TINAWAG na ako para pumunta sa harap kung saan sinasagawa ang aming kasal, tapos na maglakad ang mga bridesmaids, groomsmen, and iba pang kasali sa kasal namin. Huminga akong malalim dahil ilang saglit lamang ay ako na maglalakad. Ginanap ang aming kasal dito sa side kung saan sinabi ni daddy Kaladin kanina na under construction pa raw, kaya pala may hinala ako rito kanina. Inaayos pala nila ito para sa kasal ko. “Mrs. Blackwood, kayo na po maglalakad. Again, enjoy po ulit sa second walk ninyo as a bride,” nakangiting sabi ng wedding coordinator namin. Narinig ko na muli ang wedding song namin, nahawi ang curtain na siyang nagdi—divide sa pʼwesto ko kanina. Lumakad na ako nang dahan—dahan hanggang mapahinto ako, nakita ko sina ate Kalinda and kuya Kepler. “Mommy, kami asama sa iyo