“ANONG nangyari rito, Millie? Bakit malungkot ang isang ito? Kanina lamang ay hyper nito.”
“Hindi niya nakausap si Kiran... Umepal si Esmeray.”
“Hoy, anong minumukmok mo dʼyan, Poppy? Nakausap at nakasama mo naman si Kiran kanina. Na—solo mo nga! Hayaan mo ang Esmeray na iyon, paepal lagi ang isang iyon!”
Napatingin ako kay Selena and I pout my lips. “Iʼm mad, Selena and Millie!” madiin na sabi ko sa kanila at kinain itong food ko, sweet barbecue with sweet mashed potato and slices of cucumber. “Buti pa itong barbecue na kinakain ko ay sweet... Si Kiran hindi!” Mukmok ko pang sabi at kumagat muli.
“Hey, ano bang mina—mad mo dʼyan, ha? Nakasama mo naman si Kiran kanina... Dahil sa iyo muntik pa akong na—late sa first subject namin, puro ka kasi Kiran!” Himutok na sabi ni Selena.
“Ah, kasama ka pala ni Poppy na manood ng practice game ng basketball team?”
“Oo, Millie! Malay ko baka may gawin ang isang ito kay Kiran kapag mag—isa lamang siya.”
Tinignan ko silang dalawa. “Hindi ako mad dahil umepal ang Esmeray na iyon, mas pretty naman ako sa kanya at matalino rin naman kumpara sa kanya, pero kapag kinumpara ako sa inyong dalawa, I know nasa mid smart lang ako... But, I saw her, sheʼs smirked at me and she even hugged Kiran's arm!” Naiinis kong sabi sa kanila.
“Esmeray?”
Tumango—tango ako sa kanila. “Yes! Ningisihan talaga niya ako at nakita niyang lalapitan si Kiran, kaya umepal siya! Ang laki ng inggit niya sa akin, Millie and Selena!” Sumubo muli ako ng food ko, nagugutom na ako ang dami naming ginawa for our wedding booth.
“Are you na ningisihan ka talaga niya?”
“Yes! Selena! Sheʼs mocking me! Kaya siguro ganoʼn siya dahil nakasama at nakausap ko si Kiran kanina... Inggitera talaga siya!”
“I heard kay dad na lumalago ang business ng mga Tan... Kitchenware. Iyon kasi ang uso yata ngayon dahil halos lahat ay nagluluto at may business na karinderya.”
Napatingin kami kay Millie. “Oh, really? Kaya pala yumayabang siya! I donʼt like their kitchenware, the Tan—ware Company! Madali kaya magasgasan iyong caserole nila, sabi ni Nanay Wendy, ang cook namin. Tapos iyong non—sticky pan nila, hindi naman daw non—sticky talaga... Kaya hindi na kami bumili. So, bakit lumalago ang business nila?” Again, totoo ang sinasabi ko. Never akong nagsinungaling.
“Mura kasi, Poppy. And, alam ko nagbibigay rin sila ng mga free sample sa mga influencer sa facetagram para ma—i—promote.”
Napangiwi ako sa sinabi niya. “Ay, ganoʼn? Buti pa sa business namin, ako ang nagpo—promote at iyong ibang gumagamit ay nagbibigay sila ng magandang feedback kapag bumibili sila kaya lumalaganap ang videos sa ganoʼng maraming bumibili. May pa—free sample naman din kami but sa mga brand ambassadors namin,” sabi ko sa kanila.
“Hay, naku! Huwag na natin pag—usapan ang Esmeray na iyon! First time lang naman nila maranasan lumago ang business nila! Ang kneed natin pagtuunan pansin ay ikaw, Poppy!” Tinuro ako ni Selena.
Tinuro ko rin ang sarili ko. “Me? Why me? May ginawa ba akong kasalanan? Whole weekends ay nasa bahay lamang ako at pumunta sa photoshoot ko, thatʼs it! Kaya anong mayroʼn sa akin?” pagtatanong ko.
Naubos ko na rin ang aking food. Sobrang sarap talaga ang food dito sa canteen.
“Hindi iyon ang pinupunto ko... Iyong Mr. and Ms. Maravilla University, handa ka na ba ulit sa fourth win mo, ha?”
Ngumiti ako sa kanila at napasandal sa aking upuan. “Um, of course, Iʼm ready! Ready na rin sila Millie. May costume na ako and my gown na akong susuotin, si mom ang nag—ayos ng aking gown. Ready na ulit akong suotan ng crown and sash, maraming sash!” nakangiting sabi ko sa kanila at kumaway pa ako. “Gusto ko man manalo si Tyler, but for sure si Kiran na naman ang Mr. Maravilla University this year, kami na naman!”
Nakita ko ang tinginan nilang dalawa kaya ngumiti ako. “Hmm... Anong mayroʼn? Bakit nagtitinginan kayong dalawa?” takang tanong ko sa kanila.
Narinig ko ang pag—sighed ni Selena. “Hindi mo pa naririnig ang tungkol doon?” Ngumiti lamang ako sa kanya.
I don't know what sheʼs talking about.
“Esmeray Tan, kasali sa Mr. and Ms. Maravilla University, Poppy. Ka—partner niya si Kiran Fontana, sila ang matunog na kalaban mo ngayong taon.”
My smile disappeared when I heard what Selena said.
“What? Is she participating in the competition? How did that happen? She is the President of the campus! That's not allowed, isn't it?” Naguguluhan kong tanong sa kanila.
Since pumasok ako rito sa Maravilla University, hindi pʼwede sumali ang mga officer sa mga activities na mayroʼn ang campus, kaya bakit naging ganito?
“Nagkaroon ng memo last Thursday, Poppy, iyong mga officer ay pʼwede na mag—join sa mga contest and competition na sakop ng campus,” sagot ni Millie.
My lips parted because of what she said. “So, what I heard from her earlier was correct? So, pinaparinggan pala niya ako kanina? I thought it was just a bluff!” I was suddenly annoyed when I remembered what she said again.
Mananalo raw silang dalawa kanina.
“Pinaparinggan?”
I nodded them. “Yes! Kanina nang kunin niya si Kiran... Sinabi niya na mananalo silang dalawa sa contest. Siya raw ang mananalo bilang Ms. Maravilla University, akala ko binu—bwisit lamang niya ako kasi friend na naman niya ang sasali, pero siya na pala!” sabi ko sa kanila. “But, I donʼt care! Anong pake ko kung siya ang kalaban? Wala naman siyang karanasan sa pageant, and matalino nga siya pero madadala ba niya iyon? Ako, beauty and brainy din naman!” Taas—noo akong tumingin sa kanila at kumaway. “Ready na muli akong kumaway sa Friday Night at ngumiti nang napakalaki habang tinitignan ang mga estudyante na manonood. Kaya, wala akong pake sa kanya kung kalaban ko man siya!”
“Tama iyon, cousin! Tutulungan ka namin ni Marco! Siyempre pinsan ka namin! Ikaw ang inaalok namin sa Engineering building at CBA!” Napataas ako ng tingin at nakita ko sina Marco and Nikko. Naupo sila sa tabi namin. “Makiki—table na kami sa inyo!” saad pa ni Nikko, si Marco kasi ay tahimik.
“Hello, Milliscent and Selena!” nakangising bati niya sa dalawa.
“Nandito na naman kayo! Pagtitinginan na naman kami!”
Asoʼt pusa pala sina Selena and Nikko, hindi ko alam kung bakit, pero since bata pa kami. Pinsan ko si Selena sa side ni dad at pinsan ko silang dalawa sa side ni mom kaya magkakakilala na kami.
“Ganoʼn talaga kapag gwapo... Anyway, si Tan nga ang pambato sa CBA, pero ang iba ay ayaw sa kanya kaya hinikayat ko ang iba na iboto ko. May isang sash ka na agad, cousin, Ms. Popular in Maravilla University. Ganoʼn din si Marco pino—promote ka rin niya!”
“Thanks, Nikko and Marco! May isang sash na ako!” Kunwari may nilagay akong sash sa aking sarili.
“Ang problema na lamang ay ikaw mismo, galingan mong sumagot, Poppy—aray!”
Pinalo at kinurot ko siya. “Matalino ako! Kaya ko iyong question and answer, bwisit ka!”
“You curse!”
“Subukan mong magsumbong.” Tinakot ko siya.
Epal talaga itong si Nikko, minsan sweet, minsan abnormal.
“Kaya ni Poppy ang mga tanong... Iyon nga lang, huwag hahaluan ng Math.” Narinig ko ang pagtawa nila.
“Kaya nga hindi Math major ang kinuha ko, ʼdi ba? Filipino major ako! Anyway, mananalo pa rin ako sa Friday Night, kaya dapat may nakahanda na kayong banner, ha? Iyong may fourth crown and record breaking of Ms. Maravilla University, Poppy Leta Carpe Everglow!” malakas na sabi ko at ngumiti ako nang napaka—sweet.
“Oo na, magpapagawa na kami agad. Kahit maliliit na banner ay gagawa na rin kami.”
“Thanks, guys! I'm feeling my fourth win!” Sobrang taas ng confidence ko, iyon kasi ang natutunan ko sa grandparents namin both side.
Bumalik na muli kami sa pag—aayos ng aming wedding booth, kahit mainit ay nag—aayos pa rin kaming lahat, every details ay must have para maging maganda ang aming wedding booth at manalo kami sa may maganda booth ngayong taon.
Dumaan ang dalawang araw, Wednesday na ngayon, heto na ang huling araw para ayusin ang aming wedding booth. Tapos na kaming mag—drawing at inaayos na lamang namin ang small details. Lalo na ngayon na church wedding ang theme namin bukas at sa Friday ay garden wedding naman kami, iyong mga props for garden wedding ay nasa room namin.
Napatingin ako sa kabuuang wedding booth namin, naitayo na namin ang walong haligi ng church namin, nilagyan namin ng design iyon para maging poste ng simbahan. Ang mga upuan naman ay white and blue ang kulay ng sapin at sa anim na upuan na nasa magkabilang na lakaran ng aisle ay nilagyan namin ng bulaklak, fake flowers na ang ginamit namin para hindi sayang, malalanta rin kasi. Iyong hanging flower pot naman ay sinabit na namin kasama ang white curtain. Sa labas naman ng aming booth may white curtain na hihilain namin kapag dumating na ang groom. After that, ay babaguhin naman namin ang design at magiging white and green naman, for garden wedding.
“Handa na tayo bukas, guys! Kaya lahat ng gamit ay i—secure na, okay?” malakas na sabi ni Millie nang mailagay na ang name ng booth namin.
FILI—Wedding Booth
“Sana manalo tayo best in booth this year! Pinaghandaan natin ang booth natin ngayon taon! Last na year kasi natin!” natatawang sabi ni Ivan.
Heʼs correct! Last year na namin dahil next year ay ga—graduate na kami rito sa Maravilla University.
“Poppy, bukas ay mag—chill ka muna, ha? Pero, sa Friday, kailangang maging ready ka na. Mr. and Ms. Maravilla University.” Tinapik ako ni Millie.
“Poppy, donʼt worry! Hindi ka namin nakalimutan! Kabog ang costume mo sa Friday, paniguradong makukuha mo na naman ang Best in Costume! Hindi kasi nagpatalo itong si Millie!” Tinuro ni Patricia si Millie.
“What? Pride natin iyon? At, hindi lamang tayo ang gumawa, buong Education ang nagtulong—tulong para magawa ang costume na iyon. Kaya sa Friday ay relax ka lamang, kami ang bahala, whole CED ay magche—cheer sa iyo!”
I smiled to them. “Iʼll promise, mananalo muli tayo!” sabi ko sa kanila.
Yes, mananalo muli ako. Lalo naʼt ayokong matalo sa Esmeray na iyon.
Never!