ulit mamaya, Department of Engineering naman ang kalaban niyo. Fighting! See you later!" madaldal na sabi ko at kinawayan siya. "Kain lang, ha?" Sumenyas pa ako sa kanya at bumalik na muli ako sa table namin.
"May napala ka naman, ha?" Iyon agad ang tanong ni Selena nang makabalik ako.
"Yes! Ngumiti siya nang malaki sa akin at kumabog nang mabilis ang puso ko... Kanina nga habang kinakasal kami, nag—slowmo ang paligid ko. ʼDi ba may tawag doon? Kapag nag—slowmo ang paligid mo, meaning siya na ang the one mo! Kaya sure na sure na akong si Kiran ay para sa akin talaga!" Tinaas ko pa ang aking kamay, para makita ang singsing na sinuot niya kanina sa wedding namin.
I feel confidence na ngayong araw. Tama muli ang hula sa akin, magiging masaya at lucky ako ngayon.
Natapos ang first day ng foundation day namin. Nanalo muli ang basketball team and team Education! Sila ang maglalaban sa finals bukas sa ganap na 8AM. Kaya kailangan kong i—cheer sila Kiran, maiintindihan naman siguro ng Team Educ. kung sa basketball team ako mag—che—cheer.
"Poppy, ngumi—ngisi ka na naman mag—isa. Ano na naman ang gagawin mo bukas? Donʼt tell magpapagawa ka nang malaking banner, ha?"
Gulat akong napatingin kay Selena. "Woah! Paano mo nalaman? Actually, iyon ang pinagawa ko... Kasama roon ang picture nina Marco and Nikko, pero nasa gitna ang picture ni Kiran. Kaya for sure matutuwa sila sa makikita nila!" excited kong sabi.
"Sinasabi na nga bang may gagawin ka!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Selana. "Oh! Ay, may fortune teller booth ngayong taon?" bulalas kong tanong nang makita itong kakaibang booth.
"Oo, mayroʼn. From Psychology course ang booth na iyan," sagot ni Millie sa akin.
"Sayang, hindi ko napansin agad! Naka—focus kasi ako sa game kanina! But, tomorrow morning ay pupuntahan ko ito! Ten naman ang start ng contest, ʼdi ba? Then, 8AM naman ang Championship ng mga sports, ʼdi ba? Tatapusin muna ang mga iyon bago mag—start ang contest, right? Kaya pupunta muna ako rito sa fortune teller booth, tomorrow morning!" sabi ko sa kanila at tinuro ang nasa harap namin ngayon.
"11AM ang start ng Mr. and Ms. Maravilla University, Poppy. 10AM para makapag—ayos na ang mga kasali."
"Ah!" mahabang sabi ko habang tumango sa kanya. "Okay lang, before 7:30AM, pupunta na ako rito. At, saka depende pa naman iyong time kung walang OT sa mga sports bukas. Maaga na lamang akong aalis sa amin!"
"Ayan na naman sa maaga mo, pero 7:30AM tayo aalis sa bahay niyo."
"Basher ka talaga, Selena! Hmmp! Bye na nga, Millie! See you tomorrow" sabi ko sa kanya.
"Maaga kang matulog, at hindi umaga, Poppy! Kailangan mong maging fresh bukas!"
"I know, Millie! I will get my fourth win tomorrow! Bye!" nakangiting sabi ko sa kanya.
Mananalo ako bukas. Makukuha ko ang aking fourth win. Kami muli ni Kiran ang tatanghaling Mr. and Ms. Maravilla University.
Excited na akong makita ang mukha ni Esmeray na ligwak!