CHAPTER 3

1679 Words
Tahimik na ang buong byahe namin, walang nagsasalita sa amin lalo na si kuya Benjamin na minsan ay maingay rin dahil kinu—kʼwento niya sa akin ang balitang nangyayari sa buong Pilipinas, minsan may tsismis pa siya. "Kuya Benjamin, thanks po ulit sa paghatid!" nakangiting sabi ko sa kanya at lumabas na ako sa kotse. Nakarating na rin kami sa Maravilla University pagkatapos ng kalahating oras na nasa sasakyan, but for me parang kalahating araw yata akong nasa car dahil sa katahimikan. "Wala po iyon, Miss Poppy! Oo nga po pala, Miss Poppy, bago po kayo lumabas, magiging swerte po kayo ngayong araw. Ayon sa horoscope niyo po," nakangiting sabi ni kuya Benjamin. Namilog ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. "Really? Oh, thanks, kuya Benjamin! Lucky ako today!" malakas na sabi ko at bumaba naʼng car namin. "Anong sinabi ni kuya Benjamin sa iyo, ha?" Tinignan ko si Selena at ngumiti nang malaki. "Lucky ako today sabi ni kuya Benjamin! Gagamitin ko ang pagiging lucky ko ngayong araw!" sagot ko sa kanya. "Really, ha? Naniniwala rin pala siya sa horoscope." "Yes! And, sinabi ko rin sa kanya na tignan ang horoscopes ko everyday. Kaya nakasanayan na rin niya... Oh, siya, alis na ako, Selena! See you later!" nakangiting sabi ko at kinawayan siya. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako. "Hey, saan ka pupunta? Alam kong may halos kalahating oras ka pa before ng class mo, pero pumasok ka na rin sa classroom niyo. Nandoon na si Millie, pinag—uusapan ang magiging booth niyo!" Napanguso ako sa kanyang sinabi. "Ay, alam ko! Nakita ko ang chat nila sa group chat namin, pero alam naman ni Millie kung nasaan ako," sagot ko sa kanya. "Oh, by the way, Selena, anong booth ang gagawin niyo? Sa tourism?" tanong ko sa kanya. "Games booth kami. I donʼt now kung ano ang binabalak nila. Sa inyo ay wedding booth, right?" Tumango ako sa sinabi niya. "Ako ang nagsuggest!" proud na sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako gamit ang mga mata niyang mapanghusga. "Because of Kiran?" Tumango ako sa kanya. "Pupunta ka rin sa gym ngayon bago ka tutungo sa classroom niyo?" "Wow, Selena! Manghuhula ka ba? Ang galing mo, ha! Mag—fortune booth na lang kaya kayo, tapos ikaw ang manghuhula!" manghang sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako nang masama kaya napanguso ako. "Bakit umaasa ka pa rin ba dʼyan kay Kiran, ha, Poppy?" Nakapamewang na siya sa harap ko at mukhang uumpisahan na naman niya akong sermunan. "Crush ko siya. Then, noong mga bata pa tayo lagi kaming magkasama. Nangako rin kami na ako ang magiging wife niya kapag lumaki kami... Malalaki na tayo at malapit na rin tayong grumaduate sa college, next year na iyon!" Totoo ang sinabi ko. Naalala kong nangako si Kiran sa akin. Both of our parents were friends. "Umaasa ka pa ring tutuparin niya iyon?" Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. "I mean, tara na. Sasamahan kitang pumunta sa court. May oras pa rin naman ako for our first subject, sabay rin ang class natin ng MWF!" sabi niya at hinila ang kamay ko. Napangiti ako nang malaki sa kanya. "Yiee! Siguro may crush ka rin sa basketball team, Selena, ano? Kunwari ka pa!" Tinignan niya ako nang masama, kaya napatahimik ako. "Sabi ko nga, magku—quiet na ako." Zinipper ko ang bibig ko at sumunod sa paglalakad ni Selena. "Hindi ko alam kung bakit sumama ako ngayon sa iyo, Poppy!" Ngumiti ako kay Selena habang pumapalakpak ako, nandito na kami sa court at naabutan namin silang naglalaro, practice game ng team 1 at team 2. Ibig sabihin ay labanan ng first five sa reserve player. "Hindi ko alam sa iyo... Pʼwede ka pa namang umalis at bumack—out, Selena! Kaya ko naman mag—isa!" malakas na sabi ko sa kanya at napatili nang malakas. "Kiran!" Napatingin siya sa akin kaya kumaway ako sa kanya, nakita ko ang pagngiti niya sa akin. My heart beat faster nang ngumiti siya sa akin kaya napalingon ako kay Selena. "Ningitian ako ni Kiran, cousin!" Kinikilig na ulat ko sa kanya. Nag—iinit ang magkabilang pisngi ko, sinasabi ko na nga ba ay gustong—gusto niya rin ako. "Tinanguan ka lang niya, Poppy. Ngumiti nga rin ang mga twins cousin mong sina Marco and Nikko, hindi mo ba nakita?" Marco and Nikko is my twin cousin sa side ni mommy. Ka—age ko lamang silang dalawa and parehas din silang basketball players ng Maravilla University. “I know but my eyes is focus only to Kiran! Mamaya ko na i—che—cheer sina Nikko and Marco!” Bumalik muli ang tingin ko kay Kiran at muli siyang naka—three points. “Yay!” Napatalon ako dahil doon. “Para sa akin iyon!” sabi ko kay Selena. “Hey, Poppy, huwag ka ngang OA. Practice game lang nila ito, grabe ka makapag—cheer akala mo ay championship,” iritang sabi niya, pero deadma ako sa basher na tulad ni Selena. Hindi pa rin ako nagpatalo sa pagche—cheer kay Kiran at pumapalakpak ako at napapatili na rin hanggang matapos na ang game nila, kanina pa sila naglalaro. “Poppy, ten minutes before the bell. Kaya tara na! Kailangan na nating pumasok.” Narinig ko ang sinabi ni Selena. “Wait! Puntahan ko lang si Kiran. Kakausapin ko siya then alis na tayo... Puntahan mo na rin ang basketball player na crush mo! Bye, Selena!” Mabilis akong lumakad nang makitang tatarayan na naman ako. Lumapit ako kay Kiran na nakaupo sa isang bench at nakalagay ang towel sa ulo niya. “Hello, Kiran! Naghahanda na ba kayo sa Foundation day? This week na iyon... Ano pala ang class booth niyo? And, panlaban ka pa rin ba sa Mr. and Ms. Maravilla University, ʼdi ba? Sana tayo ulit manalo, fourth win in a row!” nakangiting sabi ko sa kanya nang magpahinga na sila. Close ko iyong coach nila rito. Siya pa rin kasi ang coach ng basket ball team namin, si coach Dudut! Siya rin ang coach nina kuya Sunniva and kuya Zyran kaya sanggang dikit kami ni coach Dudut. “Um, yes, Poppy. We are getting ready for foundation day and the sport competition of the elite campuses. We have to win, it would be a shame for kuya Sunniva and kuya Zyran, if the win streak they built since they studied here is broken because of us in our batch. Baka wala na kaming mukha na maiharap sa kanila once na magpakita sila rito sa gym.” I saw the nervousness in his eyes. I patted his shoulder. “Don't worry, Kiran! Naniniwala sila kuya Sunniva na kaya mong maging captain, Kiran! So just go! I will support you even if we fight each other in the coming foundation day, you know... My course is education, then yours is Business course,” sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang towel at nakita ko ang masamang tingin ni Selena, dineadma ko siya. Napatingin ako sa kanya, akala ko kasi ay umalis na siya. “May pawis ka, Kiran!” Tinuro ko ang noo niya, pupunasan ko sana iyon nang hawakan niya ang kamay ko. “A—ako na, Poppy. Nakakahiya naman.” Tumibok nang mabilis ang puso ko nang ngumiti siya sa akin. Para talaga siyang anghel na nahulog sa lupa dahil hindi na kinaya ang ka—gwapuhan at kabaitang taglay niya. “Itʼs okay, but here the towel. Bagong business namin iyan. Para niya sa mga girls and boys na madaling magkaroon ng pawis or pawisin,” sabi ko sa kanya habang pinupunas na ang towel sa mukha niya. “Absorbent niyan!” Tinuro ko pa iyon. “Hey, Poppy! What about us? Pahingi ng towel na katulad niyan. Pawis din kami!” Napalingon ako kay Marco nang marinig ang boses niya, nakita ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. “Um, sorry, Marco and Nikko... Isa lang ang dala ko. Bukas magdadala ako sa inyo. And, for sure nagbigay na si mom kay tita Mary. Ask tita Mary na lang, okay?” sabi ko sa kanila. “Oh, may mga fan din kayong dumalaw. Puntahan niyo na sila!” Pinagtataboy ko sila dahil epal din itong dalawang ʼto. Tinignan pa ako ni Marco. “Bigyan mo rin kami bukas, ha! Pupuntahan ka namin sa room niyo kapag wala kang binigay!” babalang sabi ni Marco at nag—jogging siya papunta sa tatlong babae. “Argh! Nakakainis talaga ang kambal na iyon... Inaaway ka ba nila, Kiran? Alam mo na baka hindi ka binibigyan ng bola nina Marco and Nikko.” Umiling siya sa akin. “Hindi naman, Poppy. Mabait naman ang dalawa sa akin... Um, tinatawag ka na yata ni Selena,” nakangiwing sabi niya sa akin at tinuro ang likod ko. Nakita ko nga si Selena na sumesenyas na sa akin. “Three minutes before the bell.” Basa ko sa bibig niyang bumubukas. “Oh my gosh, I need to go na, Kiran! See you later!” nakangiting sabi ko at mabilis na umalis sa harap niya. “Ang tagal mong makipag—usap sa kanya, ha? Mala—late na tayo parehas sa first subject,” sermon niya nang makabalik ako. Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Pʼwede namang mauna ka ng umalis— sabi ko nga need na natin magmadali,” sagot ko sa kanya. Ang taray talaga ni Selena. Kaya para kina grandpa and grandma, ako lang ang apo nilang babae dahil lalaki kumilos itong si Selena. “Umakyat ka na, Poppy! Dumiretso ka na sa room niyo, huwag ka na magde—detour pa. Isusumbong kita kay tito Zyran!” Tinakot pa niya ako. “I know! Ayoko ring ma—late. Ayaw ni Kiran iyon. So, bye, Selena! See you later sa lunch break!” sabi ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD