CHAPTER 4

1515 Words
"GOOD morning, guys! Poppy is here!" malakas na sabi ko nang pumasok sa classroom namin. Parang akong model na pumasok kahit late na ako. Exactly itʼs ten in the morning ayon sa smart watch ko na from Black Technology Company. Kalaban ito ng Lazaro and I donʼt know the other one. “Bakit ngayon ka lang, ha? Muntik ka ng ma—late at tapos na ang meeting natin for foundation day this week.” Napangiti ako kay Millie at naupo sa tabi niya. “Sorry, pumunta ako sa gym dahil practice day ngayon ng basketball team. And, kahit wala ako ay kaya niyong lahat ng iyon,” sabi ko sa kanya. “Poppy, nandoon ang twins cousin mo?” I saw Devon and Ashley's eyes sparkling right now. “Yes, of course! First five ang dalawang niyon. Hindi niyo pa rin ba sila friends sa facetagram? Wait, gusto niyo bang ikasal kayo sa kanila this foundation day?” tanong ko sa kanila at humarap ako sa likod. “Pʼwede?” pagtatanong ni Devon sa akin. Tumango ako. “Of course! Sasabihan ko silang walang i—e—entertain na ibang girls sa Thursday. Sa Thursday ang kasal niyong dalawa!” Nakita ko ang pagkilig nila dahil sa sinabi ko. “Thanks, Poppy! Asahan namin niyan, ha?” “Kailan pa ako naging talkshit at walang isang salita, ha? Of course, gagawin ko! Kaya be ready!” nakangiting sagot ko sa kanila. “Ava! Justin! Makeup—an niyo kami sa Thursday ni Devon, ha! Kami ang bride nina Marco and Nikko! Double wedding kaming apat!” I smile nang marinig ang sinabi ni Ashley. “Hey, baka umasa sina Ashley and Devon, Poppy. Alam naman ng lahat ng woman hater ang dalawang iyon,” bulong ni Poppy sa akin. “Trust me, Millie. Kapag ako ang humingi ng pabor sa kanila, hindi sila tatanggi. Saka woman hater? Pabibo lang mga iyon. Kanina nga may tatlong babaeng nag—aabang sa kanila. Kapag maraming tao kunwari ay woman hater sila.” “Basher ka talaga ng mga pinsan mo.” “Totoo lang naman ang sinasabi ko.” Totoong tao kaya ako. Hindi ako marunong magsinungaling. Dumating ang mga Professor namin na wala raw class para raw ayusin ang aming booth kaya nagpa—attendance na lamang para ipasa ang lesson sa email namin, kaya pagkatapos nu'n ay lumabas na kaming lahat pumunta sa quadrangle. Nadatnan namin ang mga kaklase namin na nilalagyan naʼng tent ang aming booth, wala pa lang tent na nakalagay pa, typical na hinati lamang at nilagyan ng chalk sa semento para malaman kung hanggang saan ang sa inyo. “Millie, your here! ʼDi ba, hindi na lalagyan ng tent? Church wedding ang ganap natin, right? Then, sa second day ay garden wedding naman!” Nakita naming nagtatalo sila. “Lalagyan ng tent! Paano magbibihis ang girls, ha? Saka, ima—makeup—an pa sila! Hindi sila pʼwedeng makita ng groom!” Nag—aaway sila about doon. “We know! But, malaki niyang tent na nakuha niyo!” “Okay lang iyon para hindi rin mainit. Bakit wala bang bubong ang simbahan, ha? Sa garden wedding naman, gusto niyo bang himatayin kayong tatayo bilang sakristan at abay? Mainit kaya! Walang bubong itong quadrangle natin!” Napatango ako sa sinabi ni Ivan. “Heʼs right, Given. Baka ma—heat stroke tayong lahat. Lagyan na lamang natin ng design para magmukhang simbahan at garden wedding ito. Iyong half naman nito ay for dressing room, gaano ba kalaki ang sasakupin?” Umeksena na ako dahil na—i—stress na rin ako sa kanila. Lahat pala ng nandito sa quadrangle ay booth lamang at ang food ay nasa tapat ng mga building ng bawat course. Iyon ang narinig ko sa announcement ni Millie last week. “Are you sure?” Tumango ako sa kanya. “Of course! I can draw! Ako na bahala sa garden wedding design natin. Sa magkabilang gilid ng tent ay lalagyan natin ng drawing na may grass and flowers, then sa itaas naman ay mga nakabitin na flower pot.” Tinuro ko sa kanila ang balak kong gawin. “Mas better kung totoo talaga... Magdadala na lamang ako ng hanging flower pot, Poppy! We have flower shop,” saad ni Melinda, siya ang magdadala ng flower bouquet sa mga bride. “Thatʼs good idea! We need din ng white curtain para ilawit dito habang nakasabit din ang hanging flower pot natin. At iyong white and red carpet. Even sa chair, we need to decorate our chair too, lalo na ang upuan ng bride and groom!” I visualize the whole wedding booth. Ang dami kong nakuhang magandang idea sa mga movies and series na napapanood ko. “Ako na bahala sa garments! We have pabrika!” Si Summer ang nagtaas ng kamay. “Tapos na tayo sa garden wedding na for Friday. How about sa church wedding talaga na for the Thursday?” tanong ni Ivan. “We need a karton at didikitan natin iyon ng white cartolina at doon tayo mag—da—drawing ng magiging haligi ng ating church. Katulad nito.” Pinakita ko ang aking phone sa kanila at nakita nila ang tinutukoy kong design. “I like your idea, Poppy!” “Tutulong kami sa iyo, marunong kaming mag—drawing din. Gagayahin na lamang namin ito. Pʼwede mo bang ipasa sa amin iyan?” Tumango ako at sinend ang picture sa group chat namin. “I send it sa group chat natin. Then, ang problema natin ay iyong INRI para masabing nasa simbahan talaga. I—drawing na rin ba natin? Or, sculpture?” I asked them. “No need for that. Dadalhin ko ang amin. Maraming INRI sa bahay. My grandparents is religious person, nagpaalam na rin ako sa kanila basta iingatan na lamang daw.” Napatingin kami kay Millie na nag—ko—command na ngayon para itayo ang tent at kalahatiin iyon para sa standby area ng mga magiging bride namin. “Okay pa ba pala ang lahat, letʼs do this!” malakas na sabi ni Ivan at tumango ako sa kanila. Ang dami naming gagawin dahil maging ang table ng Father namin ay gagawin lamang namin, except sa upuan, manghihiram kami. Inaayos naming mga girls ang pʼwesto ng receiving area. Si Justine and Ava ang nagde—decide kung ayos na ba ang space sa kanila, sila ang make up artist namin. “Um, Ava and Justine, iyong makeup pala ay bukas ko dadalhin... Mamaya pa lamang kasi dadalhin sa bahay. But, promise, tomorrow talaga!” Tinaas ko ang aking kanang kamay sa kamay. “Sure, Poppy. Sa Thursday pa naman ang foundation day talaga. Itago na lang muna natin sa classroom ang mga iyon, as in tago na tago. Alam naman naming popular ang makeups niyo,” nakangising sabi ni Ava. “Thanks!” sagot ko sa kanya at binuksan ko ang bintana para may hangin na pumapasok dito sa receiving area namin. “Magdadala ako ng de—chargeable na electric fan. Mainit dito kapag tanghali na, baka malusaw agad ang makeup ng mga bride.” Napatingin ako sa paligid, mainit. Hindi ko rin kakalimutang magdala ng e—fan too. “Thanks! Breaktime na muna tayo! Mainit na rin kaya iyong iba na magda—drawing ay umakyat na lamang muna sa room natin at doon gumawa.” Tumango ang lahat sa sinabi ni Millie kaya maging ako ay tumigil. Nakaramdam na ako ng gutom. “Poppy, naghihintay na si Selena sa canteen. Tara na!” tawag niya sa akin. Inayos ko ang aking buhok at tumango sa kanya. “Okay—wait! Millie, nakita ko si Kiran! Lalapitan ko muna siya!” mabilis na sabi ko at iniwan siya roon. Nag—twinkle ang mga mata ko nang makita ko si Kiran na naglalakad, habang may nakalagay na towel sa kayang balikat, iyon kasi ang towel na dinala ko at pinunas ko sa kanya kanina. Ah, hindi niya iniwan ang towel. Mahal niya talaga ako! “Kira—” Tatawagin ko na sana ang pangalan niya nang biglang may tumawag din sa name niya. “Kiran, youʼre here! Tapos na ang practice niyo? Need na natin mag—practice for Mr. and Ms. Maravilla University!” I heard it loud and clear. Kumbaga sinasadya niyang iparanig sa akin. Nakita ko ang pagtingin ng babaeng tumawag kay Kiran at umepal sa quality time namin, si Esmeray ang President ng Campus. “This year, ako ang mananalo as Ms. Maravilla University. Tayo ang mananalo this Friday!” nakangiting sabi niya pero ang tingin niya ay nasa akin. Ako ba ang pinaparinggan niya, ha? Mananalo siya bilang Ms. Maravilla University? No way! Ako ang mananalo at magkakaroon ng record na pinaka—maraming panalo bilang Ms. Maravilla University. Saka, hindi naman siya kasali! Ako lang! Panget mo, Esmeray! Bwisit ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD