THIS is the day, the Foundation day of our campus, Maravilla University. Maaga akong nagising at mabilis akong pumasok sa bathroom ko, ako ang first in line sa wedding booth namin, sinabihan ko na sila Ivan na kunin si Kiran dahil siya ang gusto kong maging groom, sila na raw bahala.
Nagkuskos ako ng aking buong katawan at naglagay rin nang maraming pampalambot para kapag nahawakan ako ni Kiran mamaya, hindi nakakahiya.
"I feel so refreshed!" nakangiting sabi ko at pumasok na ako sa walk—in closet ko. Kahit hindi kami naka—uniform or organization shirt ay pʼwede ngayong araw at bukas.
Napapakunot na ang noo ko habang nakatingin sa mga nakasabit na damit sa akin room, ang dami kong damit, pero wala akong mapili.
Anong susuotin ko?
"Miss Poppy, tapos na po ba kayong maligo?"
Napalingon ako sa door ng aking walk—in closet, lumakad ako sa may pinto na naka—bathrobe, binuksan ang pinto at sumilip. "Um, ate Grace? Can you help me?" pagtatanong ko sa kanya.
"Hindi pa po kayo nakaayos? Eight in the morning ang call time niyo po. Tumawag na po si Miss Selena na papunta na raw po siya rito."
Umiling ako sa kanya. "I canʼt decide kung anong susuotin ko today," sabi ko sa kanya. "Ano bang susuotin ko? Iʼm overwhelming right now kasi this is the day of our foundation day at ngayong araw ay ikakasal ako kay Kiran, fake wedding lang naman. So, need kong maging maganda at presentable sa harap niya, age Grace."
"Miss Poppy, kahit anong suotin niyo ay maganda po kayo. Pero, dapat maging comfortable kayo sa suot niyo. Mag—square pants na lamang po kayo and light top naman po para hindi kayo mainitan. Buong araw kayong nasa labas. And, sa sinasabi niyo naman ay susuotan kayo ng wedding gown mamaya."
" Oh, I like your idea, ate Grace! Dapat light color lamang ang isusuot ko! I go for khaki color of square pants and white and light blue color for my top. Thanks again! Wait a minute, matatapos na rin ako!" mabilis na sabi ko at pumasok na muli sa loob, kinuha ko na ang susuotin ko.
Sinuot ko na ang damit ko ngayon araw at sa makeup ko naman ay naglagay lamang ako ng powder and liptint. Blinower ko rin ang aking hair at saka na ako lumabas.
"Ate Grace, Iʼm done! See! Mabilis lang ako!" malakas na sabi ko nang makalabas ako.
"Mauna na po kayo, Miss Poppy. Tatapusin ko lang po ang paglilinis sa room niyo. Sobrang ganda niyo talaga!"
Ngumiti ako nang malaki sa kanya. "Thanks, ate Grace!" Kinuha ko na ang aking hand bag at bumaba na rin ako, baka kasi dumating na si Selena, mainipin pa man din iyon.
Dumating na kami ni Selena sa campus, nape—feel ko na agad ang Foundation Day dahil sa harap pa lamang ay may design na rin.
" I feel the foundation day vibes here, Selena! So, I got to go! Baka kailangan na ako ni Millie, sa wedding booth namin!" nakangiting sabi ko at nagpaalam na sa kanya.
"Hey, pupunta ako sa inyo, Poppy!"
Narinig ko ang malakas na sabi ni Selena, pero hinayaan ko na lamang siya at mabilis na lumakad papunta sa booth namin. Nandoon na raw si Millie at inaasikaso na nila ang booth namin.
"Hello, Miss Poppy!"
Ngumiti ako nang malaki kay Elle, iyon ang tawag sa kanya. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya, isa siyang role model like Millie, and nakakausap din siya ni Millie. I feel sad for her, narinig ko about sa mga classmate ko and kay Millie na ang dami niyang pinagdaanan. Pero, bilib din ako sa kanya dahil kinakaya niya ang lahat. Nagbigay ako ng support sa kanya. Iʼm sad.
"Hello, Elle! Fighting!" Nakangiti ako nang malaki sa kanya at kinawayan pa siya.
Tumango siya sa akin at lumakad na rin. Sa kanila ang photo booth sa harap ng wedding booth namin. Kaya nakipag—collab kami sa kanila and junior namin sila, weʼre same Filipino major.
"Millie! Guys! Hello, ayos na ba ang lahat? Ako ang first, right? Naghahanap na ba sila Vince?" I asked them nang makarating ako.
"Kanina ka pa namin hinihintay, lalo na sina Ava and Justine, aayusan ka na at marami ang susunod sa iyo, sina Given, Devon, Ashley at ang iba pang classmate natin kaya pumasok ka na rito, Poppy, at magpaayos ka na!" nakangiting sabi ni Millie sa akin, pero ang mukha niya ay nakakatakot.
" Sorry, Millie!" sabi ko sa kanya.
Pumasok na ako sa receiving area namin. Nakita ko roon sina Ava and Justine, maging si Given na inaayusan na ni Justine.
" Finally, you are here, Poppy!" malakas na sabi ni Ava sa akin at pinaupo na niya ako. "Uumpisahan na kitang makeup—an at baka dumating na agad si Kiran, naglilibot na sila Ivan." Nilagyan niya ng headband ang aking buhok at gumalaw na ang kamay niya. Hinayaan ko na lamang si Ava na makeup—an niya ako, sinabi ko naman sa kanya na light makeup lamang.
" Nandʼyan na si Poppy? Nakuha na namin si Kiran—Oh, nandʼyan ka na pala!" gulat na sabi ni Ivan nang makita niya ako.
"Nandʼyan na siya? Really?" excited na tanong ko sa kanya. Nakasuot na ako ng wedding dress na provided namin.
"Oo nandʼyan na! Dalian mo. Sinusuotan na siya ng vest nila Aiko."
Tumango ako sa kanya at humarap kay Ava. "Okay na ako, right? Sobrang ganda ka na ba?" pagtatanong ko sa kanila.
"Of course! Ako ang nagmake—up sa iyo, Poppy! Makeup artist ang mommy ko! Kaya go, lumakad ka na roon para ma—in love lalo sa iyo si Kiran!" Inayos niya muli ang buhok ko at tinulak na ako palabas.
Lumabas ako from receiving area, nakita ko si Millie na nakabantay sa entrance." Good luck! Nandʼyan na siya sa loob, Poppy," saad niya sa akin at binigay ang three roses sa akin.
" I will, Millie!"
Umayos na ako ng pagkakatayo sa harap ng booth namin, nakita ko ang ibang estudyante na nakatingin sa amin. For sure, dadami ang aming client pagkatapos kong magpakasal.
I mean, kasal—kasalan.
Pini—picture—an na ako nina Joey and Rain, sila ang photographer namin at kung gusto nila magkaroon ng photo together, sa harap namin na booth sila pupunta, sa photo booth.
Bumukas na ang white curtain at narinig ko ang tugtog ng Seaching For The Right from Starlight. Sinenyasan ako ni Millie na maglakad na ako habang sinasabayan ang tugtog. Nakita ko sa harapan si Kiran na nakatingin din sa akin.
Oh my gosh! Kumakabog nang husto ang aking dibdib. Ganito rin ba ang nararamdaman ng mga bride habang lumalakad habang palapit sa groom nila?
Ngumiti ako nang malaki at tinignan ang mga classmate ko na nagsisilbing bisita, hanggang dumating na ako sa gilid ni Kiran.
"Um, hi!" Bati ko sa kanya.
Nakita ko ang pagngiti niya, hindi umabot sa mga mata niya. Nahihiya lang siya sa akin.
Shy lang ang future groom ko talaga.
Kinuha niya ang kamay ko. "Hello, Poppy. Salamat dahil ako ang pinili mong maging groom mo," sabi niya sa akin.
Hindi ko mapigilang mapangiti talaga.
"No worries, Kiran! I mean, tayo naman talaga in the future, right? Darating din tayo sa puntong ito, ang marriage," nakangiting sabi ko sa kanya.
Napatingin ako nang makitang wala siyang reaction. "Um, Kiran—" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang magsalita na si Father, ang classmate kong si Christian.
"Magandang umaga sa inyong lahat... Ako si Christian ang magsisilbing tali para sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon, nating lahat... Ngayong umaga ay nakatakda ang pag—iibigan nina Kiran Fortuna and Poppy Everglow," panimulang sabi ni Christian sa lahat." Wala bang tututol sa kasal na ito—"
" Wala, Father!" mabilis kong sagot na siyang pagtingin niya sa akin."Wala talaga. Proceed na po muli!" Ngumiti ako sa kanya at napailing siya sa akin.
"Ikaw, Kiran Fontana, tinatanggap mo ba si Poppy Everglow bilang iyong asawa, at pinapangakuan mong mamahalin, at pagsilbihan siya sa kabuuan ng iyong buhay?"
Napatingin kaming lahat kay Kiran. "Oo, tinatanggap ko siya, Father."
I smiled nang marinig ko iyon. Umaapaw ang aking puso sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.
Napatingin naman sa akin si Father. "Ikaw naman, Poppy Everglow—"
"Yes, Father! I do!" mabilis na sagot ko sa kanya.
"Wala pa patapusin mo muna ako!" Napangiwi ako nang pagalitan niya ako. Nakarinig tuloy ako ng pagtawa sa mga classmate namin. "Ikaw naman, Poppy Everglow, tinatanggap mo ba si Kiran Fontana bilang iyong asawa, at pangakuan mong mamahalin, at pagsilbihan siya sa kabuuan ng iyong buhay?" tanong niya sa akin.
I smiled at him. "Of course, Father, I do! Kahit may maid kami ay pagsilbihan ko pa rin siya!" malakas kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang pag—iling ni Father sa akin. What? May mali ba sa sinabi ko? Nothing wrong naman sa sinabi ko, right?
"Sa pamamagitan ng kapangyarihan na ibinigay sa akin, ay pinapahayag ko na sina Kiran Fontana at Poppy Everglow ay mga kasal na. Mabuhay ang mga bagong kasal!" pamahayag ni Father at binasbasan na niya kami.
Napanguso ako sa kanya at hinihintay na may sasabihin pa siya. "What, Poppy?" mahinang tanong niya sa akin.
"Nasaan iyong, you may now kiss the bride, Christian?" bulong kong sagot sa kanya.
Nakita ko ang pag—iling niya sa akin. "W—walang ganoʼn dito. Humarap ka na roon, pi—picture—an na kayo."
I tsked dahil sa sinabi niyang iyon.
Ngumiting humarap na muli ako kay Kiran at pinicture—an kaming dalawa ni Rain. "Kasal na tayo today, Kiran!" nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. "Um, Poppy, I need to go... Mag—uumpisa na ang first game namin today."
Nawala ang ngiti ko at tinignan siya. "Um, okay! Pupunta ako mamaya to cheer you, Kiran! Magpapalit lang ako..." sabi ko sa kanya at tinuro ang suot kong wedding gown. "Kaya see you later! Win, okay?" dagdag ko pang sabi.
Tumango siya sa akin at hinubad na niya ang vest na suot niya. "Thanks!" Yumuko siya sa akin at lumakad palabas ng aming booth.
Humarap ako sa kanila. "Um, he need to go... May first game na sila! Kaya I need to change my outfit na rin! Bye!" Lalakad na sana ako papunta sa receiving area nang mapatingin ako kina Rain and Joey. "I need our picture, guys! Kukuha agad ako ng copy!" sabi ko sa kanila.
"Sure, Poppy!"
"And, pakisabi sa photobooth, pasensya na kung wala kaming photo ni Kiran sa booth nila. Next time... Oh, pʼwede namang ako na lamang mag—isa."
"Thatʼs good idea! Lumabas ka na dahil, papasok na sina Tyler and Given!" pagtataboy sa akin ni Ivan.
Aba, bwisit ang lalaking iyon!
Dumaan na lamang ako sa receiving area at doon ako lumabas para makapunta ako sa photobooth. Inasikaso agad nila ako at ako ang buwena mano nila. Ginamit ko ang just got married na sign at iba pa, inubos ko ang thirty minutes ko at saka lumabas sa photobooth nila, kumuha ako ng ten copies of my pictures at ang isa ay nilagay ko sa memories board nila.
"Thanks, Miss Poppy!"
"No worries, Elle! Tinutulungan namin kayo cause senpai niyo kami! Good luck sa booth!" Napalingon—lingon ako sa paligid. "I-charge mo ng 300 pesos ang mga sasabak dito sa photobooth, 250 peso ay mura lamang iyon sa kanila. Trust me!" bulong ko kay Elle at lumabas na ako sa booth nila.
Ang gaganda kasi ng mga props nila kaya 250 pesos ay sobrang mura, then ten pieces of photos pa ang makukuha nila.
Lugi!
Nakapagpalit na ako ng aking suot at pʼwede na akong mag—cheer kay Kiran myloves! "Hey, Poppy, saan ka pupunta, ha?" Hinawakan ako ni Millie nang paglabas ko sa receiving area.
"Um, sa court... Magche—cheer kay Kiran," sabi ko sa kanya. "At, sa maging mga player natin sa basketball... Cheer! Go! Go, Educ! Kaya alis na ako, Milli—ie. Why?" tanong ko sa kanya, hinila niya muli ako.
"Magtatao ka rito, ʼdi ba? Baka nakakalimutan mong 8AM hanggang 10AM kang duty, pagkatapos ng kasal—kasalan mo kay Kiran, tayo na ang magbabantay kaya hindi ka pupunta sa courts or kahit saan. Magbantay ka rito, or, tutulong ka kina Ava and Justine sa loob. Mamili ka?" nakangiting sabi ni Millie sa akin.
" Pʼwede bang wala akong pilii— Oo na, magdu—duty na ako! Pero, after ng duty ko, pʼwede na akong mag—cheer, ha?" sabi ko sa kanya.
"Sure! Kahit samahan pa kitang mag-cheer! Kaya tumao ka na roon!" pagtataboy niya sa akin.
Grabe si Millie! Wala man lang paawat sa best friend niya, ano?